Hidden wife of the CEO CHAPTER 5


Ericka’s, POV
Hindi nako nagtagal pa sa party ni hindi narin ako nagpaalam kay Mich . Marami pakong oras para makapag impake ng gamit.
Sa mansyon lakas loob kung hinakot ang mga gamit ko, kung anong meron ako nung unang apak ko dito ay yun lang din ang dala ko. Nagpalit ako ng damit na maisusuot . Binalik ko narin sa malaking paper bag ang dress, shoes at jewels.
Sa kalagitnaan ng pag-iimpake nasa baba na lahat ng gamit at iisang maleta lang ang dala ko.
May nag-doorbell kaya tiningnan ko muna sa monitor .
Mom?
Banggit ko sa sarili.
Si Miss Hyacinth pala ang dumating ang mommy ni Russel.Agad kong pinagbuksan at bumungad sakin ang tila kanina pa umiiyak na mga mata.
“Ericka! where are you going? nagulat ako ng binalita ng dad mo ang nangyari sa office. yun pala ay maghihiwalay na kayo ni Russel?” sabi nya sabay yakap sakin.
“Mom, please wag nyo po akong paghinayangan. Ito’y hindi pilit at kusang loob akong nagdesisyon. Magdurusa lamang tayong lahat kapag pinilit nating...


ipagsama ang dalawang taong walang pagmamahal sa isa’t isa ” kumalas ako sa pagkakayakap.
“It’s about his attitude problem right? sinasaktan ka ba nya? ilang beses iha? tell me!”
“Mom, halika na po sa magusap nalang tayo sa phone.Hindi ko na sasabihin kung sang apartment o unit ang tutuluyan ko baka magpang abot pa kami ni Russel ” sabi ko. I gave her a kiss in her cheeks.
“I love you mom, no one can stop me. Thank you for everything . No regrets . Kahit ano mang mangyari I will never forget you including daddy George. Wag Kana pong umiyak. Hind naman ako magre-resign. Sa company, sa halip I’m promoted now as a Manager ng auditing department. Yun ay magandang balita hindi po ba?”
“Talaga? Kung ganun dadalasan ko ang pagbisita sa company. Take care iha ha? I have to bago pa dumating si Russel”
Nakaalis na kami ng mansyon.
Hinatid ako ng driver ko sa building ng unit ko At nangakong walang pagsasabihan tungkol sa bagong matutuluyan ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top