Embracing The Darkness Kabanata 10


Kulang yata ang salitang gulat para ilarawan ko ang reaksiyon ko sa narinig. Nakanganga ako kay Caspian na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya sa akin. Sa dami kong gustong sabihin ang nasabi ko na lang sa lalaki ay…
“Sabog ka ba?!” Malakas na tanong ko sa lalaki. Mukhang adik pa yata ang lalaking ito.
“What the hell Caspian?! Are you serious?!” Sigaw naman ni Via na napatayo pa na halatang may tama na ng alak.
“Masarap, I’m asking you hindi ka pa sumasagot.” Ani ni Caspian na hindi pinansin si Via na naghaharumentado na.
Ako naman ay muling nagulat sa sinabi ni Caspian.
“Alam mo Sir, kung adik ka magparehab ka. Sayang Sir huwag mong sayangin ang buhay mo dahil sa drugs. Masayang mabuhay.” Sagot ko na may awa pa kay Caspian na nanlaki din ang mata sa akin. Si Troy at Yuan naman ay nagsitawanan at inasar pa si Caspian. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Naawa lang ako kay Caspian sayang naman ang kagwapohan niya kung adik siya tsaka totoo ang sinasabi ko walang naidudulot na maganda ang pagdodroga. Concern lang ako. Kaya naman nagulat ako ng sa akin na nakasigaw si Caspian. Problema ng adik na ito?
“What the fuck are you saying! I’m not a drug addict okay?!”
“Weh?” Tanging sagot ko na hindi naniniwala. Sige nga sinong nasa matinong pag-iisip na mag-aalok ng kasal sa taong iilang minuto o oras mo pa lang nakakasama? Wala. Tanging may sayad at adik lang na tao ang gagawa noon.
“I’m not! Kahit magpadrug test pa ko ngayon! Tsk. I’m just asking you to marry me paanong naging adik agad ako?” Iritadong sabi sa akin ni Caspian. Aba, siya pa ang may ganang mairita.
“So baliw ka lang?” Tanong ko pa. Iyon na lang tanging naiisip ko na dahilan. Agad kong tinakpan ang dalawang tainga ko ng muling sumigaw si Caspian.
“Kanina adik tapos ngayon baliw?! Baka sa susunod alien na! You’re impossible!”
“Hindi nga alien ka?” Tanong ko pa.
“Kendra!” Sigaw ni Caspian. Nagulat din ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Pero halatang asar na asar na si kuya mo. Iyong dalawa naman ay tawa pa din ng tawa habang awat din ni Troy si Via na gusto makisali sa amin ni Caspian.
“Alam mo ikaw ang imposible. Prank ba ito? Jinojoke time niyo ba ko?!” Nilibot ko agad ang paningin baka kasi may hidden camera na pala.
“It’s not a prank nor a joke. I’m serious! Ganoon ba kahirap paniwalaan iyon!” Sigaw muli ni Caspian. Nauubosan na ko ng dahilan sa totoo lang. Kung hindi siya sabog, adik at baliw eh ano? Bigla ay bumalik sa akin ang kahihiyan ng makitaan niya ako ng boobs. At uminit din ang pisngi ko ng mapagtantong wala na ang maskarang nagtatago ng pagkakakilanlan ko. Bakit ko ba nakalimutan lahat? Si Madam kasi basta may new Vip costumer palaging atat, pera daw iyon lalo na kapag bumalik-balik na kaya daw kailangan pakitaang gilas sa una pa lang. Agad kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan. Nakalimutan ko ang katotohanang hindi ko suot ang maskara ko at nakita ni Caspian ang pinakatago-tago kong Mount Arayat. Paano na? Hindi kaya nalove at first sight si Caspian sa suso ko? Gosh. Tapos gusto niya kong pakasalan agad para libre niya ng masisilip tapos mahahawakan tapos malalaro tapos masisipsip—
“Aahhhhhh!” Sigaw ko habang pinagpapalo si Caspian. Iyon pala balak niya ha ngayon alam ko na. Manyakis pala ang itong lalaking ito.
“Aray! Ano ba?!”
Hindi pa ko titigil kung hindi ako itinulak ni Via buti na lang nasalo ako ni Yuan.
“Bakit mo siya sinasaktan?! May I remind you na costumer kami dito at ikaw pokpok ka lang!” Lasing at galit na sabi sa akin ni Via. Ako man ay nagulat. Inawat naman ni Troy si Via at iniupo.
“Wow grabe. Hayop sa galing! Palakpakan! Napakahusay!” Sa galit ko ay iyon lang ang mga nasabi ko sabay alis. Mabilis akong lumabas ng bar kahit hinahabol ako ni Caspian wala akong pakielam. Maghabol siya mukha naman siyang asong gusgusin sa kalye.
Nakakainis! Hindi ko alintana ang suot ko basta ang gusto ko ay makauwi agad at baka kung anong magawa ko sa kanila. Pinagtitinginan ako sa jeep maging sa paguwi ko may mga nag-iinom na sumitsit pa. Galit ko silang hinarap huwag ngayong bad trip ako.
“Ano?! Mga manyakis kayong mga potangina niyo! Ano patayan na lang?!” Sa sobrang galit ko hindi ko na napigilan ang bibig ko. Nagsitalikuran naman ang mga lasinggerong manyakis na waring natakot sa sinabi ko.
Mga mayayaman na iyon...


makapokpok akala mo sikip pa ang mga petchay nila eh iyong petchay ko nga hindi pa kailanman napasukan ng talong excuse me mahiya naman sila. Tsaka bakit parang kasalanan ko pa! Ako na nga ang ginulat at binastos ako pa ang ininsulto! Ako pa ang may kasalanan! Aba talagang hindi magkakaige sa akin iyong ganoon. Mga walang magawa sa buhay kaya pinespeste ang ibang namumuhay ng tahimik.
Patay na ang ilaw ng makauwi ako. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko na sinilip si Maharot kung nakauwi na ba siya. Bahala siya kaya na niya ang sarili niya malaki na siya. Ilang minuto pa lang ay bagsak na ako sa sobrang galit at pagod sa pakikipagtalo. Hanggang panaginip ko nakikipagbangayan pa din ako kay Caspian. Kaya naman ng ginising ako ni Maalindog ay pasigaw akong sumagot.
“Ate. Ate Kendra?” Ani ni Maalindog.
“Ano?! Mamaya na ko kakain!” Sagot kong nakasigaw.
“Ipinapatawag po kayo ni Ate Marg tanghali na po hindi ka pa Ate kumakain.” Wika ni Maalindog. Si Marg ay tunay na pangalan ni Maharot na short for Margarita. Nakonsensiya naman ako na nasigawan ko si Maalindog kaya humingi ako ng pasensya bago tumayo na at inaya na siya sa lamesa.
Ngunit nagulat ako ng may mga lalaking nagbababa ng ref, sala sets at flat screen t.v sa may salas.
“Ano ito? Nanalo ba ko sa lotto kahit hindi ako tumaya? Lord thank you Lord.” Masayang sabi ko habang nakapikit pa at nakatingala. Kinutusan naman ako ni Maharot na may hawak pang sandok na tumatawa.
“Sira. Iyon na nga bakla paano ka tatama sa lotto eh hindi ka tumataya bruha ka. Binili ko ang mga iyan. Tutal bahay ko din naman ito at magkapatid tayo.” Nakangiting sabi sa akin ni Marg ako naman ay masayang nagtatalon at niyakap ang matalik na kaibigan. Aba sinong hindi matutuwa kung may libreng appliances ka kahit hindi hulog ng langit hindi ba?
Mas lalo akong napangiti ng pumunta na ng lamesa. Nilagang baka at pork shanghai ba naman ang ulam na mga paborito ko. Anong nakain ng bestfriend ko?
“Hoy ang sarap naman nito. Anong nakain mo beshie? May kasalanan ka sa akin ano?” Sabi ko sa kaibigan habang sumasandok ng kanin.
“Hindi ako ang bumili niyan si Marie ang bumili, siya din ang nagluto tapos tumulong lang ako.” Sagot ni Maharot. Gulat naman akong napatingin kay Maalindog.
“Ha? Saan ka kumuha ng pera? Baka ubos na pera mo? Ibinili mo na lang sana ng mga kailangan mo. Dapat nagsabi ka na lang sa akin o kaya kay Ate Marg mo kung gusto mo ng ganiyang ulam at bibili ako.”
“Ipon ko po iyan Ate Kendra. Alam ko pong maliit na bagay lang iyan. Pero gusto ko pong kahit papaano masuklian ko po ang kabutihan niyo sa akin. Tsaka binili ko iyan hindi dahil gusto ko kung hindi po dahil paborito niyo Ate.” Nakangiting sabi sa akin ni Maharot. Kaysa naman sisihin ko pa siya sa paggastos na ang nais lang ay pakainin ako ng masarap na tanghalian kahit wala din siya. Hinila at niyakap ko na lang si Marie.
“Salamat sa masarap na pananghalian. At simula ng patirahin kita dito sa bahay ko pamilya na tayo Marie tandaan mo iyan.” Ani ko sabay himas sa likod ni Marie. Biglang napaiyak si Marie.
“Kaunting tiis na lang Marie gumagawa na ng paraan si Ate.” Dagdag ko pa na pabulong ko na lang na sinabi. Pagbitaw ko sa kaniya ay umiiyak na din si Maharot at humingi ng group hug. Kaya naman nagtatawanan kami bago nagsimula ng kumain. Nagpasalamat akong muli kay Maharot sa mga appliances na sinagot niya lang ng “di ba nga pamilya tayo”. Super thankful at blessed ako kay Lord kasi kahit ganito ang klase ng pamumuhay namin may mga ganito akong klaseng pamilya.
Masayang nagkukwento si Maharot habang kumakain kami ng panghimagas na ube na binili lang daw niya kanina sa naglalakong dumaan sa labas ng biglang may ingay sa labas kaming narinig.
Parang tunog ng gitara.
“Okay. Okay. Mic test. Mic test. Ehem. Good afternoon to my future wife. Hopefully after ng song na ito marealize niyang I’m so damn serious. Alam kong galit ka kaya susuyuin kita relax ka lang diyan. Ms. Kendra soon to be my Mrs. Balthazar this song is for you…”
To be continued…
Wahahahahahah comment na ang mga natuwa at excited dyan😆🤣 comment na para sipagin ako🤣 Ano ba Caspian🤣 Daming nag aantay ng update na ito may mga nagpost ba sobrang benta mo masarap😆..ito na guys ito na po😆 Good morning enjoy reading😊






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. kasalanan mo to creator dahil sayo kinilig ako kaw kasi ang sweet naman ni caspian

  2. ahh ang sweet kinikilig ako grabi para akong tanga tanga na tumatawa ikaw kasi creator eh😍😍😍😚😚😚😚

Leave a Reply


top