𝗥𝗵𝗲𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩
Kring
Kring
Kring
“Ano ba?! Natutulog ang tao eh! Kainis naman oh, kakapikit ko pa nga lang, kailangan gumising na agad!” singhal ko sa sarili ko kahit wala naman makakarinig.
I turn off the alarm clock. 5:00 in the morning. Dali dali kong kinuha ang tuwalya kong nakasabit sa kung saan. And as usual, deretso sa baniyo.
Puyat man dahil sa kaka overtime araw-araw pero kailangan kong mag banat ng buto. Dali dali akong naligo. Buhos dito buhos doon. Sabon, kuskos banlaw tapos patuyo na kaagad.
And yes! Nagmadali akong maglotion at cream sa mukha sabay pulbos. Di ko kasi maafford ang mga make-up. May binubuhay pa ako.
Nagluto na ako ng agahan ko. Prito ng scramble egg tas suksok kaagad sa bread. Timpla ng kapeng barako at ayun, pwede na.
Dali dali akong lumamon saka nagtatatakbo sa labas. Faded na maong ang sout ko tapos, white t-shirt. Wala eh, factory workers tayo. Gusto kong maaga makapasok para hindi magka-bad record. Kung sakali man na may tatanggalin, at least hindi ako yun.
“P*ta! Yung mask ko nakalimutan ko!” napatakbo ako pabalik sa inupahan kong bed space.
Pagkarating ko ay agad kong in-unlock ang pinto saka nagmadaling kunin ang mask na ilang beses ko ng nagamit. Wala tayong magagawa, mahirap tayo. Walang pambiling bago.
Patakbo akong pumunta sa labas saka nagmadaling maglakad papunta sa lugar kung saan ako nag wowork as a factory worker. Pagpapackage lang naman ng libo libong sweet mango ang work ko doon.
Mas mabuting lakarin nalang kesa sumakay sa sasakyan. Kailangan magtipid. After 5 mins. ng lakad takbo, ay nakarating na rin ako sa wakas.
“Good morning Mang Agustin,” ngiti at bati ko sa aming bodyguard.
“Good morning din Rhea, abang batang ‘to at di na napapatid sa pagiging early birds,” pagbati at pagbibiro pa sa akin ni Mang Agustin.
Makwela ito at maayos magpatrol dito sa factory na aking pinapasukan kung kayat halos mag iisang siglo na siya dito. HA! HA!
Pagkapasok ko pa lang ay sina Aling Melly at Nanay Corazon ang tao sa loob. Sila ang mga devoted factory workers dito kaya kahit nakakapagod ay nanatili sila rito. Sempre, alam kasi nila sa sarili nila na wala nang tatanggap sakanila. Kaya sila nagtagal rito ay dahil sa loyalty nila at maayos na pagtatrabaho.
“Hi Aling Melly at Nanay Corazon! Good morning good morning good morning!” magiliw kong bati.
“Hay naku, ki aga aga ng pambubulabog mo anak e di pa, mas maaga ka pa sa mga ibon na nanghuhuli ng mga bulati,” biro ni Aleng Melly.
“Syanga anak HA! HA!” natatawa naman sang ayon ni Nay Corazon.
“Aba ganun tayo dapat sa buhay. Laging positibo, huwag lang sa Covid,” sagot ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
Nag-attendance na ako sa biometric at the same time ay nag log-in na rin ako sa log book. Pagkatapos ay naghanda na kami. Unti-unti ring dumarating ang mga kasamahan ko.
” Good morning! ” malakas kong bati sa bawat kasamahan kong dumarating. Hanggang si Messy na ang nakapasok.
“Goo—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil si Messy ang nabungaran ko. Nakasimangot ito.
“Ano ka ba dito? Intertainer? Kiaga aga, nambubulabog ka,” inis nitong sagot sa akin. Pero sempre, hindi ako patatalo.
” Aba aba aba, aga aga, sinasaniban ka na naman best.”
“Manahimik ka Rhea.”
“Ano ba nangyari?” Hinawakan ko s’ya sa braso nang masaktan siya.
“Awts!”
Nakita ko bahagya ang pasa niya sa braso na natatabingan ng manggas ng shirt niya.
“Hey! Bat di mo na isumbong ang asawa mo? Sobra na iyang ginagawa niya,” pag-aalala kong sabi na may kaakibat na inis dahil hinahayaan nalang nito ang asawa sa pananakit nito sa kaniya. Hindi na bago sa akin ito kaso palala ng palala ang ginagawa niya rito.
” Hindi pwede. Walang mag-aalaga sa mga anak ko, ” sagot nito.
Napasimangot ako. Apat kasi ang anak niya. Siya lang ang nagtatrabaho. Samantalang ang asawa niyang si Rec ay sa bahay lang. Tumitingin sa mga bata. Plamunin. Hindi nga niya inaalagaan ang mga anak nito dahil pagdating ni Messy isang araw na sumama ako sa kaniya ay, hindi naayos ang magulong bahay tas ang dugyot pa ng mga anak.
Nasa sugalan pa ang asawa ng maratnan namin ang...