Author’s note : Chapter 2 is now updated! Sorry for the longest wait! Enjoy reading
CHAPTER TWO
Red pov
PUMASOK ako sa loob ng kwarto ko pagkagaling ko sa operation room at umupo sa kama habang nag log in ako sa laptop. Masyadong mayabang ang babaeng iyon, hindi ko natiis ang walang galang niyang bibig. Mabuti na lang at hindi nagalit ang ama nito sa inasal ko sa anak nito sa halip ay natuwa pa ito. Sanay na siguro ang ama nito sa ugali ng anak kaya wala na itong gulat doon.
Ang gusto ko lang gawin ay ilagay niya ang ugali niya sa tamang asal. Kahit gaano pa siya kayaman dapat marunong siyang pumili ng papakitaan niya ng kagaspangan na pag-uugali.
Doctor ako at mas matanda ako sa kanya kaya dapat kahit hindi niya ako gusto ay dapat ay may respito pa rin siya sa akin kahit papaano. Nagpatuloy ako sa pagcheck ko at sa pag scroll ko sa timeline ko ngunit napatigil ako nang may makilala ako na pamilyar na mukha.
“Inferness. Maganda siya. ”bulong ko. Pinindot ko ang kanyang profile at nag-scroll pababa. Na pagtingin ako sa mga post nitong pang syosyal kaya hindi ko na namalayan na nag i-enjoy na pala ako sa pagtingin ng mga post nito ng biglang may malakas na kumatok sa aking pintuan.
Iniwan ko muna ang laptop ko at binuksan ang pinto. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata kaya nagsalubong ang mga kilay ko.
“Anong kailangan mo? Busy ako bago ka dumating. ”Malamig kong tanong dito, na aasar pa rin ako sa kayabangan nito.
“Bakit mo ako pinapaalis? Ako ang kanina pa katok ng katok sa pinto mo pero hindi mo naman ako pinagbubuksan. Bahay ko ito remember, kaya may karapatan akong kumatok hanggat gusto ko. ”Sabi nito at nakataas ang isang kilay.
“Okay! What do you need and I have more to do. ”Hindi na lang niya pa ito pinatulan at nag tanong na lang kung anong kailangan nito. At niluwagan ko ang pinto para makapasok ito at naglakad na lang ako pabalik sa kama at hinintay na magsalita ito.
“Hindi ko alam kung bakit ka nandito sa kuwarto ko! Dahil alergy ka naman sa akin. Kaya bilisan mo na at ng pariho na tayong makapagpahinga. ”Ako ulit.
“Whatever! I’m your patient right? So you should trat me as one. ”
”Really? Don’t start me again miss Regala, we both know we didn’t start as well. Actually you’re the only one who start. ”Sabi ko rito at binigyan ito na alam kong ma-a-apektuhan ito pero sa tingin ko wala lang dito iyon.
“Okay. I just want to ask when will the operation start? ”Tanong niya.
Tumahimik ako ng ilang minuto bago nagsalita. “After two weeks, kailangan muna nating malaman kung gaano ka katatag para sa operasyon. ”sabi ko at tiningnan ko ito ng maigi.
“Bakit ang tagal? So magiging pilay ako in two weeks? No! Hindi ko kaya iyon. ”naiinis na sambit nito.
“Kailangan mong magtiis Selena. Magiging maayos ka ulit. Kung magiging mabait ka lang sa akin. ”Mahinahon kong sabi kahit papaano ay pasyente ko pa rin ito. Kaya kahit naiinis ako sa pagiging maldita nito ay kailangan ko pa rin siguraduhin ang kapakanan nito. Napabuntong hininga naman ito at inirapan lang ako at walang sabi-sabing pinaikot na nito ang wheel chair at wala man lang itong paalam na lumabas na ng silid ko kaya napailing ako.
Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin wala naman akong ginagawang masama.
Selena pov
KINUHA ko ang aking cellphone at nagsimulang tingan ang aking facebook. Pero parang wala akong nakikita kundi ang mukha ng Doctor na iyon kaya bumalik...