Meant to be? Chapter 20


Sandaling hiyawan at kantyawan ang umalingawngaw sa loob ng bahay na tinutuluyan ng 20 couples. Pinapanood nila kasi sa malaking screen ang ginawa nilang shoots kahapon bilang introduction ng bawat couple.
Yong iba kontento at proud sa ginawa may iba din na nahihiya lalo na yong mga pinares lang.. Pero lahat naman ok, kasi naenjoy naman nila ang kanilang ginawa .
Kabang kaba naman silang dalawa nong bigla nilang nakita yong mga itsura nila.
Hindi sila magkatabi sa tuwing may titingnan sa Screen. Rules iyon na magkabilaan ang mga boys at girls ng upo.. Tapos ang lagay.. pag nakita na nila ang mga itsura maghahanapan at magtitinginan ng parnter nila sa kabila..
… Wooah! Answeat naman! .. Pinagpapawisan ako sa kasweetan.! Kantyaw ng nasa likod ni Ace.. nakaupo sya samantalang yong nasa likod nya nakatayo at nakatukod sa sofa.
Napatingin sya sa reaksyon ni Nice na nakafocus lang sa tv habang sinisiko ng bahagya ng katabi. Medyo nangingiti na rin ito.. Pero may pagkabahala syang nakita.
Maraming pumasok sa isipan ni Nice habang pinapanood yon.. Bagay pala sila pag nagtabi at totoong may chemistry. Pero sobrang natural lang yong galawan nila, para nga silang magsyota lang talaga. E makikita yon sa TV.. Pano na?
Agad syang nagtext kay Ace.. Buti di pinagbawal ang cellphone sa loob ng bahay.
– Ace.. Ok lang ba yon?
Hindi ba parang nakakahinala yong nagawa natin?
– medyo nga noh, kailangan kasi ganon e.
We should give our best at magpakAtotoo para mapanalo to.
Hayaan mo na, huwag mo nang masyadong iniisip ang outside world.. Mapupuno n naman ang cp ko sa mura ni Khate neto.
– outside world talaga.. Well,goodluck sayo.
– buti wala ka ring boyfriend noh..
– si Bryan sana.
– ok..let’s end the conversation.
Magbihis ka na
– ok.. ” anong nagyari don ” anang utak nya
Ipinaskil na rin kahapon ang mga gagawin nila for the week at kung saang lugar ang mga destination.
At sa araw na to, sa bahay lang sila. May games silang gagawin sa malawak na space sa tabi ng swimming pool. Nakahanda na pala don ang mga gagamitin nila. 4 teams na may tag lilimang couples. Red, yellow, blue at green team. Kabilang silang dalawa sa red team.
May mga gulong, tapos may lulusutan na plastic tunnel, may iboblow na bubbles na dapat makaabot ang bubles lampas sa rope.
May papanain ng dart na cellophane na may lamang tubig. Kailangang mabutas yon para makapunta sa next stop. At ang huli aakyat ng pang rock climbing na sobrang baba lang. Tapos sa likod non.. Ay slope na at don na natatapos.
Napa.. What? Si Ace sa sarili para kay Nice. Pano na? Nakaka pagod to
Ayaw nyang pasalihin si Nice. Bigla nya itong binulungan
– don tayo sa huling pwesto.. Mamaya magkakagulo na yan, di na nila mapapansin.. wag kang sasali ha..
– OK lang Ace.. Di naman delikado..
– nalaman ko nang may ganito pero di ko akalaing, nakaka pagod pala to.
– Pasubukin mo naman ako, para MaEnjoy ko naman.. Wala pa nga tong umbok oh
– Sige na. Mag iingat naman ako.
– Ikaw, bahala ka.. ” pero nag a alangan si Ace.
– alam mo kagabi paggising ko, tumawag si Mitch.. Nagtatanong sya tungkol sa nangyari sakin ng gabing yon. Nag kausap kasi sila ni Khate nalaman nya yong sinabi ko na kila Meldrid ako natulog.. E di naman kami close non,...


hindi kapani paniwala na pupunta ako don. Pano ako mapupunta don.
Nahirapan akong mag isip, di ako makapag sinungaling. Sinabi ko na lang na battery empty na cp ko.
– tsk.. Close ba kayo nong Mitch..
-Sige na magsisimula na. Mamaya na tayo chat. Nababahala ako sayo e. Dahan dahan ka lang ha, kahit di na manalo sa game na to.
Nagkatinginan sila matapos kunin ni Ace ang cp nya para ilagay sa pinagtatabihan ng mga cellphones.
pumasok ang apat na watcher sa bawat grupo . Maya maya pay pumwesto na sila at sa pangatlong pito ng isang watcher nag umpisa na ang mga laro.
Sigawan ang naiwan sa linya. Panay cheer sa nauna..
Relax lang si Nice ang iniisip nya kung aamin sya kay Mitch. Hindi na lang siguro kahit best friend nya ito. Nagkataon lang na nagkita sila don sa bar, dahil pinasama ito ng pinsan.
Muli syang napatingin sa mga nasa field na, at tiningnang maiigi ang mga pwesto ng susuungin nila. Nag isip ng tactic.. Ganon din ang iniisip ni Ace.
Red team at Green team ang nangunguna.
Matapos sa slope babalik din agad kahit patakbo na sa team nya para susunod na naman ang next player.
At nakita ni Ace na parating na ang babaeng nasa ikaapat na couple sa unahan nya kanina.. Patakbo syang sumugod sa mga gulong na madadaanan.. Diretso sa makipot na tunnel
, dire diretso lang si Ace habang dinig nya ang sigawan na pinabibilis pa syang lalo dahil nag u unahan na sila at ng green team.
Telax ka lang Nice.. Pagpapanatag ni nice sa sarili. Dyatat panghuli sya at sa kanya nakasalalay to! “Fight fight fight! Buntish!”
Halos magkasabay sina Ace at ng player ng green team na dumating.
“Shit Nice! ” naibulong ni Ace nang di pa sya nakatuntong sa harap nito, mabilis na itong tumakbo at dinaanan lang sya!
Napabuga sya ng hangin sa kaba!
Halos ayaw nya itong panoorin.. Pero gusto nyang makita ang Nice na di pa nya nakikilala.
Na amaze sya sa angas ng mukha nito na ni hindi na sya pinansin, focus ito masyado!
Todo sigaw naman ang mga kalahok ng bawat team.. Alam nilang dalawang team na lang ang naglalaban para sa panalo.
Shit! Naibulong ni Ace.. Si Venice pa talaga ang nasa green team. Mabilis din ito, sanay yata sa mga activities sa gym.
Dama na ni Nice ang hingal, pero bahala na. Kailan man wala syang sinusukuang challenges.. Sanay sya dito.. Mamaya na sya babawi ng pahinga! Ibibigay nya ang best nya. Nang bigla syang nadapa sa dulas ng naapakan nya cellophane..
Mura agad si Ace! Parang malalagutan sya ng hininga.
Bumangon si Nice.. Dahil dinig nya ang sigawan at cheer ng mga teammates nya.
Kaya ko to!
Patakbo nyang sinugod ang pabulaan ng bubles at nag focus. Samantalsng nasa rock climbing na si Venice..
Pero isang ihip lang natapos na si Nice.. Patakbo syang nag punta sa pa rock climbing bahala na.. Halos nagsabay na silang nakapunta ng slope pero pagkababa nila, parang hangin si Nice na tumakbo papunta kay Ace. Kasabay ng pagbuhat ni Ace sa kanya sa beywang.. At sigawan ng mga teammates nila. Dahil si Nice ang nauna! Muli silang nagsigawan ng I announce ng watcher na red team ang nanalo.
Gustong gusto syang halikan ni Ace kahit sa pisngi lang. Tiniis nya na lang.. Napapailing na lang sya dahil pambihirang Nice ang nakita nya kanina. Mas lalo lang yata syang mababaliw dito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top