NINAKAW NA SANDALI Continuation again… Chapter 2


Maiging ibinaba ni Bella ang maliit na sakong dala-dala niya sa likod ng simbahan. Naroon kasi ang maliit na Kusina na bahagi nitong simbahan.
“Oh Bella ano yan?”tanong agad sa kanya ni Mang Oca na siyang tagasilbi rito sa simbahan
“Kamote lang ho Mang Oca.Para po Kay Father.”sagot niya sa tagasilbing si Mang Oca
“Bella.”
Agad napalingon si Bella sa taong tumawag sa kanya. Si Father Rey lang Pala ngunit kasama nito iyong Makoy.
“Father bakit po?”takang tanong niya rito
“May gustong makipagkaibigan sayo.”sagot nito sa kanya kaya nakuha agad niya na si Makoy ang tinutukoy nito dahil kita niyang napapakamot ito sa batok na tila napipilitan lang yata na makipagkilala sa kanya
“Father kilala ko na po siya. Apo po siya ni Mang Kantor. Si Makoy.”mabilis na sambit ni Bella rito
“Aba Makoy kilala ka na Pala nitong si Bella.”anas ni Father Rey
“Mukha nga Father.”
“Arabella Mendez Pero Bella na lang ang Itawag mo sa akin dahil iyon ang pagkakilala sa akin ng mga tagarito.”
“Okey,nice meeting you.”si Makoy na yon na lang ang nasabi dahil mukhang umatras yata ang dila niya
Ano bang Meron sa dalagang kaharap?Bakit para siyang nahipnotismo nito..Hindi naman ito maganda. Yan ang sigaw ng isip ni Makoy.
Bigla...


siyang natauhan nang tumunog ang cell phone niya. At agad nakita niya ang message kung kanino galing iyon.
“May ka meet Pala ako ngayon.”biglang sabi niya at agad siyang bumaling Kay Father Rey”Father aalis na po ako. May katagpuan po Pala ako ngayon.”
“Ganon ba. Oh cia..humayo ka na.”ani nito sa kanya
“Next time na lang ho ako mag-attend ng misa!”
Werdo?yan ang unang napuna ni Bella sa binatang si Makoy.
“May ka-date yata ang batang yon.”dinig ni Bella na sambit ni Father Rey
Sabagay Wala namang imposible na May ka-date nga iyon. DAHIL Hindi naman niya maitatanggi na May appeal ang lalake. At Isa pa alam niyang ang isang pulis ay mabibilis sa mga babae.
Napailing na lang siya sa kanyang naisip tungkol sa binata. Wala Kaya sa bokabyolaryo niya na makialam sa buhay ng ibang Tao lalo na pagdating sa sariling damdamin ng mga ito.
Mabilis na pinaharurot ni Makoy ang kanyang Motorsiklo patungo sa tagpuan nila ni Mrs. Ledezma. At nang maigarahe na niya ang motor ay agad siyang Pumasok sa loob ng resto. At nakita na niya agad ang kanyang Pakay..NASA dulo iyon nakaupo. Nilapitan na niya agad ito.
“Mrs.Ledezma..sorry po na-late ako.”hinging paunmanhin niya rito
Sinenyasan siya nitong maupo..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top