Meant to be? Chapter 19


Maagang nagigising si Nice.. Lalo na ngayong nasa ibang bahay sya.
Pero na amaze sya dahil maaga rin pala si Ace. May pa graphics kasi agad ito ng magkayakap na anime couple.. Na may caption na “good morning…MPIB.”
Nacurious man ay di na nya pinansin kung anong abbreviation yon.
– Maaga ka palang gumigising?
– Ah.. Ngayon lang din.
I mean magsisimula ngayon?
– Kawawa ka naman, alam ko matagal yong start ng klase mo, kaya late ka na gumising. Napasubo ka ba ngayon. ”
– Hindi.. Kinabukasan nong binugbog ako ni tatay.. Maraming nagbago. The same day na tinalikuran mo ako. Bigla na lang pumasok sa sistema ko na ang buhay ay di lageng papabor sayo..
– Sa ibang bagay Oo, pero may mga bagay na magiging dehado ka. Dehado ako sayo .. ” may bahid Lungkot, tampo at pait sa boses nito.
– At kailangan ko nang iwanan ang buhay na nakasanayan kong happy go lucky lang ako. Dahil kailangan ko nang mag grow, mas maging responsable pa.. Para may mapatunayan ako sa sarili ko, sa papa mo, at sayo.
– Ace.. Kung hindi ka masaya.. Huwag mong pilitin, ayokong may taong nahihirapan dahil sa akin. Baka naman kasi, naninibago ka lang sa akin baka hindi talaga totoong love yang nararamdaman mo.
Baka nga paglipas ng ilang buwan mawawala di yan. Infatuation lang kumbaga.
– hindi Nice, sa dami na ng nakarelasyon ko. At sa edad ko na to.. Nakakahiya namang di ko pa tukoy ang love at hindi. At natukoy ko sya ngayon dahil sa ngayon ko lang to naramdaman.
– bahala ka. Pinapahirapan mo sarili mo.
– sinong nagsabi.. Kaya nga alam kong love talaga. Kasi ramdam ko na yong dalawa. Yong sakit at saya. Pero kasi sumasama din yong takot. Takot akong di ako panigan ng tadhana.
– hinihiling ko lang kung di nya ako papanigan, at kung hindi ka talaga para sakin, sana mawala rin yong feelings ko sayo. Kasi.. Ikamamatay ko kapag di naging tayo tapos.. Patay na patay pa ako sayo
Patay talaga ako non, lam mo naman ang utak ko.. Kung gano ka intense pagdating sayo.
Tama, sana nga mawala yong feelings natin sa isat isa kung di talaga tayo. Mahirap at masakit kasi yon. Yon bang iba ang nakatuluyan mo tapos yong puso mo nakakulong pa sa taong mahal mo.
Tama..
Bakit ganito topic namin, sakit naman.. Tapos umaayon lang sya. Akala ko ba die hard sya sakin..
Bigla itong tumawag..
Nasasaktan din ako Khate.. Ah I mean my.
Ayokong tinatawag mo akong my.. Name ko na lang. Tsaka bakit may pa Khate?
Sorry, binabasa ko kasi mga texts nya andami. Ang kulit din e. Sorry my.
Sige na.. Magliligpit na ako ng higaan.
I love y-
Shut up.!
Tsaka nya pinatay ang tawag.
“Pinasakit mo dibdib ko..aga aga.. ”
Napasuntok ng unan si Ace.. Sabay tapon ng cellphone.. Sa kama lang naman.
Tsaka muling napasandal.
Inisip nyang maigi ang lahat. Ang pamilya nya, matatanggap kaya si Nice? Ang tagal nya na iyong tinatanong sa isip pero di nya mabigyan ng saktong sagot. O Di nya lang gustong aminin sa sarili na alam nya na ang magiging sagot. Dahil umaasa pa rin syang may magbabago.
Ang papa kasi at mama nya parehas din ng utak. “Sana magkatuluyan kami ni Nice dahil magkasundo naman ang mga utak namin. Sana kami na lang.”
Tumayo sya at nagligpit, nagpunta ng banyo tsaka pumunta ng kusina pagkatapos.
Kahapon pa lang may nag orient na sa kanila kung anong mga patakaran at mga gawain sa loob, mga schedule ng magluluto by group, cleaners, at san ang mga stock na pagkain etc. .

Nagbeat sya agad ng itlog.. Hanggang sa may lumapit na ring kagrupo nya para tumulong.. Puros lalaki palang sila.
Panay lingon sya sa likod
“Panigurado tigre na naman si Miss Alegre neto ngayon.” bulong ng kanyang isip.
Marami na rin ang nagising mag si six am na rin kasi.. Habang abala sya ay biglang lumapit yong babaeng kausap. Nya kahapon.
” Hi, good morning handsome!”
Napatingin si Ace sa paligid, marami na ring naroon sa malawak na dining area na magkAtabi lang ng kusina.. walang division.
G-good morning ..
Early bird..
Ah.. Heheh..
You know what I’m starting to...


like you.
Napatingin sya dito.
” Venice Wong! ” sabay lahad ng kamay nito
” We forgot to introduce ourselves yesterday!”
Tinanggap ni Ace ang kanyang kamay
“Ace Lacson.”
“Our names are accidentally sounded alike?”
Yeah, nagkataon.
Yeah.. Ahm you’re good in cooking?
Sanay kasi ako, starting college nag solo na ako sa unit ko.
Ahh, I see.. I love watching guys work on the kitchen.
Di kasi ako masyado mahilig mag luto, so prefer ko yong guy na marunong.. Hehe
Ahh, hehe..
Ahm that girl.. You’re partner are you real couple?
You’re not right.. Ngayon pala makikita na natin yong results ng ginawa natin kahapon. Papalabas na sya ngayon.
Talaga? Oo di pa kami couple.
But you’re residing in a same place?
Oo, medyo malayo lang
Gaano kalayo, you often see each other.
Hindi..
Ahh, so exciting right. But you look close together yesterday.. in the van?
Owh.. Ganon lNg talaga ako, I love protecting who’s with me.
Napangiti lang ito . “How I wish to have a guy like you.”
Napatingin uli si Ace dito.. At nagulat sya ng nakita si Nice sa likuran nito.. Palapit.
Kita nya ang sama ng timpla ng mukha nito. Nilampasan nito si Venice
At lumapit ito sa kanya..
“Sensya na, kanina ka pa?”
“Ok lang, naghilamos ka na?”
Tumango tango lang sya..
Patingin tingin lang si Venice sa kanila.
Hi.. Good morning! Nakangiting bati nito.
Good morning din
“Venice! Venice Wong!”
Tinanggap din ni Nice ang palad nito.
“Nice Alegre..”
” Nice meeting you..”
“Ako din.”
Napasulyap si Ace sa dalawa
Anong gagawin ko?”nahihiyang pabulong ni Nice sa kanya
” Hmm? Maging audience ka na lang siguro.”
May Ngiting tugon ni Ace
napatingin sya dito habang pinipigilang mangiti.
Taga ligpit na lang ako.. Sabay tingin sa iba at sa paligid..” Marami naman tayo..”
” Huwag! Ah I mean.. Dito ka lang sa tabi ko.” pabulong ulit ni Ace..
Dinukot sa bulsa ang cp.
– huwag kang aalis sa tabi ko.. Bumuntot ka lang sakin!.
Buti silent pa ang cp ni Nice.
Tiningnan nya ang cp nya at nabasa ang chat nito.
Kaya papunas punas na lang sya sa pinagbatilan nito ng itlog ..
“Over naman to” sa isip nya.
“Tong isang to walang balak umalis? In fairness maganda sya, halatang mayaman. Ayoko ng mga katulad nyang kaibiganin, masyado syang sosyal.”
Maya maya may lumapit na kagrupong babae at nakipag kaibigan kay Nice. Naabala na sya nito kaya di nya napansin tinutulungan na nito si Ace ng may gustong abutin ang binata.
Nakita iyon ni Nice.. Bigla syang nakaramdam ng iba.
Lumapit uli sya sa binata.. Sinulyapan lang sya nito sabay tingin sa cp nya.
Pagtingin nya may mga messages pala nito.
Hanggang sa nagluto na ito..
Nagising na rin ang partner ni Venice kaya umalis na rin ito. Tumabi si Nice sa kanya.
“Sorry”
“Gusto mo ba akong maagaw ng iba?” pabulong ni Ace
Nagulat sya sa sinabi nito..
Lang hiya.. Bat bigla nanikip dibdib nya don.
Sorry na..
“Punta ka malapit sa banyo..”
Hinintay nilang makaalis ang naroon.
Nagchat si Nice na wala na, di nya alam anong gagawin nito.
Nagmamadaling sumunod si Ace para lang dampian ng halik ang mala mamon nyang pisngi at yakapin sya ng mahigpit.
“Im sorry kanina kung pinasikip ko dibdib mo. Di ko yon sinadya, about kay Khate? ..”
“Sorry din pinatayan kita. ”
“Huwag mokong iniinis at hinahayaan sa iba… Hmm? Sa tabi lang din kita. Okay?”
Tatango tango lang si Nice.

“good girl..” ginulo pa nito ang buhok nya. Na para syang bata.
“Sige na mauna ka na” sabay himas sa balikat nya hanggang sa naglakad na sya. Ilingon nya ito
Nag I love you ito sa hangin.
Ngumiti sya.. At gumanti rin.
Love you too..
Napangiti na rin ito.. Masyado na syang nahihipnotismo sa kagwapohan nito. Bakit mas lalo itong gumugwapo sa paningin nya.
A/N:
Sensya na. Busy na.. Bitin muna.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top