*2U* Chapter 8


(Tanya POV)
+ nabigla ako sa tanong nya, bakit nya naisip agad na si Syto ang may gawa nito.
Sir- Mukang hindi ko na kaylangan ng sagot. Mukang ikaw ang may kaylangan ng sagot. Hinahanap mo ba sya para malaman kung bakit nya ginagawa sayo yan?
+ tumungo na lang ako. Tumayo sya at lumapit sa glass wall at tumingin sa kawalan.
Sir- bata pa si Syto ng makita ko sya, tulad mo, puro pasa, galos, sugat! Sa murang edad nya na yon, sariwa pa sa isip nya ang mga nangyare sa kanya.
Tanya- ano po bang nangyare sa kanya?
Sir- Minaltrato sya ng sarili nyang ina at ama tinuring syang parang hayop dahil kahit kaylan hindi naman sya minahal ng mga to, binalak nilang ipalaglag si Syto nung una, pero pinigilan sila ng lola nya, pero ng mamaray ang lolo at lola nya, magmula non, hindi na nila pinadali ang buhay ni Syto. Sya ang pinag hanap buhay, kapalit nun, bugbog at masasakit na salita.
+ bigla akong nakaramdam ng awa.
Sir- pero hindi lang yun. Mas naging bukas ang isip nya, ng masaksihan nya kung pano namatay ang tatay nya dahil sa kabet ng nanay nya, inatake sa puso. At pagkatapos nun, minaltrato din sya ng step Father nya.
+ hindi ko alam na ganto pala ang pinagdaanan nya.
Sir- alam mo, parang asong kalye ng lumayas at matagpuan ko yan si Syto. Hindi mo mahahawakan ng basta, dahil lagi nyang dala ang balisong nya.
+ bigla nyang itinaas ang long sleeve nya.
Sir- kahit ako, naranasan ko na ang galit nya.
+ may mahaba syang balat ng hiwa sa braso. Nanlaki ang mata ko nun.
Sir- marami ka pang hindi alam sa kanya Tanya. Pero kahit papaano, binigyan kita ng konting dahilan para unawain sya, pero hindi madali ang sitwasyon mo, nasa sayo kung mananatili ka kasama sya. Kung may lebel ang relasyon nyo ngayun. Uunahan na kita, likas na sa kanya ang pagiging mahigpit at mapangahas, dahil sa mga karanasan nya. Nagbago sya minsan, dahil sa isang tao, pero malupit ang tadhana sa kanya eh, ng mawala ang taong yun, wala ng kayang kumuntrol sa mga gusto nyang gawin.
+ wala nakong masabi sa lahat ng nalaman ko, isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Awa, pero alam kong ayaw nya ng kinaka awaan sya, dapat ko ba syang kausapin? Bakit parang nakokonsensya ako na bigla ko na lang syang iiwan sa ere.
Sir- nasa sayo kung kakausapin mo sya, para tapusin na, or the other way around. Kung sakaling manatili ka, hindi magiging madali. Hindi ko alam kung pano kayo nagkakilala, pero dahil nandito ka, sa tingin ko worth it na sinabi ko sayo lahat.
+ sandali akong tumungo, nalilito parin ako kung anong dapat gawin, kung ano ang uunahin. Pero..
Tanya- Salamat po.
+ ngumiti sya na parang alam na nya kung ano ang nasa isip ko. Nagpa alam nako at lumabas ng condo at building na yun. Gusto ko ng itigil gusto ko ng lumayo at kalimutan lahat. Napatingin ako sa reflection ko sa glass wall ng building, may mga bakas pako ng pasa sa muka at braso. Hindi ba dapat galit at poot ang kalalabasan nito? Humawak ako sa puso ko. Pero bakit iba ang nararamdaman ko?… Hindi kaya????
Dali dali akong pumara ng sasakyan at pumunta sa Practice Studio nila Syto. Pagdating ko dun, nagulat sila Ken ng makita ako.
Ken- Tanya???
Tanya- S-si Syto?
Renz- bakit ang dami mong pasa?
+ hinampas sya ni Ken sa braso sabay la it sakin.
Ken- san ka ba napunta? Alam mo bang hinahanap ka ni Kuya. Umalis sya kani kanina lang.
Tanya- San daw sya pupunta?
Ken- hindi nya sinabi eh.
+ napabuntong hininga ako, san naman sya pupunta?
Ken- teka, pag may problema si kuya, minsan nag A-unwine sya, baka nasa Bar sya, yung tinutugtugan namin. Gusto mo samahan na kita.
+ pumayag nako, dahil hindi ko pa alam kung saan yun. Kinausap ako ni Ken habang nasa byahe kami.
Ken- Tanya? Hindi ko alam kung bakit naghahanapan kayo ni Kuya ngayun, pero gusto ko lang sabihin na, sana intindihin mo si Kuya, alam ko naman na hindi nya sinasadya lahat ng nangyayare. Ako na ang huminhingi ng pasensya, maiintindihan ko kung lalayuan mo na sya.
+ tumingin na lang ko sa labas ng bintana ng kotse. Maya maya ay nakarating na kami sa Bar na yun. Pero wala parin sya dun.
Rex- Ken! Buti nandito ka, nasan na naman ba si syto? Hindi ko pa sya nakikita simula kagabi, hindi porket may katungkulan sya dito, basta basta na lang syang aabsent!
Ken- ahh, pasensya na po, may mahalaga lang po syang inaasikaso.
Rex- so hindi pala mahalaga to?!!
Ken- Ahh, ganto na lang po, ano po ba ang gagawin ni Kuya, ako na lang po muna, pero sasamahan ko po—-
Tanya- hindi, Ken ok lang ako, ako na lang, dito ka na muna, mas mahalaga to.
Ken- sigurado ka ba?
+ tinanguan ko na lang sya. Sabay nagpaalam na para umalis. Nag ikot ikot muna ako, nagbabaka sakaling makita sya o makasalubong, pero kahit anino wala parin, nakaramdam nako ng pagod at panghihina. Kinuha ko ang cellphone ko at nasakin nga pala ang cellphone nya. Umupo muna ako sa isang bench, dinial ko ang number nila nanay. At agad naman silang sumagot.
=anak? Kamusta ka na?
Tanya- nay. Ok lang po.
= mabuti naman, kamusta ang trabaho? Di ka ba nahihirapan?
Tanya- ok lang po nay. Maayos naman po yung napasukan ko.
= namimiss ka na namin dito, pag marami kang oras, sabihin mo, para madalaw ka naman namin dyan.
+ biglang pumatak ang luha ko.
Tanya- nay ok lang po ako. Atsaka pag may oras po, ako po ang uuwi dyan sa atin.
= ikaw ang bahala anak, kumain ka na ba?
Tanya- opo. Uhmm, nay, baba ko na po muna ha, may gagawin lang po ako.
= o sige, magiingat ka dyan, kapag may hindi magandang nangyare, tawagan...


mo agad kami, maliwanag ba?
Tanya- opo nay. Ingat po kayo.
= o sige babay..
+ binaba ko na ang cellphone ko. Hindi ko na kayang maglakad pa, kaya napag pasyahan kong umuwi na lang sa bahay. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Bakit umabot na dito? Bago ako pumasok ng bahay, nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid ng bahay, nagbabaka sakaling nasa tabi tabi lang sya, pero wala. Tsaka pako pumasok sa bahay, at hindi ko pa naisasara ang pinto, nakita ko na sya na nakaupo sa sofa, nakatuon ang siko sa magkabilang hita at nakasabunot ang dalawang kamay sa buhok. Nandito lang sya. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung anong una kong sasabihin, kinakabahan ako na baka magalit na naman sya sakin. At dahil di ko alam kung pano ko sya tatawagin.
Tanya- e-ehem!
+ mabilis syang lumingon at nanlaki ang mata ng makita ako. Dahan dahan syang tumayo habang nakatingin parin sakin.
Tanya- K-kanina pa kita hinahanap eh.
+ pero hindi sya sumasagot dahil nakatitig parin sya sakin. Maya maya Bigla syang naglakad palapit sakin kaya nabigla ako.
Tanya- a! S-Syto pasen—!!!!!
+ pero di tulad ng inaasahan ko, bigla nyang tinulak ang pinto pasara at niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na parang ayaw nya nakong pakawalan. Nakasubsob lang ang muka nya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Medyo umangat ang ulo nya at nagsalita sya.
Syto- akala ko hindi ka na babalik dito eh.
+ sa kabila ng malalim nyang boses, ramdam ko ang pagiging mahinay nya ng sabihin nya yun. Dahil sa yakap nya, napakapit narin ako sa likod nya, at lalong humihigpit ang yakap nyang yun kaya medyo hindi nako makahinga.
Tanya- Syto! Balak mo ba talaga akong patayin?
Syto- ha?
Tanya- hindi ako makahinga!
+ napabitaw sya pagkasabi ko nun.
Syto- Sorry.
+ nagkaiwasan kami ng tingin, bakit parang iba naman ngayun? Ngayun ko lang ata sya nakitang umiwas ng tingin sakin.
Syto- San ka ba nagpunta? Hinanap kita.
Tanya- ako din naman ah, hinanap rin kita!
Syto- nandito lang naman ako eh.
Tanya- malay ko ba?
Syto- akala ko, lalayuan mo nako eh.
+ kinuha ang cellphone na binigay ko sa kanya.
Tanya- pwede bang ingatan mo naman ang bagay na binigay ko sayo. Pasalamat ka nakita ko.
+ napangiti syang kinuha yon.
Tanya- alam mo bang pwede na kitang ipakulong ngayun? Ang dami ng ebidensya at testigo.
+ yumuko sya at umiwas ng tingin.
Tanya- may karapatan din ako na palayasin ka dito ngayun na!
+ tumango sya. Kahit medyo kinakabahan ako sa mga sinasabi ko ngayun, nilalakasan ko na lang ang loob ko.
Tanya- pero hindi ko gagawin.
+ napatingin sya sakin.
Tanya- pwede kang manatili dito sa mga kondisyon ko.
+ medyo kumunot ang noo nya.
Tanya- b-bakit? Ayaw mo?!!
+ medyo kinakabahan na talaga ako. Pero kaya mo yan Tanya, lalo nat naniningkit ang mga mata nya sakin.
Tanya- w-wag kang papasok sa kwarto ko at makikielam ng gamit mo, ganun din ako sayo. Atsaka…. Ano… Wala ka ng karapatang saktan ako sa kahit na anong paraan!!!
+ nanginginig ang boses ko habang sinasabi yon, magsasalita pa sana ako ng bigla nyakong hawakan sa balikat kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Syto- matapang ka na nyan?
+ medyo natawa sya.
Syto- o sige, gagawin ko yang mga gusto mo,. Pero….
Tanya- pero ano?
Syto- hindi ko maipapangako na magiging behave ako sa harapan mo minsan.
+ sabay ngiti nya sakin. Muli na namang nag-init ang muka ko sa sinabi nya.
Tanya- anong ibig mong sabihin?
+ yumuko sya ng bahagya kalevel ng muka ko. Tinitigan nyako sa mata. Ang bilis na naman ng kaba ko, lagi na lang!!!! Lumapit sya at nanlaki ang mata ko ng halikan nya ang gilid ng labi kong may pasa kaya napa atras ako.
Tanya- lumayo ka nga!! Hanggang dyan ka na lang ha!!
+ unti unti akong lumampas sa kanya.
Tanya- bawal kang pumasok dito sa kwarto ko ha!! Bawal!!! Napaka sarcastic naman ng ngiti nya, kinikilabutan ako sa mga kinikilos nya, kaya agad kong umakyat sa kwarto at isinara ang pinto.
Tanya- tumigil ka Tanya! Wag kang marupok, nandito ka, para itama lahat ng mali, hindi para lalong magkamali. Umayos ka!!!!
(Syto POV)
+ napatawa na lang ako sa mga ikinikilos nya, halata namang kabado sya, pero ewan, masaya akong bumalik sya, kahit hindi ko alam kung anong laman ng isip nya ngayun, pero pakiramdam ko na may bagay pa kaming dalawa na dapat ayusin, at kami lang ang nakaka alam nun. Pumasok na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Enzo, tama sya, pero pasensya na sa kanya, hindi pato ang oras para magkalayo kaming dalawa. Naisipan ko pang biruin si Tanya kaya umakyat ako at pumwesto sa gilid ng pinto nya sabay katok.
Tanya- ay kabayo!!!
+ sabi ko na nga ba eh, nakatayo parin sya sa pinto.
Tanya- ano?!!!
Syto- baka lang may kaylangan ka.
Tanya- W-wala, alis dyan.
+ natatawa ako na hindi ko malaman. Alam kong nakasandal parin sya sa pinto kaya sumandal din ako dun at pinakiramdaman sya.
Syto- Yes Boss. Baba nako.
Tanya- si-sige, ingat ka, i mean sige Babay!!
+ tapos narinig kong tumakbo na sya papunta sa kama nya. Pinipigilan ko na lang tumawa at bumaba nako. Napabuntong hininga na lang ako, bahala na kung anong mangyare, hindi ko alam kung bakit nya piniling bumalik, pero kung ano man yun, ang alam ko lang, masaya ako sa nangyare ngayun. Naalala ko ang nagawa ko kagabi. Dapat nasa kulungan nako, sa totoo lang dati nung mawala si Clarrise, mas gusto ko pang mawala narin pero ngayun, sa kabila ng lahat ng ginawa ko, may taong ginustong manatili. Nung una gusto ko lang ilabas lahat ng galit ko, pero nitong huli ginagawa ko na lang yun para hindi na maulit yung dati, hindi ko lang namamalayan na sumobra na. Sandali akong umalis at bumili ng gamot, iniwan ko yun sa ilalim ng pinto nya saka pumasok sa kwarto ko.
Itutuloy……
(Sa atin pong mga readers, lagi ko pong inaupdate sa comment box ng recent chapters ang bagong chapter kaya check nyo na lang po dun ang ating mga link. Salamaat po 💕)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top