First love ko at ako


Hi itago niyo nalang ako sa pangalan na yhanah. I want to share my story about samin ng first love ko. One day yung kuya at ate ko inenroll ako sa isang private school. Ang totoo excited ako na kinakabahan nung araw na yun. Kasi first time ko maeexperience ang lahat lahat. So ayun na nga bali nung freshman ako wala talaga akong inspirasyon. Simple at ordinaryo lang ang school life ko nung una. Sa unang year na yun aminado ako na marami akong naging crush. Kahit nga sa teacher nagka crush ako. Pero one day na super unexpected. Hindi ko alam na darating sa buhay ko ito. May isa akong naging close friend sa section namin. Gay siya and lagi siya nag kwekwento tungkol sa crush niya sa 2nd section. As in super adik siya doon. And then one day uwian bago makaalis hinatak niya ang kamay ko at dinala ako sa hallway para mag stop sa isang tabi. Tinuro niya ang crush niya na may ngiting abot tenga. Ang totoo nung una ko makita ang crush niya nilait ko ng patago. Nasabi ko sa sarili ko na “yan na yung crush niya ang panget naman”. The next day hapon na nun at uwian naiwan ako sa room namin dahil hinihintay ko pa ang isang close ko sa room namin. Tinawag kasi siya ng adviser namin. Dahil sa nainip ako eh kinuha ko ang walis at naglinis saglit, bigla nalang may na imagine ako na sobrang weird. I imagined na ako yung close kong gay friend. Inimagine ko na ang walis ay isang mic. Kunwari nakatayo ako sa stage at kakatapos ko lang mag perform. Ay kunwari nagsasalita ako sa harao ng maraming tao at sinasabi kung kanino ko dinededicate ito , “I dedicated this to you zoren benedict I love you” itago nalang matin siya sa pangalan na yan. Unexpected na happening accidente niyang nahuli ako na binabanggit yun. Paano? Nakita lang naman niya na hawak ako ang walis/mic through the big window na kung saan makikita ka sa loob ng room. Huling huli ako kulang nalang mukha akong natokhang na ikukulong sa kulungan. The funny moment na nangyri isa nung nahuli niya ko aksident pakong nag pacute sa kanya. Nag peace sign ako at tumakbo palabas ng room. Sakto dumating na si close friend kong isa. Itago nalang natin siyang sa bame na gino. “Gino sabihin mo kay zoren nadi ko siya crush.” Kasi sa totoo lang di ko naman talaga siya crush. Saktong tahimik sa buong building kaya kapag sumigaw ka rinig na rinig ng todo. At hetong hayop na close friend ko bigla nalang sinigaw na crush ko si zoren. After that moment in my life. I think that I’m gonna be dead.

The next day marami ng weird na nangyayari. Kapag lumalabas ako ng room bigla ko nalang makikita si zoren sa hallway at nakapatong ang kanyang mga braso at kamay sa handrail. Nahuhuli ko pa nga siyang nakatingin sakin through windows na malalaki na kapag naarawan eh nagmimistulang mirror mo. After several days of weird days na deads na talaga ako. Hindi ko akalain na magkakagusto ako sakanya. Tuwing titingin siya sakin kinikilig ako. And I dont understand kung bakit. Hindi ko naman sinasadya na gustuhim siya. Kahit nagmukha nakong mangaagaw edi push parin kasi wala namang sila. Yes im harsh and insensitive but love taught me na dapat ipaglaban mo ang isang bagay habang andyan pa. Dahil ang mas masakit magsisi. So ayun pinush ko na. The next day nag chat ako sa kanya sa fb. Its my first time na magchat sa isang lalaki. Nag feeling close ako at that time para ma notice niya ako. But it took several days bago siya maging active na kausap. Kase at first sobrang plain ng convo namin. Pero habang tumatagal nagiging masaya na ang convo namin. Sa convo lang namin nasasabi lahat ng damdamin namin pero pag personal na makikita sa school ang awkward namin da isat isa. Parang engot nga kami nun eh. At di lang awkwardness ang hurdle sa lahat pati na din yung mga karibal ko sakanya. Number one na yung nabalitaan kong babae na gusto niya itago nalang natin siya sa name na hello kitty. Si zoren ay binigyan niya ng hello kitty si itong si hello kitty nung bday niya. At di lang yun ang nalaman ko. Nalaman ko din na may gusto sya doon. At di lang ako ang nakaalam kundi kaming tatlo na nag aagawan sa kanya section namin. Yung adviser naming maldita na mahilig mag broadcast ayun dinaig pa si lolit solis. Nahurt ako doon pero di ako tumigil. Dumating ang valentines day. Pinagawan kami ng time to make letters at ibigay sa taong gusto namin bigyan. Gumawa ako ng letter para saknya. honestly nakakahiya nga kase may bura pa yun. Eh kasi tamad ako magsulat. Di ako ganun ka effortful. Pumunta ako sa classroom nila at nakiusap sa isa samga classmates niya na ibigay ang letter sakanya. Nag thank you naman siya. Oh I remember nung may event sa school namin at freshman pa din ako nun. Nakasama ko siya sa isang group kung saan kumakanta kami. Ako ang nasa harao at sya sa likod. Nakakahiya nga kasi nagkamali ako ng lyrics hahaha. The next year sophomore nako nun. Gusto ko pa din siya nung time na yun. Kaso simula nung nakita niya may niyakap akong iba na kaibigan ko lang naman nagiba na din ang tingin niya sakin. And after that hindi na niya ko kinausap. Di ko na din siya nakita dahil nasa fourth floor ang room niya eh ako nasa third floor. Halos araw araw akong nagaabang sa 3rd flood tumitingin ako sa taas para makita siya. Sadly hindi ko na siya nakikita. Nalungkot ako. Naisip ko na humanap nalang ng ibang mabibigyan ng attention. Ayun nagka crush ako sa isang koreano kaso di din nagtagal kase bastos. Nabalitaan ko na nakikipaghalikan sa kapwa koreano sa public place sa school. Ewws. After nun nagkacrush na naman ako sa isa sa mga classmate ko. Miggy ang name niya. Di kami ganun ka close at nung una palang ayoko ugali niya. Pero simula nung nalaman nya yata na crush ko siya napansin ko lagi siyang napapatingin sakin. Tapos minsan tatabi sa tabi ko. Minsan nga kinuha ng bespren ko ang puting buhok niya at binigay sakin. Gago no pero tinggap ko kasi galing yun sa crush kong si miggy. Kaso di din nagtagal ang pagkacrush ko sakanya. Kasi talagang di mawala sa isip ko si zoren. After few months nagkaroon ulit ng audtion para sa musika na organization. Nag try ako and grabi andun din siya. Nakita niya ko. Nakita niya kong kinakabahan. Di na kase mapakali ang kamay ko sa super nervous. Pero di ko inaasahan na i-totouch niya ang left shoulder ko. “Kaya mo yan” sabi niya sakin sabay ngiti. Natuwa ako pero kabado prin hanggang sa umatras nako. Kase di ko talaga siya kaya harapin. Super nahihiya na talaga ako sakanya. The next few months humingi ako ng tulong sa iba. Gusto ko na kasi mag confess sakanya. Bumaba pa siya mula 4th floor para lang makausap ako. Kaso tumuklip ang dila ko kaya di ko nasabi sakanya ang gusto ko. Nagkwento nalang ako nung kung ano anu sakanya. Nabigla ako ng sinabe niya na malay mo tayo pala dalawa para sa future. Dumating ang junior high. Ayun sadly 3rd floor na naman ako at masaklap sa dulo na ang room ko. Wala nako chance na makita siya ng bongga. Andami nangyari nung grade 9 nako. Naging mr. Healthy body siya nun. Hindi ako nakapunta sa mga events nun kasi ayaw ko siya makita. Nahihiya kasi ako saknya. Lalo na sa mga titig niya. Simula nung naging sikat siya marami ng babae na nalilink sakanya. Si karen, si penaflor at marami pa. Inis na inis ako nun kay karen at penaflor. Bakit kamo? Kasi nung intrams nun nalaman ko na kiniss ni zoren si penaflor sa cheeks...


dahil booth kasi yun. Pero nakakahurt kase. Kay karen naman naiinis ako kasi nakapartner niya ito sa isang competition. Love team sila kung baga. At ang pinaka masakit na moment sa buhay ko ay yung nireject niya ko nung g9. Kinausap ko siya ng personal. Sabi niya kaibigan lang daw tingin niya sakin. Saklap pa knarinig pa ng bespren niya. Kaya lalo ako napahiya. Nung time na yun nagmanhid ang puso ko. Hindi ko nararamdaman yung sakit. Kasi may nagpupush parin sa sarili ko na huwag sumuko. Di ako quitter. Nag effort ako lalo nun. Bumili ako ng keychain na boy and girl at dami pa. Binibigay ko iyon sakanya sign ng love ko for him. Gulat nga ako dahil yung keychain nilagay niya sa ID niya. Super kilig ako nun at pati mga mga kasama ko. The next day nahurt ako kase di ko na nakita yung keychain sa Id niya. Naisip ko baka tinapon na niya. Kaya nung naisip ko yun tinapon ko nalang ang kalahati ng keychain na yun na sakin. Hati kase yun eh yunisa saknya yun isa naman akin. Pero sadly nalaman ko nakasabit lang pala sa bag niya. Tanga ko dba. Yhanah tanga. The next month nagkaroon ng exam. Nagpalit ng mga rooms sa mga magtetest. After ng test lahat kmi ng mga classmates ko pinabalik na sa room namin. Nagulat ako ng pagkasilip ko sa window nakita ko si zoren na nakaupo sa upuan ko. Nagkatinginan nga kami nun eh. Di siya makapaniwala na makikita ko siya at vise versa. Super kilig nun ako. Pero minsan on and off siya. Dumating ang buwan ng wika. Ako ang napili representative na kakanya as a solo singer. Pinagkanta ko siya pero di siya tumitingin sakin. Ang cold nya super. Nakakainis na nga nun eh. Dumating ang prom. Syepre kahat naghahanda at ganun din ako ng bongga. Pinagsuot ako ng gown na super di ako confortable. Pero lahat ng hirap sa gown ko ay super worth it. Nung prom niyaya niya ko sumayaw. Pumunta siya sa table kung saan ako nakaupo. Inalok niya ang kamay niya at sinayaw ako. 2 times. Pero maraming beses nagtagpo ang kamay namin. Lalo na nung sa oras ng pagkain. Nung uwian na at nakasakay ako sa kotse nakausap ko si tanny. Nalungkot ako para sakanya kase iniwan sya nung girl na dream niya na makasma forever. Nagulat nalang ako ng bigla niya ako ipakausap kay zoren through phone. Ang kulit ko nun sobra. Kasi akala ko di sya ang kausap ko pero na confirm ko na siya nga yun. Tuwa tuwa akong nakauwi sa bahay. Grade 10 na. Nung grade ten active na active na talaga siya sa mga events. While me never naging active. Nung time na yun gusto ko na siya kalimutan kasi nasasaktan nako sa mga nababalitaan ko na kesyo may babae na nalilink sakanya. Ang pinagtataka ko eh bakit niya pa sinasakyan ang lahat ng mga gingawa ko kung ayaw nya sakin. So ayun tinatry ko na sya kalimutan. Pero one day bigla siya napadpad sa room namin naghihiram ng walis eh sakto ako ang nasa pintuan punakamalapit sakanya. At saktong hawak ko ang walis. Kase naglilinis ako. Iba ang tinatawag nya nung time na yun pero sakin siya nakatingin. Nung una ayoko siya ipahiram pero nung di ako nakatiis pinahiram ko siya ng walis. Ang kinagulat ko nung bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko at sinabi sakin na thank you. Kinilig na naman ang gagang ito. The next few months again. Ang subject namin sa tle ay hi hinati sa tatlo. Ang pagpipilian ay cookery housekeeping at beauty care. Pinili ko ang cookery kase interesado ako sa pagluluto though im not good sa pagluluto. Nung araw na nag start ang class sa subject na yun absent ako. The next day nang pagpasok ko nagulat nalang ako sinabi sakin ng mgakasama ko ma classmate daw namin sila zoren at dun pa talaga sa room nila kami mag claclass tuwing cookery time. Punyemas. Baliw na naman ako nyan. Nung dumating ang time ng cookery class nakasimangot akong pumapasok sa loob ng room nila. Habang yung mga tropa ko iniinis ako. Gusto ko nun habang nagkaklas ekami makita niya matalino ako na ma impress sya sakin kaya sa subject na yun lagi ko pinagbubutihan. May special moment din kami every cookery class. Masaklap naging kagrupo ko sya sa pagluluto. Tuwing oras ng lutuan nakakasama ko siya. One time nga nanoood ako nagluluto yung isa namin kasama. And then nagulat ako bat mayfeeling ako na hininga sa bandang shoulder ko pero di ko nalang pinapasin. Then nung narinig kong nag omy gosh ang tropa ko don ko lang nalaman na nasa likod ko si zoren nagkahrao ang mga mukha namin. Todo kilig ako nun. Di lang yun ah. Nung naghugas kami ng pinggan bigla ako nilapitan ni zoren sabi niya sakin samahan ko daw siya kunuha ng baso sa cafeteria dun sa dulo. Eh may kasama naman sya nun pero di ko alam kung bat pa sya nagpapasama sakin. Sadly di ako pumayg kase pagod nako. Pagod na ang puso ko na makisabay sakanya. Sa pagiging paasa niya. Pero tanga ako eh mahal ko siya. Dumating ang birthday niya niregaluhan ko suya ng cake at nabalitaan yun ng mga teachers at schoolmates. Ininis panga ako nung history teacher namin dahil nalaman niya na binigyan ko siya ng cake. Ininis pa niya ko saharao ni zoren mismo. Kairita.
Dumating ang senior high. Grade 11 nako. Wala nako masyado time sakanya. Hindi na din ako updated sakanya. At may mga times na hindi ko na talaga siya naalala. Dahil may nagkng crush nako ulit nateacher nun and that time talagang medyo naseryoso ako dun sa history teacher namin na freshgrad. Kaso I found out na manyakis kaya nilayuan ko. Suddenly naalala ko ulit si zoren. Everytime na magkakasakubong kami sa school di na niya ko pinapasin or kahit man labg tignan ako. Nung dumating ulit ang birthday niya napaisip ako. Gusto ko siya regaluhan ulit. Ang totoo nun namoblema nako kase wala nako pera nun. Pero dahil mahal ko siya gumawa ako ng paraan. Bumili ako ng cake, bottle na may lots of papers that each paper ay may nakasulat. Nagpagawa pako ng explosive box at nagpadevelop ako ng pictures niya add mo pa ang mga designs para sa box. Jusko overall 1000 plus ang nagastos ko dun. Pero di bale kase masaya ako na mabibigyan ko siya ng gift. Success! Nabigay ko saknaya ang gift ko. Tinanong niya kung bat ako may pictures niya pero di ako makasagot. Pinatayo niya ko at nagulat ako ng yakapin niya ko. Pero nung time na yun di ko naramdaman na masaya sya. Kahit na nakangiti siya. Hanggang sa nalaman kong may iba na pala siyang gusto. Si melia. Nalaman ko nalang sa mga tropa ko yun. Unti unti nako nawalan ng gana magaral nun. Sadly nag repeat pako. Kaya nagpagdesisyunan ko na na magtransfer sa other school. Kasi wasak na ang puso ko. At super depress nako nun di lang dahil sakanya kundi pati sa mga iba pang pangyayari sakin nun sa school.

Nasasaktan ako kase marami nga siya nagugustuhan na ibang mga babae. Mas maganda at mas sexy pa. Mga babaeng pinagpala.

Nagugustuhan niya ang mga tulad nila pero ang tulad ko na nag effort ng maraming beses, kahit nagmukha nakong tanga sa lahat pinapakita kong mahal ko siya na di ko siya sinusukuan. Pero sa bandang huli ako ang Natalo .

Ito ang masasabi ko. “Yes its true nagmukha akong tanga. Pero worth it lhat sulit lahat ng pain at sufferings. Kasi lagi ito may iniiwan na aral sakin. Una dapat mong matutunan mahalin ang sarili mo. Matuto kang ibuklat ang mata mo na huwag kana ulit tumingin sa nakaraan upang muling tumambay dun. At lastly hindi ka ipapasok ni lord sa relationship kung saan ayaw niya. Na alam mong ikakasira lamang ng buhay mo.

Thank you sa mga magbabasa super maappreciate ko. Godbless and I hope you will find your true love.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Hi. …gusto q my matotonan aq sa lahat na nababasa q

  2. Ang ganda👍

Leave a Reply


top