Hidden Wife of the CEO CHAPTER 3


Ericka’s POV
Sa office,nagkachikahan kami ng bff kong si Mich tungkol sa pinsan nyang gustong ipakilala sakin at ang sabi matagal ng may crush sakin.
“So, ganyan ba ginagawa nyo sa oras ng trabaho?”
“I’m sorry sir” gulat kami pareho ni Mich ng dumating si Russel kaya agad na naming binaling ang mga sarili sa computer
“Ericka, come to my office. Follow me” Russel said at sinundan ko nalang sya sa paglakad habang lahat nakatingin samin dahil hindi naman talaga nagpupupunta sa pwesto namin dahil busy ito sa pakikipag usap sa mga investors sa labas.
Nakarating na kami sa office nya at pinalabas ang secretarya nya . Ni lock ang pinto at in-off ang monitor sa loob
“Sir anong kailangan nyo” Sir ang tawag ko pag nasa trabaho.
“Honey, walang tao dito kaya wag kang magrattle dyan”
Umupo sya sa sofa na may hawak na red wine.
“Have a sit” he said
at umupo ako sa harap na pwesto ng nakayuko.
“Anong pinagsasabi nung kasama mo kanina? ” sabi nya.
Narinig na pala yun...


di ko namalayan.
“Ah wala sabi nya sabay kami mag breaktime” Sabi ko tapos pabagsak na nilapag ang baso ng wine sa mesa kaya muntik ng tumalsik sa harap ko ang wine.
Halatang nanginginig ang mga kamay ko sa ginawa nya
“Li*ar, subukan mo lang kumaliwa at takasan sa responsibilidad mo sakin, makikita mo ang totoong meron ako Ericka Delfuego” matigas ang bawat salita na lumalabas sa bibig nya . Pilit kong kumalma at nagsalita at tumingin ng deretso
“Don’t worry Russel tatandaan kong sinabi mo wag kang mag alala hindi ka mawawalan ng mana at iyong iyo na itong kompanya. Di mo makikitaan ng anumang anumalya . Hindi rin nila malalamang asawa mo’ko at mananatiling sekreto ang lahat.” sabi ko at tumayo nako
“Good! umuwi ka ng maaga hon, I’m so excited for having a baby” sabi nya sabay larok ng wine na nasa baso nya.
Lumabas nako ng office.
“Pumasok kana,balikan mo na yung amo mong may s*ltik” Sabi ko sa sekretarya.
(Waiting for approval po ang ating mga chapters✌️)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top