The Battered Wife CHAPTER 24


Author : Krista1307
Genre : Random
๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป ๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป
( SKY – POV )
Kahit na pinagbawalan ako ng mga nurse at doctor na manatili sa loob ng I.C.U ng hospital ay hindi ko sinunod.
Ayokong iwan si Elise.
Gusto ko na sa paggising niya ay ang gwapo kong mukha ang una niyang makikita.
” Elise , mahal ko gumising kana.Dapat kase hindi ka agad naniwala kay Frano , yan tuloy naaksidente ka pa.”
Araw-araw ko siyang katabi.
Hindi ako umuuwi sa bahay.
Sa loob ng isang linggo na walang malay si Elise wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa maamo niyang mukha.
” Kung hindi sana kita niloko noon , siguro masaya na tayo at maraming anak.Pangarap ko kase na magkaroon ng malaking pamilya.Alam mo Elise , kapag ngayong araw ka nagising pakakasalan na agad kita kahit nandito tayo sa hospital para wala ka ng kawala sa akin.”
Natatawa naman ako sa aking mga naiisip.
๐ŸŒป
Ang sabi ng doctor ay nasa maayos na kalagayan naman si Elise.
Tanging hinihintay na lamang ang kanyang paggising.
Kasalukuyan kong hawak ang wedding ring namin noon.
” Mahal kong Elise , hawak ko ngayon yung singsing natin noong ikinasal tayo.Gusto kong isuot mo na ito agad kaya please lang gumising kana.”
Tungkol naman dun sa taxi driver , sinabi niya sa akin na nawalan siya ng preno kaya bumangga sa kasalubong nilang sasakyan.
Humingi rin siya ng patawad sa akin sa nangyari kay Elise.
Sina Franco at Zeny naman , sila yung nagdadala ng mga personal kong gamit mula sa aking bahay kase nga ayaw kong umalis dito sa hospital.
Nakaramdam ako ng antok kaya naisipan kong matulog muna.
Pero bago pa ako tuluyang makatulog ay mayroon akong naramdamang kumilos sa aking tabi.
Agad kong tiningnan si Elise.
Gising na siya.
Agad kong tinawag ang mga doctor.
” Sky ”
Iyan ang unang salita na kanyang binigkas mula sa isang linggo siyang walang malay.
Sobra ang saya na naramdaman ko.
Nakita ko pa siyang tumingin sa akin pero dahil siguro sa kasayahan ko ay pakiramdam ko ay umiikot ang aking paningin.
Haggang sa hiyaw nalang ng mga doctor ang aking narinig at tuluyan ng dumilim ang aking paligid.
( ELISE – POV )
Medyo masakit parin ang ulo ko dahil siguro medyo matagal akong walang malay.
Kung nitong mga nakaraang araw si Sky ang palaging nakabantay sa akin ngayon naman ay siya ang aking binabantayan.
Nang makita kase niya akong gumising kanina ay bigla itong namutla at nahimatay.
” Hay nako Sky.Sumobra naman ata ang reaksyon mo”
Bigla ko naman nakita ang senyales na gising na siya kaya naisip ko na magtulog-tulugan.
” Elise , mahal kanina gising kana di ba bakit tulog ka na naman ? Elise .”
Tapos narinig ko ang pagsara ng pinto.
Napamulat naman ako , nawala sa tabi ko si Sky siguro ay tumatawag ito ng doctor.
Napatawa naman ako.
May nagbukas bigla ng pinto kaya naman pumikit ulit ako.
” Doc anong sinasabi nyo na gising siya eh ayan nga oh wala parin siyang malay.Pero sigurado naman akong gumising na siya kanina.Please doc gisingin nyo ulit siya.”
” Mr.Villafuente , maayos na po ang kalagayan ng girlfriend mo —- ”
May sasabihin pa sana yung doctor pero nagmulat ako agad.
” Hoy Sky anong girlfriend ang sinasabi mo sa kanila ? ”
Niyakap ako agad ni Sky.
” Kanina ka pa pala gising.Nagmukha tuloy akong tanga sa harapan ng mga doctor.Sa ayaw at sa gusto mo girlfriend na kita ngayon.”
Pagkatapos niyang magsalita ay hinalikan niya ako agad.
” Mr.Villafuente , pwede na ba kaming lumabas para masolo mo ang girlfriend...


mo”
” Mas mabuti pa doc , salamat po.”
Binatukan ko agad si Sky.
Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at walang pasabi na isuot sa akin ang pamilyar na singsing.
Ang wedding ring ko.
” Engage kana sa akin ha.”
” Anong sinasabi mo Sky ? ”
” Elise , ano mas gusto mo ikasal tayo dito sa hospital o ikakasal tayo paggaling mo ? ”
” Tumigil ka nga Sky.”
” Alam mo Elise , titigil lang ako kapag kasal na tayo at may sampong anak.”
” Anong akala mo sa akin Sky baboy ? ”
” Hindi pero Elise gusto ko yung marami tayong anak para masaya.”
” Ewan ko sayo”
Akmang tatanggalin ko sana yung singsing pero nagmakaawa siya sa akin agad.
Umiiyak si Sky.
” Elise , please naman wag mong tanggalin yan kapag tinanggal mo yan para mo na rin ako pinatay”
” Alam mo Sky naging O.A kana ngayon .. at alam mo marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin kung bakit halos limang taon ka nawala.”
” Ganito kase yun , naisipan kong hanapin ka kase ang tagal mong nawala sabi mo lang kase bibili ka ng pagkain natin.Habang naglalakad naman ako nakita ko yung love birds kaya binili ko.Tapos may nakita akong maraming tao na nag-uusap-usap kaya lumapit ako sa kanila , then nakita ko na hinahalikan ka ni Franco.Umalis ako agad kase nagselos ako.Pakiramdam ko kase si Franco na yung gusto mo at talagang wala na akong pag-asa sayo kaya lumayo nalang ako.”
” Eh bakit nakita namin kayo ni Franco sa may harapan ng hospital noon kasama sina Zeny at anak nya ? Di ba sabi mo sa akin noon hindi ikaw yung tatay eh bakit daddy ang tawag sayo nung bata.”
” Hinanap ni Zeny ang lalaking nakabuntis sa kanya kaso hindi talaga niya nakita pa.Naawa naman ako dun sa bata kaya hinayaan ko nakang na tawagin niya akong daddy.Kase ako matagal ko ng gusto magkaanak ”
” Bakit pinatagal mo pa Sky ng limang taon ? ”
” Kase nga akala ko hindi mo ako love ”
Natatawa ako sa itsura ngayon ni Sky.
Habang nagsasalita kase siya ay may natulong luha sa kanyang mata.
Para ba siyang bata na nagsusumbong sa kanyang nanay.
” Elise , yung mga anak nating ibon inalagaan mo naman ba ? ”
” Anak ba natin yun Sky ? ”
” Aba oo … bago ako umalis ng condo unit mo sinabihan ko silang wag ka nilang pababayaan.”
” Anong akala mo Sky nakakapagsalita sila ? Namatay agad silang dalawa .Todo iyak nga ako noong nawala sila kase iyon yung iniwan ko sa akin bago ka umalis.”
” Kawawa naman yung mga anak natin ”
” Teka nga Sky . may sakit kaba bakit parang naalog ata utak mo”
” Ngayon lang naging ganito yung ugali ko at sayo ko lang ito ipapakita.”
” Pati ibon naging anak na natin.”
” Elise kahit langgam pa sa magiging bahay natin ituturing kong anak basta ikaw yung nanay.”
” Kapag hini ka pa tumigil Sky ibabato ko sayo pabalik itong singsing.”
” Elise naman di ka na mabiro.Kiss mo nalang ako ”
” Isa tatamaan ka talaga sa akin Sky.Di pa tayo ok ”
” Ito naman , sige ka baka kung mapaano yung baby natin”
” Sky anong baby sinasabi mo eh hindi pa nga ako buntis.”
” Elise oo tama ka hindi ka pa buntis pero kung gusto mo madali lang yun gawin.”
Napakamot nalang ako sa aking ulo.
Hindi ko talaga makausap ng maayos si Sky.
Ganito pala siya mainlove.
TO BE CONTINUED …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top