Desperate Elora Chapter 1


Buntong-hiningang minasdan ni Elora Urzula ang kabuan ng kanyang hardin bawat sulok kasi ay nakapalibot ng iba’t-ibang kulay ng ilaw. Malakas din ang tugtugin ng awiting ‘Happy Birthday To You’ na sinabayan iyon kantahan ng kanyang kaibigan at mga empleyado niya. Nasa itaas na bahagi ng hagdan siya nakatayo ngayon kaya naman ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya.
She is the star and center of attraction. Dapat lang diba dahil kaarawan niya.
Sa edad ng trenta’y sais narating na niya ang rurok ng tagumpay lalo na sa taong ito isa ang pangalan niya sa listahan ng newly success people in the business world. Nagsimula siya sa isang foodcart siomai lang noon pahanon katatapos niya sa kolehiyo. Graduate siya ng Business Management kaya naman malaking tulong sa kanya iyon dagdag na rin ang pagkahilig niya sa iba’t -ibang uri ng negosyo nandyan na ang online selling ng samu’t saring beauty products,ternong damit, sapatos, sandals at siomai.
May kaya ang kanyang pamilya at nag-iisang anak lamang siya kaya naman suportado ang kanyang magulang sa bawat desisyon na ginawa niya.
Humugot siya ng isang malalim na paghinga hindi niya maiwasan ang maluha sa pag-alala sa kanyang mga magulang. Limang taon na kasi ang lumipas na sunod-sunod ang mga ito lumisan sa mundong ibabaw at iniwan sa kanya ang lahat ng ari-arian.
Oo nasa kanya na ang lahat ng yaman at isa na lang ang kulang yun ay ang magkaroon siya ng anak.
Pero paano kung simula’t sapul ay NBSB na sya. Hindi naman siya pangit at hindi naman siya choosy nagkataon lang na hindi pinag-interesan ng kalalakihan ang kanyang beauty.
‘Ang saklap naman Elora’ tudya ng kanyang isipan.
“O, make...


a wish and blow your candles madam.”
Nagising ang kanyang diwa sa turan ng isang empleyado tapos na pala ang kantahan at siya na lamang ang hinihintay. Sinulyapan niya ang kanyang katabi na si Adam ang kanyang bff since birth dahil bukod sa magkaedad lamang silang dalawa ay partner din niya ito sa negosyo. Ito din ang karamay niya noong panahon nagluluksa siya.
“Gurl ang layo ng iniisip mo. Dali na bumaba kana doon kanina ko nakikita si Papi Xian ko kawawa naman” bulong nito sa kanyang kanang tainga at tinaasan siya ng kilay.
Yes,hindi nga kayo nagkamali beki si Adam kaya kampante siya dito.
May kapatid na siya at the same time may bodyguard na din siya. Matangkad at malaki ang katawan nito kaya maraming mga babaeng empleyado nila ang nahuhumaling dito. Pero wala lang iyon sa lalake dahil sa puso’t isipan nito ay lalake din ang gusto nito at siya lang ang nakakaalam doon bukod sa iba nilang kaibigan na andito ngayon.
Ngiting pasimpleng inayos ang kanyang itimang salamin sa mata at sinukbit ang kanyang braso sa braso ng katabi at sabay silang bumaba sa hagdan.
“Blow the candles Maam”
“Oo nga Maam para makakain na kame”
Nagtawanan ang lahat sa naging turan ng isang lalakeng empleyado. Nakisabay na lang siya tumawa sa mga ito.
“Oo na manong saglit lang hindi po kayo mauubusan ng pagkain dahil lahat ng iyan ay sa inyo yan.”
“Whoooo! Ang bait ni Maam. Sana all”
“Maam paampon nyo na lang ako”
Hiyaw ng iba na andoon sa kumpulan.
Imbes na sagutin ang mga ito ay pumikit na lamang siya saglit saka sa kanyang pagdilat ay tuluyan na niyang hinipan ang mga kandila.
“CHEERRRSS!”
(to be continue)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top