My Husband’s Secret Chapter seven


Hindi na nakapag hintay pa si Anicah na dumating ang sabado Beyernes pa lang na gabi ay nag biyahi na pauwi sa kanilang probinsya.
Sa bahay nilang mag asawa siya tumuloy. Kumatok siya sa pintuan.
Tok! Tok! Tok!!
“Mahal, mahal andito na ako..” Sigaw niya.
Walang nagbubukas sa kanya.
Tiningnan niya ang pintuan nakalock iyon Sa labas, tingin niya walang tao sa loob.
Sinusian niya iyon gamit ang sariling susi.
Pag bukas niya ng pinto wala si Troy.
Maayos ang kanilang bahay walang kalat.
“nasaan kaya siya nag punta?”
Nahiga na lamang siya sa kanilang kama.
Kinuha niya ang unan nito at niyakap iyon. “Troy nasaan ka na ba? Tahimik niyang usal.
Kinabukasan.nagpunta siya sa bahay ng mga magulang.
” Nanay KumustA po! “masayang bati niya sa ina. Niyakap niyang mahigpit ang mga magulang.
” ang anak ko namis kita Anicah, mangiyak ngiyak na sambit ng ina.
“Ayos lang po ako nanay..”!
Mabuti naman at nkauwi ka Anicah?”. Sambit ng ama.
” Oo naman po tatay. Pasensya na po busy po kasi ako sa trabaho kaya ito ngayon lang po ako nkauwi. Si Troy nga po pala nakita nyo ba? , wala po kasi siya sa bahay kagabi.”
Baka may pinuntahan lang siya. Mabuti pa si Diego, s’ya ang tanungin mo siya ang kanang kamay ng asawa mo.”
Tumango na lamang siya sa ama.Dito muna siya nkibonding ng isang araw. Saka pa siya umuwi sa bahay nila.
Wala pa rin si Troy.
Nakita niya si Diego sa Di kalayuan ng bahay nila. Nilapitan niya ang lalaki.
” Ma’am Anicah, nandito ka na pala.?
Diego, si Troy ba nakita mo bakit wala siya sa bahay?
” Hindi ko alam eh!
“Imposibli namang Hindi mo alam, amo mo siya!
” Aba ma’am lalo ka na asawa ka niya kaya imposibling Hindi mo rin alam!pamimilosopo nito sa kanya.
Diego anuba? ‘kung alam ko e sana Hindi na kita tatanungin pa! Kainis! Naiirita niyang sambit.
“Aba’ y Hindi ko rin alam ma’am. Dapat kasi inaalam mo ang tungkol sa asawa mo para naman Hindi ka nawawalan.”nasermunan pa s’ya nito.
Haissst..” Nasira ang mukha niya sa tinuran ng lalaki.. Tama nga naman ito. Wala siyang alam kay Troy maliban sa dito ito nakatira.
Bumalik siya sa bahay nila.. Wala siyang magawa.
Naisipan niyang maghalungkat ng mga gamit nito. Wala siyang ibang makita kundi ang larawan ng mga lolo at lola nito pati ng ina nito na no’oy dalaga pa . Troy Rumulo ang alam niyang pangalan nito.
“Wala ba syang Tatay,? Kung ito ang mama niya at lolo at lola wala nga ama. Haaist kawawa ka naman Troy, wala palang tatay. Mag asawa na nga tayo pero wala akong alam sayo. Hayaan kpag bumalik ka makikipag usap na ako sayo ng maayos Hindi na kita tatarayan.” Sambit niya sa larawan nito.
Ilang araw na siya doon wala pa rin ang asawa . Naisip niya marahil ay pinagtataguan siya nito dahil sa mga nasabi niya. “Grabi naman ang taong yon kalalaking tao matampuhin. Haisst.” usal niya sa sarili.
“Anicah Hindi ka na ba babalik sa Manila? Sambit ng ina ilang linggo na rin kasi siya doon. Tanong ng inang si Aling Melagros.
” Hindi na po nanay babalik.” malungkot na Saad niya sa ina.
Bakit naman anak Hindi ba sabi mo pangarap mo ang magkapagtarabo sa opisina at kompanyang yon bakit ngayon ayaw mo na sabi Maganda doon?
“Opo nay Maganda nga kaso Hindi ko na feel pang pumasok doon hindi ko na gusto ang mga Nasa paligid ko!”
“Bakit naman Anicah, anak ganun talaga minsan kailangan mong makisama sa kanila para naman maayos ang inyong samahan, hindi ba?”
“Oo nga po nay kaso po malayo, mag aaply na lamang po ako dito sa malapit.
Kung iyan ang desisyon mo bahala ka! Aniya ng inang si aling Melagros.
Pag bukas niya ng telepono bigla na lamang siyang napamusangot sa nabasa. Ilang oras din siyang nanahimik sa isang tabi hawak ang telepono.
“Anak halika kumain na tayo nag luto ako ng paborito mong kaldereta.” Pukaw ng ina sa kanya.
Sige po nanay saglit lamang po.
Anu ba yan at kanina ka pa diyan Hindi pa ba tapos yan ginagawa mo? Alad dose emedya na. Kakakain na tayo mabuti pa mamaya mo na lamang tapusin yan!
Napilitan siyang tuMayo at napamusangot.
“Nakakainis sila nanay!
” Bakit na naman ba?”
Pinapapabalik nila ako sa trabho. Kapag Hindi daw ako bumalik magbabayad daw ako 40 thousand. Saan naman ako kukuha ng ganun..? Nkasimangot niyang sambit.
” Bakit ka magbabayad? Hindi ba pweding mag resign ka na lang para walang problima!
Ayaw po nilang...


tanggapin ang resignation letter ko. Ginigipit talaga nila. Gusto nilang tapusin ko ang kontrata Kong dalawang taon.!”
“So anu ang balak mong gawin?”
“Babalik na lang po ako mamaya sa maynila ayaw ko na naman pong problimahin nyo pa ang pambayad ko dito..”
“Haay naku anak, hayaan mo kaya mo yan may tiwala ako sayo.”
Tumango na lamang siya sa ina.
anim na oras din ang kaniyang ibyenahi bago makarating ng maynila.
Ipinahinga niya ang pagod na katawan sa Kanyang higaan. Mabuti na lamang at Hindi pa siya nakpagsabi sa landlady na aalis na siya dito kung Hindi wala na siyang mati tirahan dito.
Kinabukasan balik opisina na siya.
“Girl buhay ka pa pala! Akala ko hindi ka na babalik? Sambit ni Elle
” Yes I’m back kaya nagbakasyon lang ako!
“Mabuti pa siya pabaka-bakasyon lamang. Hum.
Sabagay ikaw na ba naman ang magkaroon ng” asawa kuno” na president ng isang kompanya edi swerte mo kung Hindi ka lng nangangarap! Pasaring nito sa kanya. Hindi pa rin ito nakakalimot sa mga nasabi niya. Akala ng mga ito nahihibang lang siya kaya niya nasabi iyon pero totoo naman ang sinasabi niya. Kaso Hindi niya pwedi nang ipagpilitan iyon dahil pag-tatawanan lamang siya ng mga ito.
Inabala na lamang niya ang sarili sa trabaho.
Luch break, sinadya niyang huwag makisabay
Sa Karamihan. Twenty minutes before time saka
pa lamang siya pupunta sa canteen. Mag – isa lamang siya sa table.
Mabagal siyang kumakain gusto niyang ubusin ang natitirang oras sa Lugar na iyon. Kaya sinadya niyang bagalan ang pag kain.
“uhm. Mis, maari bang lumipat ka ng ibang table? Kakain kasi si Mr. President, ayaw niyang may kalapit siya sa table” sambit ng crew sa canteen na iyon. Lumingon muna siya sa paligid at nakita niya ang grupo ni Wilson Sandoval mga Nakatayo ito at the waring may pinag uusapan pa.
Wala siyang nagawa kundi sumunod sa crew na nag utos sa kanya. “kainis naman Kakain lang may ganun pang nalalaman. Haisst ang mayayaman talaga…! Sa loob loob niya lang. Matiim niyang tininggan.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw niya ang grupo nito. Lima itong magkakasma na wari nita ay bodyguard nito dahil Hindi ito nakisabaySa pagkain sa kanya.
“Tssk! Yabang!! Sambit niya sa isip. Saka siya sumubo ng sumubo ng pagkain
Hindi niya kaya itong makita. Dahil Naiinis siya.
Nadatnan ni Wilson ang ama sa kanilang sala. Isang Linggo na mula ng ito ay makalabas ng Hospital. Hindi naman pala grabi ang kondisyon nito gaya ng sinabi ng Abogadong si Mike.
“Anak Wilson..” sambit ng ama tumayo pa ito mula sa pagkakaupo sa couch gamit ang Kanyang tungkod.
Uhm..Dad, You’re looking good now! Nakakatayo na kayo! I think I can go back now in my House!
“Wilson hijo, ito ang bahay mo Hindi mo na kailangan pang bumalik sa lumang bahay ng lolo at lola mo sa nuzva Ecjia. Huwag mo nang iwanan ang Daddy mo dito. Matanda na ako at mahina pa. Hindi ko na kaya pang pamahalaan ang mga negosyo natin ikaw na lang ang inaasahan ko. “boung pagpapakumbabang sambit ng matanda.
Why should be me? Dad, and’yan naman ang mga pamangkin mo, why you did not give it to Them and besides they’re willing to take it.! Mapakla niyang tugon.
” Hijo, nagka sala ako sayo patawarin mo na ako, Tayong dalawa na lang ang na titira dito. Ang mommy matagal na tayong Iniwan, matagal na panahon rin kitang tiniis. Sana pag Bigyan mo ako ako sa mga nalalabing araw ko sa mundo.” sambit ng ama.
Hindi na ito pinansin ni Wilson at tuluyan na itong umakyat sa hagdan.
Hinubad niya ang Kanyang coat at isinabit.sa isang nkatayong bagay na yari sa kahoy na may maliliit na kalawit.
Naupo sa kanyang kama.mula sa pagkaupo ay bumalik sa kanyang isipan ang ilang mga aalala.
Malungkot ang naging buhay niya sa Mansyon na iyon. Sa pag tira niya doon wala siyang naalala na naging masaya siya.
Mula pagkabata ay puro pag aaral na ang ginawa niya na nag dulot sa kanya ng palaging stress.
Hindi tulad sa probinsya, Naroon ang
Lahat ng masasaya niyang alala. Noong panahong nabubuhay pa ang kanyang lolo at lola.
Naroon din ang masasayang sandali niya kasama si Anicah.. Ang babaeng binili niya para maging asawa. Kahit ganung paraan pa sila naging mag asawa ay totoong napasaya siya nito, kaya lang ito rin ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Sa ngayon Hindi pa siya handa na magpakilala dito bilang Wilson Troy Sandoval. He doesn’t want Anicah take it for granted. Marami pa siyang kailangang malaman sa ugali nito..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top