AAMIN KAPA BA KUNG SA TINGIN MO HINDI NAMAN ISASAGOT NIYA?


Hello guys, ako pala ay 23 years old at mahilig mag travel. Siguro sa isang buwan 1 beses ako nag tatravel pero dito lang sa pinas, may problema kasi passport ko kaya di ako makalabas ng bansa.
sa tagal tagal ko ng nag tatravel madame na din akong nakilala. This time, nag beach ako tapos inaya ko isang barkada ko (babae), tapos nag aya din siya ng friend niya na sumama (lalaki) tago naten sa pangalang JR. First time namin magkakilala tapos sa beach pa, mahilig talaga ako sa beach so dont expect na maputi ako haha. Fair skin lang 😉 2 days at 1 night lang kame sa isang beach. pinakilala sakin ng kaibigan ko si JR pero hindi ko siya pinapansin kasi nag lalaro ako ng ML (mobile legend) sa bus terminal (p.s. talo yung game dahil ang lag). Hanggang sa nakasakay na kame hindi ko napansin itsura niya, basta kasing tangkad ko lang din (5’8). tapos magkaibang upuan kame kaya lalong hindi ko nakita pero naririnig ko boses niya kausap yung kaibigan kong babae kasi nasa magkabilang upuan kame. Ang boses ni JR sobrang manly, anyway, gay po ako (not a cross dresser) pag nakita mo ako, baka mainlove ka (HAHA) pero suplado lang talaga. Tapos yon nakatulog ako sa bus hanggang nakadating na pala kame sa beach. at dun ko nakita yung itsura ni JR, sakto lang haha (kilig ako lol). Nagluto agad siya ng pinamili namin kasi gutom na kameng tatlo. I cant believe it ang sarap ng luto niya, siya lang din kasi marunong magluto sa aming tatlo. After namin kumain, nag bihis na kame, 2 CR ng nakuha naming room, pero isang kama lang. Yung babae naming friend dun sa isang CR nagamit, syempre kaming dalawa dun sa isa, medyo nailang ako kasi may mga gestures siya na alam kong hindi pang karaniwan sa isang straight guy. Tapos naligo na kame sa dagat, katagalan ng titig ko sa kanya, parang may spark sa eyes ko tapos pag nalalapit sya sakin kinakabahan ako. Kinagabihan nag inuman kame yung kaibigan namin hindi nainum kaya yung dinala kong wine for her, ako nalang uminom. medyo nahilo ako kasi nag tatagay din si JR ng empirador. Natapos kameng dalawa mag inom ng 10:30 PM, pero nagkwentuhan pa kame hanggang midnight. Tulog...


na yung friend naming isa. habang nagkukwentuhan kame, na realized ko na baka nga gusto ko siya, kasi lahat ng gusto ko sa isang lalaki na sa kanya. After namin mag beach, pag dating ng maynila nag start na kame magka chat, everyday kame nag cha-chat, i even showed him a reason para i-chat ko siya lagi, pero siguro after a month na magka chat kame, naramdaman ko na baka nga wala siyang interest sakin kasi ramdam ko yung responses niya. Naranasan mo na ba yung ang haba ng chats mo sa kanya tapos reply ok minsan thumbs up pa? Parang ganon na yung chat namin after almost a month, tapos minsan pa online naman siya pero walang chat. Nasaktan ako, kasi siguro nag invest na ako ng feelings sa kanya, alam ko hindi niya kasalanan kasi pinakita niya lang kung sino siya. Pero ang sakit sakit pala mainlove sa hindi tamang panahon at lalo na sa taong walang interest sayo kung pagkakaibigan lang. 🙁 Yung akala ko pag nag birthday ako sa December may makakasama na akong mag celebrate, yung mga places na gusto naming puntahan hindi na yata matutuloy. hindi kona din siya tsina-chat kasi baka lalo akong mahulog. Gusto ko siyang ayain lumabas pero alam ko din naman isasagot niya busy siya sa work niya, tapos stress siya sa mga ahente niya. Gusto kong umamin sa kanya pero hindi ko alam kong paano, ayaw ko din sana putulin kahit pagkakaibigan lang namin. May lakad kame sa katapusan ng buwan na ito pero di ko din alam kong matutuloy kame sa La union (elyu beach). ayaw ko din siya pilitin na sumama baka hindi niya maenjoy yung beach kahit yung friend namin na babae gusto niyang pilitin si JR na sumama, pero sinabihan ko siya na wag na, gusto ko sana treat ko sya don kasi birthday ko sa december. Pero mukhang ako lang mag cecelebrate don mag isa, itutuloy ko padin pag punta dun kasi yon yung lugar na gusto sana namin puntahan 🙁
Kung mabasa mo man ito, I love you John Russ ♥ ayoko kasi umamin sayo baka kasi kahit pag kakaibigan naten mawala. Worth it ka maging kaibigan kaya sapat na sakin yon.
Ayon lang sa ngayon guys, thank you sa pagbasa. Basta iwasan ang pagiging marupok haha.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Thank you pertaining to spreading that wonderful content on your internet site. I noticed it on the internet. I may check back again whenever you publish additional aricles.

Leave a Reply


top