I’LL NEVER GO CHAPTER 27


Nalaman ng mga nobyo nila ang ginawa ng mga girls kaya imbis na matuwa ay napagalitan pa sila.Lalo na si Sab.
“Bakit kayo gumagawa ng hakbang na hindi nagpapaalam sa amin,paano kung napahamak kayo?”
“Kung magpapaalam ba kami papayag kayo?”
“Syempre hindi.” Sabay sabay na wika ng mga ito.
“At ikaw naman Hon ang lakas ng loob mo ha,kaw pa talaga ang me pasimuno sa lahat.” sermun ni Lance sa kasintahan.
“Eh kailangan ko tulungan ang kaibigan natin.”
“Oo nga andun na tayo.Basta wag na itong mauulit ha?”
“Pramis hindi na po.Basta wag lang may mang aapi sa mga kaibigan natin.”
Sabay talikod ni Sab dahil nasermunan sya ng nobyo sa harap ng mga kaibigan.Ito pa naman ang ayaw na ayaw nito.
“Hala nagalit na ata sayo Bro’.”
“Hayaan nyo lang muna sya hindi ako matitiis nun.”
Samantalang humiwalay muna sila sa mga kaibiga para makapag usap ng masinsinan.
Hindi pa rin makapaniwala si Mark na maayos na ang problema nya.At ang mga babae pa ang nakaresolba nito.Bilib din sya sa katapangan ng mga ito.
At ipinag pasalamat nya na maunawain talaga ang nobya nya.
“Love salamat talaga at di mo ako iniwan lalo na sa panahong lugmok ako .”
“Ano ka ba,partner tayo di ba? Kaya kung ano ang problema mo ay problema ko na rin.”
“Hayy ang swerte ko talaga sayo Love.Wala kang katulad.” Sabay yakap sa nobya at akmang hahalika* ito sa labi ngunit iniharang ang mga kamay.
“Hep,hep,hep.Naging okay lang eh,kung makatsansing ka wagas.”
“Masaya lang ako kasi napakatapang pala ng girlfriend ko.”
“Talaga! Kaya wag na silang magtangka na agawin ka sa akin,di lang ako ang makakalab*n nila kundi lahat kami.”
“Oo nga kahit mga...


pasaw*y kayo ay pinabilib nyo ako.”
“I love you my love.”
“I love you to love.” biglang halik sa pisngi ng nobyo.
“Sino kaya yung nanantsing?hahaha.”
“Atlis hindi sa lips.”
At panay pa din harutan ng dalawa,di nila napansin na nakalapit na si Lance sa kanila.
“Wow ang sweet,nakakainggit naman.”
“Bakit asan ang girlfriend mo? Bat di mo din lambingin?” tanong ni Mark kay Lance.
“Hayun nagtampo ata sakin kasi nataasan ko ng boses.”
“Hala! kayo pa tuloy itong nag away.Outside de kulambo ka naman nyan Bro’.”
“Malamang Bro’.Hayaan nyo na.”
Nasanay na sila dito kina Sab at Lance.Laging me tampuhan.
Masayang masaya ang magulang ni Mark sa nalaman,bumilib sila sa dalaga dahil kung iba lang ito ay malamang iniwan na nito ang anak nila.
“Thank you sa inyo iha,lalong lalo na sayo.Di mo sinukuan ang anak namin.”
“Gagawin ko po lahat Tita wag lang kaming magkahiwalay ni Markus.Pwera lang po kung me kailangan talagang panagutan,handa po akong magparaya.”
“Napakabusilak ng iyong puso iha.Salamat sa magulang mo at pinalaki ka nila ng maayos.Swerte ng anak ko sayo.”
“Swerte din po ako sa anak ninyo dahil mahal nya po ako.”
“Maiba tayo iha,me plano na ba kayo na ilevel up ang relasyon nyo? I mean ready na akong mag alaga ng mga apo.”
“Tita talaga,wala pa sa plano namin yan ng anak nyo.”
“Aba’y kailan pa? Nasa tamang edad na naman kayo.”
“Hindi naman po kami nagmamadali di ba Love?”
“Anong hindi,kailangan na nating magmadali.”
Sabagay tama ang ina ng binata nasa tamang edad na nga sila para lumagay sa tahimik.Pero hindi pa naman sya tinatanong na nobyo tungkol dito.Dahil puro biro lang ito hindi nya alam kung kailan ito seryuso.😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top