The Story Of Us* * Book2 * * Part14πŸ˜β€οΈπŸ’•β€οΈ



Walking distance lang naman ang apartment ko mula sa campus kaya naman feel na feel ko ngayon ang paglalakad..Gusto ko ng umuwe,
at magbasa na naman ng libro habang nagkakape,malamig ang panahon dahil Ber months na naman,at kapag ganito,masarap tumambay sa kwarto..
Kaya naman excited na akong umuwe ngayon..

Sa sobrang excited ko pakendeng kendeng pa ako sa paglalakad,, subalit nagulat na lamang ako ng biglang may malakas na busina akong narinig sa tapat ko!

“,Ayyy pwet ng kalabaw ! “,gulat na anas ko,sino naman kayang sira ulo ang nambabadtrip nito sa akin ngayon?ang ganda pa naman ng mood ko..hmmmp!

Isang kulay puting sports car ang huminto sa tapat ko na kundi ako nagkakamali ay ang salarin sa pagkakagulat ko kanina..

Dahil tinted ang salamin nun hindi ko makita kung sino ang bwisit na driver nun,but then muli akong nagulat ng unti unting bumaba ang bintana at isinungaw nun ang isang lalaking may suot na shades sa mga mata..

Lihim akong napalabi,pa shades shades pa eh wala naman sya sa beach,,at bakit sya nakahinto sa tapat ko ngayon??

“,Hi “,sabi nung guy kasabay ng pagtanggal nya sa suot na salamin sa mata,wow!hindi ko mapigilang hindi sya purihin,ang goodlooking naman pala eh..

Para masigurong ako nga ba ang kausap nya ay luminga linga muna ako sa paligid subalit maliban sa aming dalawa ay wala naman ng ibang mga tao roon bukod sa ilang mga kotseng nakapark sa may di kalayuan..

Hindi ko kilala ang lalaki subalit pakiramdam ko ay nagkita na kami..

,”Im Andrew but you can call me Drew for short..”,

Iiling iling ako at hindi ko mapoint kung bakit sya nagpapakilala sa akin ngayon,..or ganun na ba ako kasikat para makipagkilala ang hindi ko nman kilala..

“,Kaybigan ako no Jake,Ako ang President sa Fraternity.. “,

Ohhh..natutop ko ang noo,now i know kung bakit parang pamilyar sya sa akin maybe because nakita ko na sya dati sa party di ko lng sya matandaan..wow, big-time naman pala tong kausap ko eh,,pero teka,anong pakay nya??..

“,May gusto lang akong ibigay sayo “,may dinukot syang isang maliit na papel sa kanyang wallet at inabot iyon sa akin..

Nangunot ang noo ko”,ano naman to??

Ngumiti naman muna si Drew bago sumagot “,VIP guest card para magkaroon ka ng karapatan na makapasok sa party ..”,

Awtomatikong tiningnan ko sya

“,Kapag bored ka or may problema ka sa buhay,feel free na magpunta ka lang dun,akong bahala sayo “, nakangisi pa uling sabi nya

Ewan ko pero,parang may ibig ipagkahulugan ng ngisi nyang iyon,parang bigla akong hindi naging komportable..

“,Hindi mo na kaylangang gawin to,Drew!!”,

Mula sa likod ko ay sumulpot si Jake at dire diretsong lumapit sa amin,inirapan nya muna ako bago humarang sa pagitan namin ni Drew upang magkaroon ng distance sa pagitan namin ng lalaking kausap ko kanina lang..

At bakit bigla bigla naman syang sumusulpot ngayon??

“,Hey brother..i was just being nice to her “, paliwanag ni Drew ng makalapit ai Jake..

“,Nice your face Drew,wag mo syang pakikialaman.. “,

Biglang tumawa ng nakakalolo si Drew at ansakit nun sa tenga.. “,im just trying to help you Jake,alam mo namang mainipin akong tao diba?..and to make it fast,tutulungan na kita “,

Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at wala akong pakialam dun,maybe ganun ang way nila para magkamustahan..

“,,Diskarte ko to Drew,hindi ko kaylangan ng tulong mo,ive told you before,just way at sisiguruhin ko sayong masasatisfy ka sa gagawin ko .. “,

“,,Fine ,,Jake..basta sumunod ka sa usapan,..”,

“,Yes of course,kelan ba ako umatras??!..basta,wag na wag mo syang pakikialaman alam mo ang kaya kung gawin Drew,..just leave it to me ! “,Sinamaan muna ni Jake ng tingin si Drew bago mabilis na humarap sa akin..

Bigla kung naiayos ang tayo ng pasadahan nya ako ng tingin,ilang sandali pa namalayan ko na lamang na nakalapit na sya at hawak hawak na nya ang kamay ko at hinahatak na nya ako palayo ..

“,Teka..ano ba ! Sandali lang,ah bwisit ka talaga!!! “,

Tsaka lamang nya ako binitiwan ng nasa harap na kami ng kotse nya..

“,,Get in, ihahatid na kita ..”,

Ah bwisit,hayun na naman sya sa pagiging gentleman nya,sa totoo lang hindi pa nababawasan yung inis ko sa kanya sa eksena nuon sa bookstore at mula nuon isinumpa ko na sya,sabi ko seryoso na ako at iiwas na talaga ako sa kanya pero,panu ko ito gagawin kung ganito sya ngaun?inaalok na naman nya ako para ihatid gayung napakalapit naman na ng uuwian ko,isa pa panu ko sya tuluyang iiwasan kung biglang sumusulpot nalang sya sa kung saan saan .. !!

“,Ayuko,may lakad pa ako “,pagsisinungaling ko,ayuko ng mahulog sa bitag nya this time,for what para mahalikan na naman nya?No way..

“,Sumakay kana.. “,,pamimilit nya..

“,Ayuko nga,”,pinanlakihan ko sya ng mata,”,,bat ba ang kulit mo??..pwede ba maghanap ka nalang ng ibang babae dyan sa tabi tabi na pwede mong kulitin ???! please wag ako !!”,

Humalukipkip pa ako sa harap nya at kulang nalang mag belat ako sa kanya upang ipamukha na ayaw kong sumama..

“,Ah talaga ayaw mo sumakay?baka gusto mo,,turuan kita ng leksyon..”,,he said..

Lechon?este leksyon?at ano naman kayang klaseng leksyon ang kaya nyang gawin ngayon aber???..

“,Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng matitigas ang ulo??”,,sinasabi nya yun habang unti unting lumalapit sa akin..

Napalunok lamang ang tanging nagawa ko at hindi ko naman magawang kumilos mula sa kinatatayuan,damn!ano ba to!!!..

“,,ganito ang ginagawa ko sa mga kagaya mo,sweetie.. “,biglang hinapit ni Jake ang beywang ko dahilan upang mapalapit ako sa kanya,napasinghap na lamang ako ng malapit ng maglapat ang aming mukha,, naparalyzed n naman yata ako at hindi ko na naman nagawang itulak sya..

But then alam ko na ang kasunod ng gagawin nyang ito,alam kung hahalikan na naman nya ako,at dito pa talaga sa gilid ng kalsada?wala bang pinipili si Jake na lugar kapag umandar na naman ang kamanyakan nya?at ako,bkit wala akong magawa para pigilan sya ??
Ito ba ang leksyon na sinasabi nya??..

Sinabi ko na dati na iiwasan ko na sya dahil alam ko naman ng walang kasiguruhan ang feelings ko kapag lumala pa to kaya habang maaga pa dapat ko na itong supilin pa,kasi sa kanya na rin nagmula na never sya makikipag date at nasaktan ako syempre..sinong babae ang ayaw sa isang relasyon diba?kaso nagkamali na naman ako dahil maling tao na naman yata ang pinagbigyan ko ng feelings ko,kaya.. dapat iwasan ko na talaga sya kasoo–!heto na naman sya at winiwindang na naman ang pagkatao ko,marupok pa naman ako,,

At simula ng halikan nya ako sa shop nya nuon hindi ko na nakalimutan ang halik nya,kaya aaminin ko ng namiss ko yun,at alam kong iagagwad na naman nya sa akin ito ngayon,
At gustong gusto ko ang isiping hahalikan na naman nya ako ngayon,,

At para mas lalong ma feel ko yun,,pumikit na lamang ako upang hintayin ang mga labi nya at iparanas muli ang nakakalasong halik nya..

****
Ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay walang kahit ano ang lumapat sa bibig ko,dahil sa pagkakadismaya inis akong nagmulat ng mga mata,,ngunit sinalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Jake na titig na titig sa akin habang pinipigil ang sarili na matawa !

Shit ! Mabilis ko syang naitulak dahilan para mabitiwan nya ang beywang ko,pinaglalaruan na naman ako ni Jake! bwisit ..nag assume na naman ako na hahalikan nya ako,nakakahiya !!
Ano nalang iisipin nya?na atat na atat ako sa kiss nya?at kaya ako pumikit ay inaasahan ko na yun?ayyy leche !! At mukhang nag enjoy si Jake sa anyo ko kanina..

“,,Are you expecting me to kiss you?!”,tudyo nya..

Gusto kong takpan ang aking mga tenga sa pang aasar nya,sobrang hiyang hiya na nga ako tapos magtatanong pa sya ng ganun?hmmp!paasa !..

Maya maya pa ay bigla syang natawa at lumapit sa akin.. “,,your expecting me to Kiss you, right??..”,sabi nya ulit “,dont worry gagawin ko naman yun dapat,kaso naalala ko,nasa public place pala tayo,,pwede naman natin gawin yun sa private place diba???..”,

Narinig ko ulit ang mahinang pagtawa nya,ano daw gagawin nya ulit sa private place?as if makaisa pa sya sa akin,never na ako magpapahalik sa kanya simula ngayon,cross my heart Period, pagkatapos ng ginawa nyang to sa akin?i hate him !!!

“,,Pumasok kana sa kotse.. kundi hahalikan na talaga kita !!!”,

“,,Oo na oo na..heto na nga papasok na nga diba???! “,,Sa inis ko sa kanya pagpasok ko ay binalibag ko ang pintuan ng kotse,iiling iling naman na tiningnan na lamang nya akp bago pumasok duon !!!

****…

“,So..anong pinag usapan nio ni Drew?!,”tanong nya habang nagmamaneho..

Nasa likod ako at mistula ko lamang naman syang driver ngayon..Hindi ako nagsalita,naiinis ako eh,at mas trip ko manahimik kapag naiinis,

“,,May sinabi ba sya sayo??*,”,tanong nya ulit..

Hindi ulit ako nagsalita at ramdam kong naiinis na sya sa inaasal ko,

Nilingon nya ako mula sa likod “,kapag hindi ka pa nagsalita dyan Ella,sa bandang liko kita dadalhin bahala ka… “,

I rolled my eyes,ah bwisit bakit ba ang hilig ny manakot “,wala syang sinabi “,bulyaw ko “,,bakit may dapat ba syang sabihin ?!!”,

Saglit muna...


syang nanahimik “,,wala natanong ko lang..eh ano naman ang napag usapan nyo??”,

Ayyy,at chismoso din naman pala tong isang to eh,!

“,Wala nga,binigyan lang nya ako ng ViP card,ano okay naba?pwede naba ako ngayong manahimik na?! “,,Ipinikit ko ang mata upang nagkunwaring matutulog ..

“,At tinanggap mo naman??!”,

Pucha ayaw ba nya akong bigyan ng katahimikan?bakit..andami nyang tanong??

“,,Oo naman,alangan naman tanggihan ko ang kabaitan nya diba ??!”,..

Biglang humalakhak si Jake na ikinagulat ko”, seriously?nababaitan ka kay Drew??..”,.

Nagkibit balikat ako “,,bakit,hindi ba sya mabait?feeling ko nga mas mabait sya keysa sayo ehh —awwww!pucha naman ooh!”,

Biglang nagpreno si Jake at tumama ang mukha ko sa likuran ng upuan na nasa harap ko “,anak ng tsikwa Jake,hindi kaba nag —-“,bigla akong napatigil ng makitang nakatingin sa akin ng masama si Jake,hallah teka bakit may mali na naman ba akong nagawa??

“,Dont compare me to Drew..”,madiing sabi nya.. “,hes a fuckboy,and a certified playboy,hindi mo gugustuhing makilala sya kapag nalaman mo kung sino ba talaga sya “!”,

Ako naman tong biglang humagalpak ng tawa “, seryoso Jake?sinasabi mo talaga yan sa akin ngayon?eh di ba nga ikaw din naman fuckboy ah,,tapos kung sino sino nga yung babaeng nakakasama mo diba?tapos ayaw mong ma compare sa kanya eh same lang naman kayo !
“,Hindi ko na pinag iisipan ang mga nasabi ko pa,,kahit pa nga tila parang may himig ng pagseselos na sa tinig ko..

“,Yezz, pero mas may “K” naman ako kumpara sa kanya,so dont you dare compare me to him!”,

“,Ano bang pinaglalaban mo Jake?”,sobrang naiinis na ako,napaka sensitive nman nito at ayaw nyang ma compare sa iba gayung magka uri lang naman yata sila.. “,ipinaglalaban mo na mas may K ka kanya kasi mas marami ka ng babaeng,,napatus keysa sa kanya?..”,

“,You don’t know me Ella ,tumigil kana,hindi mo alam kung ano ba ang kaya kung gawin kapag nagpatuloy ka pa !”,

“,Ano pabang hindi mo kayang gawin Jake,aside sa..basta basta ka nalamang nanghahalik ng babae tapos sasabihan mo ng you dont date??? “,Alam kung sumusobra na ako pero hindi ko lang talaga mapigiLan ang sarili ko sa ngayon,maybe nasagad lang ako at kelangan ko na tong ilabas ngayon ….

Umangat ang isang kilay nya habang nakatitig sa akin .. “,bakit,gusto mo bang malaman kung bakit i dont date ??!”,

Yah,gusto kong malaman,gusto kong maliwanagan, because i deserve an explanation,i deserve an acceptable reason !

“,dahil hindi ko makita ang aking sarili na matali sa ibang babae,for what?for there own sake??!..

Bigla akong naalarma sa sinabi nya,bakit pakiramdam ko may galit sya sa mga babae kaya nya yun nasasabi..

Tapos biglang natahimik sya but then muli sya ulit umimik .. “,bakit Ella,umasa ka ba na porket hinalikan kita, ineexpect mong maging tayo??!

Parang bombang sumabog ang salitang binitiwan nya at bigla nalamang akong tinamaan sa sinabi nya,sa totoo lang yun naman talaga ang ineexpect ko,na baka may pagtingin din kaya si Jake sa akin kaya nya ako hinahalikan?na may feelings din kaya sya sa kin kaya basta basta nalang syang sumusulpot sa tabi ko,pero kahit gusto ko yun itanong,hindi ko yun nagawa kasi natatakot ako,natatakot ako sa katutuhanan na baka,,kabilang lang ako sa mga babaeng easy to get na kaya lamang sya nasa tabi ko ngayon ay dahil nag eenjoy sya na paglaruan ako..Na,kaya sya kasama ko ngayon ay dahil may hindi pa sya nakukuha sa akin??..tama,ganun nga siguro.

Biglang sumikip ang dibdib ko sa samot saring iniisip..pero bigla ulit nagsalita si Jake at mas lalo lamang nyang pinasakit ang dibdib ko..

“,Nag assume kaba na after ng mga ginagawa ko sayo ay bigla kitang pagtutuunan ng pansin?”,,!nang uuyam na sabi nya,na bawat salita nya ay tumatarak sa dibdib ko”,akala mo ba kaya ko lahat to ginagawa kasi,kasi iniisip mo na may gusto ako sayon?!”,tapos bigla syang humalakhak .. “,, hindi ganun yun Ella,..
kasi kahit kelan,hinding hindi ako magkakagusto sa babae !! “,

Sapat na ang mga salitang yun upang malaman ko kung gaanu ako katanga,at kabobo para magkagusto na naman sa isang lalaking,,,alam kong mali na naman !?

At mabuti na lamang at nakahinto parin ang kotse,mas madali akong nakalabas dahil hindi ko na kaya ang kung ano pang masasakit na salitang sasabihin nya,at para, hindi nya makita na maiiyak na namam ako..yah!ang bwisit na luha ko hindi ko na naman mapigilan ang pagpatak nito,at sa pangalawang pagkakataon ay sa mali na namang tao..

Mabilis akong bumaba upang lumayo sa kanya,pero,mukhang hindi pa dun natatapos ang kalbaryo ko at heto na naman sya,hinahabol ako..

Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makalayo sa kanya pero mas determinado yata syang lapitan ako.. kaya naman ilang saglit pa nakalapit na ulit sya sa akin..

“, Ella ! “,Hinawakan ni Jake ang balikat ko at marahas na ipinaharap ako sa kanya “,nagagalit kaba sa mga sinabi ko )?!”,

..gusto ko nalang sanang maglupasay, ineexpect ko na naman na kya nya ako hinabol ngayon ay para mag sorry sya sa mga sinabi nya pero mali pala,,nag assume na naman kasi ako eh,ang sakit sakit tuloy…

“,Kung nagagalit ka sa mga sinabi ko hindi ko yung ginawa para magkaganyan ka,sinabi ko ang tototoo para atleast alam mo..”,biglang naging malamyos ang tinig nya sa huli..

Pinahid ko yung luha sa mga mata ko “,i know naman..”,,nasabi ko nalang “,sorry hah,kung asyumera ako,di bale hindi na yun mauulit pa “,tinangka ko ulit tumalikod para tuluyan ng makalayo sa kanya..pero,tulad kanina,sapilitan na naman nya akong pinaharap sa kanya..

“,Look..im Sorry okay ,,hindi ko sinasadya ang sinabi ko…”,

Bat parang wala nalang sa akin ngayon ang paghingi nya ng tawad?or dahil ba sa huli na yun??..

Bigla syang huminga ng malalim at mas lumapit pa sa akin,biglang naging sincere ang mga mata nyang nakatingin sa akin..at bigla,na naman akong nanghihina..

“,,Im sorry sa mga nasabi ko,i didnt mean to say that,nainis lang din ako,sa lahat ng ayaw ko yung kinocompare ako sa iba ,kapag ganun,nawawala ang temper ko..”,mahinang bulong nya..

Pero hindi sapat ang mga salitang yun para mabura yung mga nasabi na nya kanina..

“,You dont know me and Drew,magkaiba kami,,at hindi ko matanggap sa sarili ko na nakikipag usap ka sa kanya,,”,

Hindi ko sya maintindihan !!waaahhhh !!..

“,,I feel na may masamang binabalak si Drew sa paglapit nya sayo,thats why..sinabi ang lahat na yun kanina,,i felt insecure,kasi nga..sa aming dalawa,palagi kaming magkakompetsnsya,at hindi kakayanin ng pride ko,kung pati ikaw mabiktima nya gayung simula palang ng mahalikan kita sinabi ko na sa sarili kO na
AKIN KANA..AKIN KALANG,ELLA !!! “,

Biglang kumabog ang puso ko sa rebelasyon nyang yun…kung sana,hindi ko narinig ang mga sinabi nya kanina baka,sakaling maniwala pa ako sa mga sinasabi nya,at bakit bigla naman yatang nag iba na naman ang ihip ng hangin ngayon,bat nya sinasabi na nman ito sa harap ko ngayon?pinaglalaruan na naman ba nya ako?madadala na naman ba ako sa mga matatamis na salita nya??magiging tautauhan na naman ba ako ng mgabhalik nya?ano ba!

Dapat ba akong maniwala !!!..

Pero panu ako maniniwala kung hirap na hirap si Jake bigkasin ang mga katagang yun sa akin kanina?o napipilitan lang ba sya?pampalubag loob ba nya iyon sa akin dahil sa mga masasakit na salitang nasabi na nya ???Kaya hindi na ako dapat maniwala pa ! Sapat na yung mga salita nya kanina upang malaman ko kung saan ako dpat lumugar ,at hindi yun sa kanya !!!

“,,Wag mo na akong paikutin pa Jake “;

Frustration comes to hes face ,tila nagulat sa sinabi ko,bakit nag expect din ba sya na bsta basta lang din ako maniniwala sa kanya??No!hindi na …

“,,Wag mo na akong paikutin pa Jake,,tutal sinabi mo naman na magkakompetensya kayo ni Drew the ill go for him,,lalo na nalaman ko na Presidente pala sya,,at may Vip card na ako na pwedeng maglabas pasok sa party,,kaya hindi na ako makapaghintay na makita syang muli,baka..sakali..baka sakali na pagtuunan din nya ako ng pansin at kung suswertehin ,baka magkagusto pa sya sa akin !!!! “,Alam kong non sense ang mga pinagsasabi ko pero parang nag eenjoy naman akong panoorin si Jake kung paanu sya nag ngitngit dahil sa sinabi ko

Good ! Dapat din nya maramdaman ang sakit na naranasan ko kanina !

“,Is that mean mas pinipili mo si Drew pakisamahan keysa sa akin??”,,hindi makapaniwalang saad nya..

“,Oo ,”, sigaw ko,,”,baka mas magaling kasi syang humalik keysa sayo ! “, Sarkastikong sabi ko pero joke lang naman yun,ang kaso.mali yata yung joke ko kaseee..bigla akong hinatak ni Jake palapit sa kanya at gigil na gigil na sinabi nya na..

“,DONT TRY TO PLAY OVER ME ELLA,BECAUSE I CAN PLAY OVER YOU.. PLAYER KA PALANG,COACH NA AKO..SO DONT YOU DARE DO THAT TO ME SWEETIE ..”,Yun lang bago nya ako siniil ng halik nya..

*****:)))

Ohhh..san ako makakakita sa mundo ng lalaking kagaya ni Jake hahaha ! Yung mapanakit pero sweetttttt..sweeeetieeee !!!

***
Pasenxa na sa mga nanghihinhi lagi ng nExt part ..minsan kasi tinotopak phone ko eh at gabi lang talaga ako malayang nakakapanulat so pasensya na po,tao lang πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ™πŸ™πŸ™..






Share On Whatsapp

"9" Comments
  1. sna laging saniban ng sipag magsulat ang writter pra d nkakabitin magbsa

  2. Erlen ArciagaYour Name

    Nexts pls

  3. jake ako na lng

  4. Hahaha salamuch sa kakahintay niO… Mwahhhh!!!

  5. Rosemary Secuya Secuya

    maghinitay ako..paulit ulit akonh naghihitay sa next ipisod

  6. Rosemary Secuya Secuya

    next please

  7. ay naku malapit na maging sport car si ella jed saan kna bka huli kna dumating.pls pls next na po nakakaexcited.

  8. Ayyy ang gulo ni Jake πŸ˜‚πŸ˜‚

  9. bakit wala pa si jed inaabangan ko siya ehh

Leave a Reply


top