The Mayors[Mayor Ace Saavedra]Part2..😍😍


….(Years ago)..
JS Prom !!..

Bulaklak ng pader…
Yun ang tawag sa mga katulad ni Coleen na nakapagbihis nga ng maganda at halos ibenta na ng magulang nya ang kabuhayan nila makabili lamang ng magara nyang damit sa gabing iyon..subalit ni isa man sa mga magwagwapuhang ka batch nya ay wala man lamang magtangkang isayaw sya !

Boring ! Anas nya … Bat ba kasi sya pumayag pa sa hinaing ng mga magulang nya na umattend sya sa hindi pantaong okasyon na yun.. sana sa mga oras na to ay ng bu beauty rest na sya…mahimbing na naghihilik ! Kasi nga ayaw nyang mapuyat,nais nyang pangalagaan ang kutis nya dahil soon,sasali sya sa Miss Universe …

“,Ay grabeh talaga ..nakita ko kanina si Ace amg gwapo nya mukha syang Prince Charming ..”,

Napangiwi sya ng sabihin yun sa kanya ni Ara,isa sa mga naging ka close nya sa klase..
Na may lihim na pagsintang dalisay sa pinakamayamang mag aaral sa school nila..
Walang iba kundi si Ace Justin Saavedra..apo ng Governor ng buong Santa Ana ! Kaklase nya rin ang lalaki sa First section at magkaribal sila sa posisyong pagiging Valedictorian ! Kahit naman mukha syang walang utak at inosente na cute ay masasabing genius naman sya ! Ang kaso,mukhang nanganib ang pagiging matalino nya sa katauhan ng Ace Justin na yun ! Na marinig palang ang pangalan nya ay na allergic na sya.. like ! Ewwwwwww !!! ..

“,Buti nga nagbihis pa sya..edi nagmukhang tao parin yung kulugong yun kahit papanu !”,sagot nya kay Ara.. napangiwi pa sya lalo ng malingunan na nagpapuso puso pa ang mga mga nito habang nakatingin sa isang direksyon..

“,Ang gwapo talaga ni Ace,handa kong ibenta ang dalawang kidney ko mabili lamang ang pag ibig nya.. “,

Sinundan nya ang direksyon kung nasaan ang atensyon nito ! Mula sa kinaroroonan nya Nila ay nakita nya sa gitna ng bulwagan ang dalawang taong sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna !

Nagkunwari syang nasusuka ng makilala kung sino ang lalaking kasayaw ng magandang babae sa gitna,wala iba kundi ang greatest enemy nya..Si Ace ! “,San banda dyan yung sinasabi mong gwapo ! “,…nagpalinga linga sya kunwari..kahit pa nga,taliwas naman sa sinasabi nya yung tunay na pagtingin nya ! Oo na di na sya mag dedeny ! Napakagwapo naman talaga ni Ace sa gabing yun ! Hindi lamang sa gabing iyon,maging sa araw araw na nakikita nya ito… Pero hindi nya ito crush ah ! Hindi maari may iba na syang crush !

“,Kahit kelan ba,hindi ka nagka crush sa kanya?!”,

Natawa sya ng pagak.. who?me ?!”,Never noh ! Tsaka tao ba yang si Ace?mukha nga syang elyen na tinubuan ng ilong..tsaka di ko sya type noh,magpapatuka muna ako sa ahas bago ako mag kagusto sa kanya…”,mahabang paliwanag naman nya,tinitigan lamang sya nito na tila ba hindi naniniwala sa kanya… Kaya naman bago pa sya nito sermunan or tanungin pa ng kung ano ano ! Nagpaalam muna syang pupunta ng Cr..

Ilang hakbang nalang papasok sa Cr ng may isang bulto ng tao ang humarang sa daraanan nya..

Peste ! Sino ba tong malas na taong ito,taeng tae na sya ah !…

“,Hey.. Cinderella.. “, anang baritonong tinig !

Hindi sya maaring magkamali,isa lamang ang taong nagmamay ari ng tinig na iyon,at believe her,ayaw nyang makita sa ngayon ang mukha nito…

“,Tabi ! “, Masungit nyang sabi …lalagpasan na lamang sana nya ito ng biglang hinawakan nito ang kamay nya !

Shakkkkssss ! Mabilis pa sa kidlat ni Thor na binawi nya ang kamay nya matapos makaramdam sya ng tila bolta boltaheng kuryente sanhi ng pagkakahawak ng kamay nila.. gayunpaman may isang bahagi sa musmos nyang puso ang nais magdiwang…

“,Ano ba ,Ace ! Wag ngayon !!! ..ayukong masira ang make up ko sa pang aasar mo ! “,

“,Hey..hindi ako...


naparito para mang asar,graduate na ako dun..”,ngumiti pa sya ng nakakaloko..at magsisinungaling sya kung sasabihin nyang hindi sya naapektuhan ng ngiting iyon..
Lumabas lang naman yung pantay pantay na mapuputing ngipin nya na nababakuran ng mamahaling braces ! Hindi naman sira ang ngipin nito,subalit sa hindi malaman ay nagpalagay ito ng brace,well lalo lamang iyong nakadagdag sa karisma nya… Or dahil sa wala ng paglagyan ng yaman ang pamilya nito ..kaya kung ano ano nalang ang pinagkakagastusan !

Sana all !…

“,Eh ano palang ginagawa mo dito ngayon?!bumalik kana kay Lalaine.. “,sabi nya na ang tinutukoy ay ang babaeng kasayaw nito kanina..

“,Lalaine who?!..ni hindi ko nga na feel na isayaw sya kanina.. “,kumindat ito sa kanya na nagpalundag sa puso nya…

Abay hindi yata nagmimintis ang lalaking ito na pakiligin sya….enebeyyyy!!!…

“,May gusto kasi akong isayaw ngayon..kung gusto nya …”,

Hindi sya pinalaking asyumera pero may pakiramdam syang sya ang tinutukoy nito..ayih!!!…

“,Sino namang malas na babae ang guto mong isayaw ngayon ?!…”,

“,Akala ko ba matalino ka keysa sa akin?dapat alam mong ikaw ang tinutukoy ko ,idiot ! “,Pinitik nito ang noo nya at napa ahhhhh sya !
Masakit yun pero agad iyong gumaling dahil paulit ulit na umalingawngaw ang sinabi nito sa kanya…
Expected na nyang sya ang tinutukoy nya pero dobleng kilig na sa bibig nya mismo iyon magmula…syempre di sya papahalata !!!..

At ng hindi sya nakaimik ay muli itong nagsalita.. “,Naisayaw ko na kasi yung pinakamagandang babae dito sa campus,kaya gusto ko namang isayaw yung pinakapangit !awwww !!!!!—–!!!”,

Nasapak na nya ito bago pa tapusin ang sinasabi,ah sabi na nga ba nya,nagpunta nalang na naman ito sa harap nya upang inisin sya..sya namang si Tanga,,kilig kilig pa !!!!..

Bago pa man sya magantihan ni Ace sa ginawa nyang pananapak ay pumasok na sya sa Cr ng pang Female… Tingnan lang nya kung masundan pa sya ni Ace duon..!!!!

–_++Chapter 2…!!

Tatlong beses ng nagpabalikwas si Coleen ng bangon ng maalala na naman nya yung nakaraan nya… Oh should she say nakaraan nila ng Mayor ng Santa Ana !!!…

Kinuha nya ang unan at itinakip iyon sa mukha nya.. pero kahit anong gawin nya hindi maalis sa isip nya ang gwapong mukha ng Mayor !

Ah bwisit! Bukas na bukas din ipapakulam na kitang lalaki ka ! Bat ba kahit sa pagtulog binabangungot mo pa ako ! “,Inis na saad nya..

Kanina pa sya inaatake ng insomia nya ..nakakaramdam din sya ng bigat sa dibdib sa mga oras na iyon at pakiramdam nya nasoffucate sya.. may kung anong amoy din syang naaamoy na hindi nya mawari kung ano..

Nagmulat sya ng mata ngunit puro usok lamang ang nakita nya !!! … pagkatapos lalong tumindi ang kakaibang amoy na iyon sa pang amoy nya!

Amoy sunog?????!!¡…

Usok ! At amoy Sunog !!!!…

Bigla syang napbangon ng husto ng malaman ang nangyayari !

Nasusunog ang bahay nya !!!

Bigla syang kinabahan at hindi mawari kung ano ang unang gagawin ! Natakot sya at nataranta… Bukod sa mga bangkay sa sementeryo na kapitbahay nya wala na syang ibang kasama sa bahay ! Anong gagawin nya?hindi naman sya matutulungan ng mga bangkay…

Hanggang sa napatili na lamang sya ng makitang nilalamon na ng apoy ang kwarto nya! Hindi na sya gaanong nakapag isip dahil tumitindi ma rin ang usok sa paligid nya,..pakiramdam din nya ay sobrang dami na nyang nalanghap na usok at maya maya pa ay bibigay na sya..

Napapikit na lamang sya sa kawalan ng pag asa,mamamatay na sya…

“,Lord! Bakit ganito nyo ako kukunin?”,dasal nya..”,,virgin pa po ako Lord !!!!! “,….

…pagkatapos nyang magdasal,unti unti na syang nawalan ng malay… Ngunit bago yun may narinig syang isang tinig mula sa kung saan …

“,Coleen! Nasan ka?!”,

Bago nya ipinikit ng tuluyan ang mga mata nya,nakilala nya ang tinig na yun..na kahit sa kamatayan hindint hindi nya malilimutan !!…

“,Ace???…..!

To be Continued






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. next part na pls

  2. kabitin naman

Leave a Reply


top