THE STORY OF US CHAPTER 9


“Pres! San san ka nagsusuot! Kanina pa kita hinahanap!”, sigaw sa kanya ni Rico habang hila hila sya.
Tulala pa din sya. Hindi alam kung anong gagawin at mararamdaman.
” Pres! Pres!” sigaw ulit ni Rico sa harap nya habang winawagayway sa harap nya ang dalawang kamay.Natauhan naman sya bigla.
“Huh? Ano yun?Anong sabi mo?” nalilitong sabi nya dito.
“Hala Pres! Wag ka masyado kabahan!Kayang kaya natin ang mga kalaban. Walang wala yun sa boses mo.” pag aalala nito. inaakala na sobrang kaba nya kaya sya tulala.
“Oo keri natin yan!Wag mo ko intindihin! Mejo kinakabahan lang ako.” sagot nya dito para mapanatag na ito.
“Sige Pres. Iwan muna kita jan check ko lang sila Chrys wag ka na lumayo hah. Malapit na tayo.” paalala nito sa kanya.
Nang maiwan sya muli nyang naalala yung ngyari kanina. Kung panu nalaman ni Jax kung san sya nakapwesto. At anu ibig sabihin ng pag titig nito sa kanya habang nakanta?
Naipiling nya ang ulo. Haay tama na nga. Wag mo na pakaisipin yun Lyna! Wala lang yun! Mag focus ka sa pagkanta mo mamaya. Pagkausap nya sa sarili.
Patapos na pala ang section 3 mag perform sunod na sila. Kaya lumapit na sya kina Rico para sabay sabay na sila umakyat sa stage.
“Let us all welcome. The 4th year section 2!” pakilala ng host sa stage. Hudyat na kelangan na nila umakyat. Naramdaman nanaman nya ang matinding kaba. Pag akyat ng stage nakita nya ang dami ng tao sa baba.
Napansin nya ang gulat na muka ng mga classmates nya ng makita na sya ang kasama nila Rico sa taas. Kinawayan na lang nya ang mga ito. At bigla naman naghiyawan ang mga ito.
“Go Pres!” cheer ng mga ito.
Nilibot nya ang mata at nakita si Burn na may hawak hawak pa na banner na may nakasulat na “GO BABY!” natawa sya ng makita yun. Kinawayan at nginitian nya ito.
Muli nyang nilibot ang mata at may pilit hinahanap ang paningin nya. Ng mahagip ng mata nya ito sa gilid ay nakita na nyang nakatitig na ito sa kanya. Nakita nyang pinasadahan na nito ng tingin ang suot nya. Ng muling magtama ang paningin nila ay pinakitaan nya ito ng hopeful na muka. Para malaman kung ok lang ba ang suot nya.
Ng biglang itaas ni Jax ang kanang kamay at iangat ang hinlalaki nito na sumesenyas ng approve sign at ngumiti sa kanya. Doon sya tuluyan napangiti. Nawala din ang kabang nararamdaman nya. Tumalikod sya dito at tinignan sila Rico kung ok na ba.
“Kita ko yun Pres! Nakakakilig!” bulong sa kanya ni Rico.
“Haha sira!” natawa sya ng mahina sa pang aasar nito.
Sumenyas na si Rico na start na sila. Umpisa pa lang ng pag strum ng gitara ni Chrys at makilala ng crowd ang kanta ay naghiyawan na ang mga ito.
Di mo lang alam
Naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam Hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli
Nakapikit sya habang kinakanta ang mga linya na yan. Sumasabay ang crowd sa kanya at masaya sya doon.
Natapos nila ang unang kanta at sumunod naman ang duet nila ni Rico.
Pagpasok ng intro music ng kanta ay napapa headbang na ang mga tao. Hiyawan ng umpisahan ni Rico. Hindi kasi mahahalata sa boses nito ang pagiging bakla. Lalaking lalaki. Nagsayaw sila ni Rico sa gitna habang instrumental ng kanta. Lalong nagwala ang crowd.
Pagdating ng last song nila ay napapasayaw ang mga tao sa intro ng kanta.
Nadala na sya ng kanta at nawalan na ng pakialam sa paligid. Matapos ang kanta ay hingal na hingal syang napatingin sa mga tao. Lahat sila ay nagpapalakpakan.Nag bow naman sila at bumaba na sila sa stage.
Pagbaba nya nagulat sya ng may sumalubong sa kanyang jacket at binalot sya. Paglingon nya nakita nya si Jax.
“Congrats! Kahit alam kong madaya ka at di mo sinabi sa akin na ikaw pala magiging vocalist.” nakangiting bati nito sa kanya. sabay abot ng bottled water.
“Thank you! Kaya nga surprise diba? Hahaha” natatawa nyang sagot...


dito.
“Congrats Pres! Ang galing mo!” bati ng isang kaklase niya.
“Thank you!”
“So what made you decide na sumali?” nakataas ang kilay na tanong ni Jax sa kanya.
“Haha. Hindi talaga dapat ako ang vocalist. Kaso ung vocalist na si Macy kinailangan umuwi kasi masama ang tyan. Last minute decision na yung ngyari.” natatawang paliwanag nya dito.
“Wow! wala pang rehearsals yun?” mangha na tanong nito.
“Yap! hehe. biglaan eh. Ok ba performance ko?” nahihiyang tanong nya dito
“Ang galing mo. And Im so proud of you.” sinserong sabi nito sa kanya. “Kahit matalo nyo kami. Bukal sa loob kong tatanggapin” pahabol pa nito sabay yakap sa kanya.
Natawa sya sa sinabi nito. Ayan na na naman yung kabog ng puso nya na hindi nya maintindihan kung para saan.
“Ikaw nga din madaya! Di mo sinabing kakanta ka ng solo! Yung favorite song pa natin.” bigla nya naalala. Di pa din sya pinapakawalan nito sa yakap.
“Haha surprise kasi yun.” sagot nito.
“Para kay May ba yun? Nakita kong nakatingin ka kanina sa kanya habang nakanta. ” hindi nya napigil ang sarili na matanong dito.
“No. Of course it was for y-” naputol ang sasabihin nito ng may bigla sumigaw sa likod nya.
“Baby! Congrats!” biglang litaw ni Burn at hinila sya para yakapin.
“Thank you! ” sagot nya dito at humiwalay sa yakap nito.
“Im sure tayo ang mananalo sa galing mo kanina!” parang sigurado ng sagot nito.
“Hahaha sira! Wag pakampante.”
“Ahem.” pagtikhim ni Jax sa tabi nila.
“Uy no offense brad hah. Pero mas magaling talaga sila Lyna” natatawang asar ni Burn kay Jax.
“I know. I already know na siya na ang panalo sa galing ba naman ni Nana kanina.” papuri nito sa kanya. Bigla naman sya nakaramdam ng pamumula ng muka nya.
“Ahm guys punta lang ako sa banda. Ikaw din Jax balik ka na sa banda mo. Malapit na iannounce ang winners.” taboy nya sa mga ito para makaiwas.
Nagpunta na sya sa pwesto nila Rico.
“Ang galing Pres! Sigurado ng may pwesto tayo sa Top 3!” bungad sa kanya ni Chrys.
“I hope so. Para di masayang ang efforts ng lahat.” umaasang reply nya dito.
Maya maya ay nag announce na ang host kung sino sino ang nanalo.
unang binanggit ang top 3. Nakuha ito ng 3rd year section 3. Tumindi na naman ang kaba nya. Magkakahawak sila ng kamay dito sa backstage. At nung sasabihin na ang top 2. Nagdadasal na sya sa isip na tawagin na sila. Hindi na kasi nya aasahan ang Top 1. basta kahit top 2 ay magiging masaya na sya.
“And our Top 2band for this night is none other than 4th year Section 1!” sigaw ng host. Hiyawan ang mga tao. Nakita nyang umakyat na sila Jax sa stage at tinanggap na ang cash prize nila.
“Waaaahhh Pres! May pag asa pa tayoooo.” Nagtititili si Rico sa tabi nya. Sya ay tulala lang at di makapaniwala na Top 2 lang sila Babs.
‘Edi panu pa kami?’ tanong nya sa isip. Nawalan sya bigla ng pag asa.
” And the much awaited announcement of Top Band of the year goes to…..”
pasuspense pang sabi ng host. May kasama pang tunog ng mga tambol.
Akmang tatalikod na sya at aalis na doon dahil hindi na sya umaasa pa na mananalo sila.
“4th year Section 2! Congratulations! ” biglang sigaw ng host at halos mabingi siya sa sigawan ng mga tao sa paligid.
“Waaaaahhhhhh Pressssss!Panalo tayooooooo!!!” mabaliw baliw na sigaw ni Rico sa tabi nya.
“Oh maygad!” saka lang sya natauhan nung hilahin na sya ni Rico paakyat ng stage.
Pag akyat ay inabot sa kanila ang isang plaque at ang cash prize nila.
Binabati sila ng mga nasa stage din na top 2 at top 3. Paglingon nya ay naglalakad na si Jax papunta sa kanya at sinalubong nya ito.
Nagulat sya ng bigla sya nitong yakapin sa harap ng madaming tao.
“Ayieeeeeee……” sabay sabay na asar ng mga tao. Pero di na nya pinansin yun dahil sa mga salitang binulong ni Jax sa kanya habang magkayakap sila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top