PAPEL


Tahimik akong nakaupo sa sulok ng aming classroom At napaigtad nalang ako ng sumigaw ang president namin which is si Calvin.
“Guyss!! Attention!! Nagchat si Ma’am sakin.
Ang sabi niya hindi sya papasok dito sa classroom natin ngayon which means vacant ang sub. Niya.” Wika niya nagpatili sa mga kaklase kong mga HANGAL!!.
“but…….may inihabilin syang works para sa’tin.
Kumuha kayo ng isang buong papel at Write a letter of your crush. Kailangan kaklase natin ha! Walang lalabas para magbigay nang love letter sa ibang section. Again! KAKLASE natin.
Chance nyo na tu para makapag-confess.
Now! Start your work.”
Mahabang saad niya.
Agad na kumilos ang aming mga kaklase at nagsisulatan naman yung iba.
Habang ako? Hihingi pa ng papel. Lumapit ako kay Calvin at nanghingi.
“Ehheemmm ahmm Clavin? Hihingi sana ako ng papel…”
Hiyang saad ko dito.
Bahagya naman niyang itinago ang papel na hawak niya sa likod.
Agad na tumaas ang kilay ko.
“Bat...


mo tinatago? Pfftt ang damot mo!!”
Akmang aalis na ako nang hilahin niya ang kamay ko.
“A-ano ba?”.
“Ano nga ulit ang hinihingi mo sakin?” Tanong niya habang nakangisi.
“Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan ka lang. Alam kong narinig mo kaya nga itinago mo nga ang papel mo kanina.” Galit na saad ko.
“hey!! Wag kanang humingi dahil matagal ka ng may Papel sa buhay ko! Bat pa kita bibigyan? Kung meron ka na naman?”. saglit akong napanganga sa sinabi niya.
Hanudawww??!!.
“Kaya halika na! Iuuwi na kita” at binuhat ako.
“Hoy!! Ibaba mo ako putaktee!!!”. Sigaw ko kaya napatingin ang lahat ng kaklase namin.
“UYYY!! Bridal style yan ah!!”.
“ayy sana ol bubuhatin”
Rinig kong saad ng dalawa kong kaibigan.
Inirapan ko lang sila at ikinapit ang dalawa kong braso sa leeg niya.
Hihindi pa ba ako? Duma-damoves na si Crush o! Dapat ako din.
One story lang po sya, Wala na po yang nextπŸ€—πŸ˜‡β˜ΊοΈ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top