FLOWERSHOP


“SANAAAAA ALLLL MAYYYY JOWAAAA!!!!” sigaw ako ng sigaw dito ngayon sa tindahan namin. Ako na naman kasi pinagbantay sa flowershop namin! Nakakaiinggit naman to! Lahat sila bumibili ng mga flowers for their love ones pero ako? Ako yung binibilhan.
“SANA ALL BINIBIGYAN NG FLOWERS–ATE!!!!! BILI KA NA PO BULAKLAK!” Tawag ko sa Isang babaeng naglalakad.
“WALA PO AKONG JOWA!” sagot nito.
“AYOS LANG YAN AKO RIN NAMAN!” Pero iniwasan lang ako nito.
“KUYAAAAAAA BILI KA NA PO NG BULAKLAK PANIGURADONG HINDI KA IIWAN!” bola-bola din pag may time.
“pano mo nasabi?”
“Sige kuya, patuloy ka po sa paglalakad baka masuntok kita’t magdilim paningin ko!” Naiirita kong sagot.
“SAAANAAAAA ALLLLL MAY JOWAAAA!!!! INUULIT KO, SANAAA AAALL—-” Napatigil ako ng sinigawan na ako ni Mama.
“Hoy Alondra! Ano na naman sinisigaw-sigaw mo diyan?” Akala siguro ni Mama na pinagtutulungan na naman ako ng mga tambay dito.
“Wala ma! Nakakainggit lang kasi sila.. SANAAAAAA ALLL MAY JOWAA~ SANAAAA AAALLLL MAHAAAAL!!!” sigaw ko dito. Wala akong pakialam kung sino naririndi sa boses ko.
“Sagutin mo na kasi ako my dear Alondra!” Saad ng isa sa mga kargador namin. Jusqo! Gusto ko naman yung maganda katawan..maganda mukha saka maganda ang trabaho! Magjojowa lang naman ako ba’t di ko na lubusin diba?
“Sagutin mo pwet mong kulay blue!” napaparap ako dito e.
“Miss?Magkano po ang bulaklak?” biglang tumigil ang mundo ko nang may isang binatang makisig, maputi, singkit at malinis. Kyaaaah you’re so yummy!
“Bakit? Bibili ka ba?” Napalunok ako ng laway ng tumingin ito sa ‘kin. Ngayon ko lang siya nakita dito ha! Ang sarap naman niya—I mean, ang sarap niyang maging kaibigan siguro.
“Miss? Malamang kasi binebenta niyo diba?” Oo nga naman!
“150 po yan! Eto naman 200!” turo ko sa iba’t ibang mga uri ng bulaklak.
“Mabango ba yan?” Aba’y sigurista.
“Sir, mas mabango pa yan sa hininga mo!” tumawa lang ito.
“E tumatagal ba to?” Ang daming tanong!
“MALAMANG! MAS TUMATAGAL PA YAN KESA SA RELASYON NIYO SIR!”
“Ah yung tig-200 sakin Miss!” Ay chAr yamanin.
“Eto oh!” Sabay bigay ng napili niyang bulaklak.
I’m think I’m inlove again. ChOur!
“Btw, bakit ka sigaw ng sigaw kanina?” e anong pake mo? Bakit? Jojowain mo ba ako? Kinuha nito ang ballpen sa kamay ko at nagsulat sa card ng flower.
“Ah wala! Bakit? Pagsinabi ko ba gagawin mo? Charot lang baka...


napakaseryuso mong tao!” Plastic na ngiti na muna sis baka maupakan tayo
“Well…” tss.
“Ikaw? Kanino mo ba ibibigay yan?” Chikahan sis? Akala ko ba flowershop to hindi Tonight with Boy Abunda?
“Ah…” Wh-what? Binigay niya sa ‘kin yung bulaklak.
“A-ano to? Pa-para sakin?” umiling lang siya. E ba’t niya binigay? Pfffft.
“E PARA KANINO? BAKIT SAKIN MO BINIGAY?” napatawa ito ng bahagya.
“Para yan sa puso ko–” Napakunot lang ang noo ko. Lumapit siya sa kin at may ibinulong.
“Puso kong patay na patay sayo…” Pinipigilan kong ngumiti at kiligin pero di ko kaya.
“Ahhh-” sheet! Nanunuyo yung lalamunan ko
“Nandyan na yung number ko! Just call me kung free ka!” tugon niyo bago umalis.
Aaaaaaaghhhhh fvck!!!! Magkakajowaaaaa na ako!!!!
“AAAAACKK——” Nagsilabasan lahat ng tao sa loob at nagpunta sa kin.
“Bakit? Huy Alondra! Anong nangyari!!!!” tanong sakin ni Mama na nag-aalala.
“MA-MA-MA–” ARAY KO! SINAPAK NIYA AKO BAGO AKO MAKAPAGSALITA SA KILIG.
“ARAY KO MA!” daing ko dito.
“ANO BA KASING NANGYARI?” sigaw nito.
“MAGNANAAAAAAAK!!!MAY MAGNANAKAAAW!!!AAACKKK MAGNANAAAAAKAAAW!!!!” kanya-kanya silang habol,takbo at bilang ng mga paninda dahil sa sigaw ko. Mga aligaga talaga sila, akala naman nila na bulaklak talaga ang ninakaw e.
“Naku po! Pati ba naman bulaklak nanakawin?” saad ni Mama.
“MA! HINDI NAMAN PO BULAKLAK ANG NINAKAW E!” sigaw ko sa kanya at bigla silang napatigil at tumingin sa ‘kin
“Y-yung puso ko Ma…Kepeg temebek eng peseeee Aaaackkk— wele ke neng megegewe kende sended Eteee-” kinikilig talagaaaaa akoo!!! Yes! Thank you very much at magkakajowa na ako HUHUHUHUHUHUJ.
Nang sabihin ko yun ay bigla nila akong pinagpapalo ng kung ano-ano. Pero syempre, iningatan ko ang number na binigay niya duhhhhh. First time kaya sa ‘kin may nagbigay ng bulaklak with number.
“Ikaw talaga Alondra!!” Dismayadong tugon ni Mama. “May bayad ba yang bulaklak?” bayad?
“B-bayad? Wa-wait? Psssssshhh!” napahilamos nalang ako ng mukha nang maalala kong hindi pa pala nagbayad ang lalaking yun. Diyos ko po! 200 po ito.
“HAHAHAHAHHAHAHAHAHAA HINDI NAGBAYAD NO? IBALIK MO YAN BULAKLAK DIYAN WAG KANG FEELING!” Pinagtawanan lang nila ako. Shit!
Tinignan ko yung card. Nandon yung number niya ayon sa kanya.
Pero nang matingnan ko ang nakalagay sa card mas Lalo akong nawalan ng pag-asa!!!
“It’s a prank!” tanginaaaaa! Jowa lang naman e, ba’t ang damot?
Ayoko na.
One story lang po sya, Wala na po sya sunod😊🤗😇






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top