“I’M BUSY”


(Comedy)
Crush ko talaga itong si Kairus mula pa noong grade 7 kami‚ kaya kahit palagi n’ya akong dine-deadma patuloy pa rin akong nagpa-pansin sa kanya.
“Kai sabay tayong kumain mamaya‚” wika ko at ngumiti ng abot tenga.
“Busy ako Sandra‚” walang gana n’yang response.
Ang pagiging busy ang palagi n’yang rason sa pagtanggi sa mga offer ko. Pero okay lang yun‚ kung hindi ka magiging akin Kai‚ hindi ako papayag mwehehe.
“Kai sabay na tayong gumawa ng project tutulongan kita‚” masiglang sabi ko.
“Busy ako Sand‚ sorry.” Mabilis s’yang tumalikod at umalis.
Habang naglalakad ako sa hallway pauwi‚ nagulat ako nang bonggu-in ako ng classmate kong bakleta.
“Uy Sandreng alam mo ba yung balita? Yung crush mong si Kairus‚ sila na raw ni Nyca‚” bungad nito.
Para akong tatangayin ng hangin dahil sa narinig ko. Na-hurt ako ng sobra sagad hanggang bones yawa ka Kairus.
“Ah oo matagal ko...


ng alam HAHA. Mauna na ako ha‚” pilit ngiting sabi ko at naglakad ng mabilis habang pinapahid ang mga luha ko.
Nag-transfer ako sa ibang paaralan at b-in-lock ko rin si Kai sa lahat ng social media account ko. Wala na kaming communication.
**
“Doc‚ may bago pong pasyente nasa room no. 123‚ manganganak daw‚” saad ng nurse.
Yes I’m a doctor now ginawa kong inspiration si Kai para ma-pursue ang pangarap ko. Nagpasalamat ako sa kaniyang ginawa pero galit pa rin ako sa kaniya.
Pagdating ko sa room‚ familiar ang lalaking nagbabantay sa pasyente—si Kairus.
“Do-Doc Sandra manganganak na po ang asawa ko‚” saad ni Kai.
“Mamaya ko na papa-anakin ‘yang asawa mo ha.” Pina-ikot ko ang high heels stellito ko at tumalikod pagkatapos sabihin ‘yon.
“I’m busy‚” dagdag ko at ngumiti ng nakakaloloko.
Lintik lang ang walang ganti.
One story lang po Yan, Wala na yang next🤗😇☺️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top