A DESIRE TO WIN


Riiiiiiinnnggggggggg!!!!!

Monday, 6:00am when Sharlene suddenly woke up from the alarm in her phone at the top of the table beside her bed.

” Urgh!!!
Naka-ka-gulat naman to!! Gusto ko pang matulog e.” ,sabay off nito ng phone habang nakahiga at papungay-pungay pa ang mga mata.

‘Knock!! Knock!!
” Hoy,Sharlene! Pagdi ka pa bumangon jan mauuna na akong aalis.”

Sa labas ng pinto ng kwarto ni Sharlene nakatayo ang kanyang kuya habang kinakatok ang pinto nito. Kasunod ang pagbaba sa hagdan patungong kusina na kasalukuyan namang naghahain ng almusal ang kanilang ina. Sabay tawag nito sa anak na di pa nakabangon mula sa pagkakahiga.

“Hoy! Sharlene. Ano ba’t unang araw ng pasukan nyo eh tinatamad ka na agad? Bumangon ka na jan dahil ang kuya mo nakaprepare na, mamaya maiiwan ka nanaman.”

“Opo Ma!” malumanay na tugon ng dalaga na para bang napilitan lang ito sa pagkakabangon at...


tutungo na ng palikuran.
Habang ang kanyang kuya ay nakaupo sa harap ng lamesa na may hawak na cellphone sabay subo nito ng tinapay.

“Josh! Tapusin mo muna yang kinakain mo at saka na yang pagcecellphone!” saway ng ina habang paupo na upang kumain.

Inilapag naman ng binata ang cellphone sa hapag-kainan habang tinatapos ang kinakain nito. Kasunod naman ang katatapos lang ni Sharlene ng pag-ayos sa sarili at patungo na ito sa kusina upang sabayan ang kanyang mama at kuya sa almusal.

“Good morning ma,kuya!”

“Good morning din nak!” tugon ng ina.

“hm!morning!”tango lang ng kanyang kuya sabay silip naman nito sa inilapag na cellphone sa mesa.

“Ma, asan si papa?” tanong ng dalaga na hinahanap ang kanyang ama.

“Naunang umalis dahil may meeting daw sila para sa business proposal nila.” sagot naman ng ina.

“Ahhhhhh” sabay tango ni sharlene habang kumukuha ng tinapay sa plato.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top