Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 17


Author: Miss J
Nakabihis na kaming lahat, ang mga bata ay niyayakap ni Nanay at pinaaalalahanan ” Mga apo maghihintay kami ng Tito Jay ninyo ha, huwag nyo naman masyadong tagalan doon at kinuha mula sa bisig ni Jay si Baby John at hinalikan sa may bandang ulonan ng bata ” Opo Lola Agnesia babalik po kami agad dito kasi po magbabike pa kami ni Tito Jay eh, promise nya po yun sa amin ” si Julia ang nagsalita at niyakap ulit ang matanda ” Babye po ulit sa inyo ” si Donald na kumaway pa.
” Jay ihatid mo sila hanggang makaabot sa mismong bahay nila ” si Nanay na inabot na sa akin ang aking anak ” Jane anak, magiingat ka patnubayan ka ng nasa itaas kung ano man ang ipagkaloob nya sa inyo malugod nyo lamang tanggapin, bukas palagi ang aming tahanan sa inyong magiina ” at niyakap ko ng mahigpit si Nanay dahilan para mapahagulhol nanaman ako ng iyak, masakit sa pakiramdam na alam mong may mga tao na maghihintay kung kailan ka makakabalik ” Aalis...


na kami Nay, Huwag nyo na ako hintayin at doon ako sa mga ate dadaretso ” si Jay na nagmano na sa kanyang Ina at kami nga ay lumakad na patungong sasakyan. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa, ni hindi ko magawang tingnan ang kinaroroonan ni Nanay na mataman nakatingin sa amin. Nasasktan ako sobra, ayoko ng ganitong pakiramdam , ayoko ng malungkot, sana masaya nalamang palagi.
” Tara na, sakay nat baka maabutan tayo ng traffic ” si Jay na nakatuon ang mga mata nya sa akin, malamlam na tingin, puno ng pait at lungkot… Diyos ko ! Kayo na pong bahala sa akin kung sino at kanino nyo po ako ipagkakaloob tatanggapin ko po ng maluwag sa aking kalooban at tumingin ako Kay Nanay at kumaway bago ako sumakay ng sasakyan. Wala kaming imikan kahit na ang aking mga anak nakiayon sa katahimikan, Si Jay nakatuon lang ang kanyang paningin sa daanan at ako pinilit nyang Huwag ng kausapin hanggang makarating kami sa lugar namin wala siyang imik, puros buntong hininga lamang wala ng iba.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top