YOU’LL BE SAFE HERE chapter 1


HAYASEIN
“Good morning mom.” bati ko kay mommy habang pababa ng hagdan mula sa kusina ay abala sya sa pag luluto pero nagawa nya parin akong lingunin para suklian nang matamis nyang ngiti.
“good morning honey..bakit hindi ka pala nag dinner kagabi?”
bakas ang pag aalala sa tono nya kahit pa nasa niluluto na ang atensyon nya
Imbis na sumagot ako ay niyakap ko sya mula sa likod.
‘it’s been a month mom, but i still wanna go with him.’
Iyon ang gusto kong sabihin kay mommy…na hanggang ngayon ay ito parin ang aking nararamdaman, kahit pa alam kong ilang araw na lamang ay dadating na ang taong namimiss ko.
Mabilis kong iwinala ang nasa isip upang matugunan si mommy.
“ayus lang po ako”malambing na bawi ko.”hindi naman po ako na gutom.”pag sisinungaling ko kahit ang totoo ay kumalam ng husto ang sikmura ko.
“hindi po kayo pumunta sa coffee shop?”
Maya maya’y tanong ko nang lumapit si mommy sa dine table para ilapag ang kaning na’sa rice bowl.
“hindi e’…bakit gusto mo ba ng coffee anak?” Balik tanong nya matapos akong lingunin. umiling lamang ako bilang sagot.
Matapos ihain ni mommy ang lahat ng niluto nya ay naupo narin sya kaharap ko.”anyway tinatanong ng Kuya mo kung saan mo balak mag enroll?.”
“enrollment na nga po pero wala parin akong school na nagugustuhan.”wika ko.
“I suggest na dun ka mag aral sa school ng kuya mo. ” nakangiting saad ni momy na ikinagulat ko.
Alam na alam nya kasi na ayaw ni kuya na dun ako mag enroll kaya nakakapagtaka na don nya ko gustong pumasok ngayon.
“I’m not sure mom” saad ko pa tsaka nag simulang kumain.hindi pa man ako nasisiyahan nang mag ring ang phone sa bulsa ko.
*KRIIING!
*KRIIING!
Pangalan kaagad nang kaibigan ko ang bumungad sa screen.
YANA calling…
“haya besh!”bungad nya sa linya.
“kumakaen ako.”malamyang sagot ko.
“tatanungin lang naman kita kung may school kanang papasukan?”sarkastikang aniya na nag pabuhay sa interes ko sa pakikipag usap.
“w-wala pa.” nahiya tuloy ako. Kaagad akong tumayo para makipag usap sa kanya.
“balak sana kitang yayain mag enroll ngayon e.” pagpapatuloy pa nya na ikinangiti ko. “kaso diba ayaw mo- -”
Hindi ko sya pinatapos “sure, i’ll go with you..sandali lang gagayak na’ko.”Excited na saad ko.tsaka patakbong umakyat sa kwarto.
“o..saan ang punta mo?”bungad na tanong ni mommy pag baba ko ng hagdan mukhang napansin nya din ang suot ko.
“mag e’enroll po ako kasama ang best friend ko.”
“ganun ba?oh sige mag ingat ka.”Ngumiti ako kasabay nang pag tango tsaka nag lakad palabas.
Pag labas ko ng gate namin ay kaagad kong natanaw ang kotse ni yana kaya nakangiti akong nag lakad palapit at pumasok doon.
“ang tagal mo besh”paunang sabi nya.”alam mo bang ngayon lang nag open ang school na yun?at limited lang ang slot para sa mga mag e’enroll?”paliwanag nya kasabay ng pag bukas ng makina ng kotse.
“talaga?bakit?..sobrang sikat ba nang university na yun?.”kunwari’y tanong ko para hindi nya isiping wala akong pakialam.
“oo besh! as in sobrang dami ang gustong makapasok doon pero limited lang talaga. “mahabang litanya nya.
Bigla akong na cu’curious kung ano bang klaseng school ang papasukan namin at ganito sya ka OA mag react.
“nandito na tayo besh.”maya-maya’y saad nya.” bumaba kana at ipa-park ko ang kotse.” tumango na lamang ako at bumaba sa kotse.
Hinarang sya sandali ng guard sa entrance ng malaking gate pero bahagya pang nagulat ang guard nang makita sya nito kasabay no’on ang pag turo nya sa’kin, tumango ang guard at sumenyas sa kasama nya na papasukin ako.
Nanlaki ang mata ko pag pasok sa Entrance ng campus, wala pa man kasi kami sa mismong building ay naroon na ang
NAPAKA
HABANG
PILA!
ng mga mag e-enroll.
dinaig pa ang talent audition!
hindi ko naisip na ganito pala ang ibig sabihin ni yana.
“napaka haba ng pila.”hindi ko maiwasang hindi umangal nang makalapit kami.
“pero kaya yan diba?”seryoso ka ba?!gusto ko iyong itanong ngunit “tara na besh.”kaagad na anyaya nya.mukhang seryoso nga sya.
Bukod sa mahabang pila ay may mga tao talagang pinanganak upang sirain ang araw mo.
“sa haba ng pila?tingin nyo makakapasok pa kayo?”anang babae habang naka halulipkip at masamang nakatingin sa’min.
Akmang mag sasalita si yana ngunit mabilis kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya.
“Sa ibang school nalang kaya tayo mag enroll?”suhestyon ko.
“besh naman mag tyaga na tayo wag mong pakinggan ang clown na yan.”tukoy nya sa babae matapos bumaling dito.
“what did you say?..clown?”inis na tanong nya kay yana tsaka mabilis na umakma ng sampal kaya’t mabilis akong humarang dahilan para ako ang tamaan ng malakas nyang sampal.
Aray…
Hindi ko maipihit ang leeg ko paharap dahil hanggang ngayon ay namamanhid parin iyon.
“how dare you to hurt my – – -“hindi natapos si yana sa sasabihin nya ng nang mag salita ang lalaking nasa likod namin.
“SERIOUSLY ”
iyon lamang ang sinabi nya, ngunit pati ako ay kusang natigilan dahil sa boses nya, hindi iyon galit ngunit hindi malumanay.
Nakakakilabot at maawtoridad ang dating noon
Kahit ang totoo ay napaka
LAMIG..
ng paraan kung paano nya iyon sinatinig.
lumingon ako paharaap sa lalake, maputi ang balat nito na lalong nag pa angat sa ka gawapuhan nya, mamula mula at, manipis ang kanyang labi, maganda din ang hubog ng mga mata nya na wari’y nakangiti kahit ang totoo ay hindi mo kakikitaan ng emosyon.
Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pag piga ni Yana sa palad kong kasalikop din ng palad nya, pilit nyang itinatago ang sarili sa likod ko mukhang natatakot sya.
“Rank….in… trouble.”sambit muli ng lalake, wari’y iniisa-isa ang mga salita at inilalarawan ang babaeng pinapatungkulan tulad kanina ay malamig parin ang bawat bitaw nya sa salitang sinabi.
“E-Eight?”utal na saad...


ng babae na kanina lang ay napaka sarkastika pero tila nabalot sya sa takot sa di ko malamang dahilan kapalit noon ang pag ngisi ng lalaki sa kanya na tinawag nyang Eyt pero nanatili ang malamig nyang presensya pakiramdam ko nga ay nabalutan ng katahimikan ang buong paligid.
“SAY IT AGAIN.” pinapaulit nya yung salitang EIGHT. kalmado ma’y bakas parin ang pag babanta sa boses nya na tila kung uulitin ng babae ang salitang iyon ay pinapahiwatig na malalagot ito.
“Eight!” masiglang saad ng panibagong boses ng lalaki mula sa likuran, nilingon namin ito bumungad ang presko nitong ngiti, blonde pa ang buhok nya na lalong nakadagdag para pagkamalan syang PLAYBOY! “hahaha- – – -” umugong ang malakas nitong tawa pero kalaunay natigil din nang lingunin sya nang lalakeng tinatawag nilang Eight.
“did you find it.” naroon na naman ang maawtoridad nyang boses.
Dahilan kaya’t ang lalake kaninang tumatawa, ngayon ay nasa seryosong mukha at hindi umiimik.
“hangga’t walang nag babalik ng Badge ID nya ay ibigay nyo ang karampatang parusa na na-aayon sa patakaran bilang ranngo at dahil sa kapabayaan nya.” saad pa nito bago tuluyang umalis.
“Eight naman si Primotivo yun!” dipensa ng lalakeng playboy nang habulin nya iyong Eight.
“hwag mong tangkain na sumalungat sa utos ko RAizen.” sa pangalawang pagkakataon ay muling nag banta ang boses nya pero mas nakakatakot ito kaysa kanina tsaka nag patuloy sa paghakbang.
Naalala ko si Yana
.”okay ka lang?”alalang tanong ko rito.
tumango naman sya bilang sagot kahit ang totoo ay halatang hindi sya okay dahil sa butil-butil na pawis sa noo nya.
aray…bahagyang lumukot ang mukha ko matapos kong maramdaman ang kakaibang pakiramdam sa tyan ko.
“pupunta muna ko sa comfort room.”paalam ko, hindi ko na hinintay pa na sumagot si yana sa halip ay mabilis akong humakbang.
~
*SPLASH!
Tunog nang flash sa loob ng cuble matapos kong gumamit.
“ang tanga lang ng mga Rank Student sa University na’to hahahaha.”
“Yeah,..lalo na yung ika anim, isipin mong ganun lang natin kadaling nakuha ang Badge ID nya..ngayon ay paniguradong parurusahan sya ni Eight at malaking pilay ang mangyayare sa kanila kapag nawala si Primotivo sa grupo nila.” sagot ng panibagong boses.
sikat ba talaga yung EIGHT?
Pero….natigilan ako kasabay nang panlalaki ng mata matapos rumehistro sakin ang pag uusap nila.
BADGE ID!
malamang na ang pinag uusapan nila ay iyon ding tinutukoy nung lalake kanina..kung gayon, hindi iyon nawala.
Ninakaw!
Iyon siguro yung primotivo na sinasabi nung Raizen..teka?ano kayang klaseng parusa?kawawa naman sya kung luluhod sya sa munggo o baka ibilad sya sa gitna nang arawan.
“sshhh…don’t mention his name!mamaya marinig ka dyan sa labas.”
“excuse me?”nakaka suya ang bawata tonong pinapakawalan nito. “they are all busy for that stupid newbies.”
Isa ako sa stupid newbies na tunutukoy mo Ulol
“ilagay mo muna sa bag mo baka masama yan sa flash.”
“e’ di mas maganda.”ang tagal naman nilang mag usap!.
“o-e’ pano tayong magiging ranggo sa university natin kung na-i-flash mo?”outsider sila.”iwan mo na sa labas.”
*click!
*click!
Tunog ng lock.
Senyales na nakapasok na sila sa loob nang cubicle, iyon na ang pagkakataon ko para makalabas.
isang hakbang na lang sana ang gagawin ko upang makarating sa pinto palabas ngunit natigilan ako.
“hangga’t walang nag babalik ng Badge ID nya ay ibigay nyo ang karampatang parusa na na-aayon sa kapabayaan nya.”
Feeling ko ay sinasadya nang kunsensya ko na ulit-ulitin iyon sa tainga ko.
kung hindi ko maibabalik ang Id nya malamang na maparusahan pa sya!
Kung mahuli ka aber?…tsaka wala ka naman pakialam don!
Sige ka KARGO DE KUNSENSYA mo yan!
Bat kayo nag tatalo!tulungan nyo na lang ako!
“naku,..nababaliw na yata ako”bulong ko.
*SPLASH
*SPLASH
WatTheFLu!napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. sabay ulit?magkarugtong ba ang puson nila?
Ano bang ginagawa ko! nagawa ko pang makapag isip ng ganian!
*click!
Nanlaki ang mata ko kasabay ng matinding kabog sa dibdib .
‘Sh*t! palabas na yata sila.’
taranta kong kinalkal ang bag na naroon mabuti na lamang at mabilis kong natanaw iyong nakasuksok sa maliit na pocket ng bag tsaka ako mabilis na tumakbo palabas.
“hey B*TCH !”
sigaw nang babae mula sa likuran ko. alam kong ako ang tinutukoy nya kaya’t pinilit kong hwag silang pakinggan sa halip ay mas bilisan pa ang pag takbo.
Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil sa gusot na pinasok ko, Kung saan-saan nako lumilinga pero ni isa ma’y wala akong mahanap na maaaring pag taguan.
Lalo kong nilakihan ang mga hakbang ko dahil sa sandaling segundo ay liliko na- – -patay!
sobrang lakas na nang kaba ko dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko kasabay ang pag pikit nang dalawang mata ko matapos maramdamang
may humatak sa braso ko!
“f*ck you!”
anang babae na humahabol sa’kin dahilan nang pag dilat ko nasa gilid ko sya at gigil na gigil sa akin ngunit kalauna’y nag lakad din palayo nang hindi nya ako matanaw.
Ibinalik ko ang paningin ko sa taong nasa harapan ko, nakataas ang kilay nya at nakasimangot, ang mata nya ay walang pinag bago mula kanina sa line up.
“what are you doing here?”tanong nya na tila ba ubligado akong sumagot.
palibhasa’y salamin ang pinto nang abandonadong kwarto kung saan kami naroroon kaya kampante akong sumagot.
“nag CR..a-ako.”nauutal na saad ko.
Naniningkit ang mata nya na para ba’ng inaalam kung nag sasabi ako nang totoo.ang gwap- – -umiling iling ako kasabay nang pag pikit muli dahil sa kahihiyang iniisip ko.
“tell me, did we met before? “nakasimangot na saad nya habang naka lukot ang parehong kilay.
“O-oo..kanina” saad ko.
“Stupid..” bulong nya ngunit narinig ko naman iyon, inirapan nya’ko tsaka mabilis na hinablot ang door knob para buksan ang pinto pero hinawi ko sya tsaka mabilis na tumakbo palayo.
PABASA PO NG COMMENT NYO PLEASE






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sa dami dami ng sasabihin stupid patalaga hahaha next chapter please

Leave a Reply


top