𝐈 𝐋𝐄𝐅𝐓 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐈𝐍 𝐃𝐄𝐂𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑


“Gabbi ilang taon ka ba balak mong ikasal?” Napatigil ka si Gabbi sa ginagawa nitong pag aayos sa mga gamit niya na dadalhin para sa gaganaping field trip. Nilingon niya ako saka bahagyang nag isip.
“Siguro mga 23 na ako”
Napangiti ako saka nakisiksik sa tabi niya. “23? e, 22 kana ngayon so it means next year? Pero teka diba wala ka namang bf paano iyon?” natatawang aniya ko.
Umakbay ito sa’kin. “Walang problema maghahanap ako ng matandang malapit nang matigok.”
Nagtatakang nilingon ko ito kaya tinawanan lang ako ni Gabbi dahil sa naging reaksiyon ko. “Ito naman oh ang seryuso joke lang, siyempre ngayon maghahanap na ako para next year kasal na agad hahaha”
Siya si Gabbi kababata ko at naging girl best friend ko. Matagal na akong may gusto sa kaniya pero natatakot akong umamin sa tunay kong nararamdaman.

“Gabbi totoo ba na boyfriend mo na si James?” umupo ako sa tabi niya saka nakikuha na rin ng kinakain nitong pop corn, andito kami sa kwarto niya at nanunood ng horror movie.
“Hmm” tutok na tutok ito sa panonood at magkasalubong pa ang kilay. No’ng kukuha na ako ng panibagong pop corn ay nagtama ang mga kamay namin. Pero ako lang yata ang kinabahan dahil wala manlang kahit na anong pinag bago sa itsura nito at nakatutok pa rin sa panonood.
“Bakit?” bigla kong naiusal kaya nataranta ako at umayos ng upo. Nilingon niya ako.
“Bakit naman hindi? Mabait si James, Garrett kaya bakit hindi diba?”
“Pero Gabbi babaero si James, alam ng lahat iyon kaya paano mo nasasabing mabait ang ganoong klase ng tao”
“Anong gusto mong palabasin ngayon Garrett?”
“Makipag break ka sa kaniya, thats it! Ganoon ba na klaseng lalaki ang gusto mong makasama for the next more years?”
Umayos ito ng upo saka pinagpag ang kamay niya. “Alam mo namang gusto ko nang mag settle kapag nag 23 na ako, and there’s no time for being choosy Garrett, kaya si James na talaga”
Bumuntong-hininga ako. Marami pang iba diyan Gabbi iyong mamahalin ka ng hindi ka niloloko. “Huwag si James please”
“Kung hindi si James e, sino naman, ikaw?”
Napatigil ako sa sinabi niyang ‘yun. Hindi agad ako nakapag salita at walang akmang sagot na maaaring ibato ko sa kaniya. Matagal kaming nagkatitigan no’ng biglang mag ring ang cellphone nito.
“Excuse me, si James tumatawag” Tumayo ito at sinuot ang tsenelas niya at pumasok ng banyo ng kwartong iyon.
Napatungo ako at napatingin sa magkahawak ko na mga kamay.
“Kung kaya ko lang umamin saiyo Gabbi, hindi mo na kailangan pang magpakaloko kay James” naiangat ko ang ulo ko at saktong tumama iyon sa screen ng tv at lumabas ang nakakatakot na imahe kaya napasigaw ako.
Hawak ko ang dibdib ko ng lumabas si Gabbi mula sa banyo at tumatawa. “Nakailang nood na tayo niyan Garret nabibigla ka pa rin hahahhahaaha”
Napasimangot akong nakatingin sa kaniya. Tssk kung hindi lang talaga kita best friend baka kanina pa kita nakalbo.

Nasa mall kami para mag arcade no’ng nagpaalam ako kay Gabbi para mag cr. Maraming tao papuntang rest room, bago ako makapasok may nakita akong imahe na sobrang familiar sa’kin.
“James?” Oo si James at may kasamang ibang babae.
Biglang uminit ang ulo ko umurong pabalik ang ihing gusto ko sanang ilabas.
“James!” Pag tawag ko rito no’ng lumingon siya sa’kin ay dinaklot ko ang kwelyo nito at sinapak na agad niyang ikinatumba.
Hawak niya ang labi niyang dumudugo dahil sa lakas ng pagkasapak ko sa kaniya.
“Ano bang problema mo tarantado ka ha!” singhal nito habang...


tumatayo.
“Mas tarantado kang hayop ka girlfriend mo ang best friend ko tapos may kasama kang iba! Tarantado”
“Ah iyong best friend mong boring? sino nga ulit siya si Gia? Gessa? Ah Gabbi pal-”
Hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil sinapak ko ulit siya pero this time lumalaban na siya. Pero dahil sa ginagawa niya ay mas lalong nagliliyab ang galit sa puso ko dahil sa panloloko niya kay Gabbi.
“Ahhh” Dinamba nito ang dibdib ko na agad kung ikinahina.
“Wala ka palang hayop ka e, ano lumaban ka”
“Garret? James? anong ginagawa ny– Garret! Garrett!” naramdam ko ang pag lapit sa’kin ni Gabbi.
“Ahhh.. a-ang puso ko ahhh” Daklot ko ang dibdib ko na animoy may magagawa iyon para maibsan ang sakit ng dibdib ko. Iba’t ibang boses ng mga tao ang naririnig ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

“Oh, hindi ka pa ba papasok sa loob? Ilang oras kanang nakaupo diyan anak”
Hawak ko ang kamay ko habang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa pag lubog ng araw.
“Hindi pa po, maganda kasi ang tanawing nakikita ko ngayon”
Narinig ko ang malakas na buntong-hininga nito “Sige anak pero sana pumasok kana maya maya ah, papasok muna ako mag hahanda ng makakain mo”
Hindi ako sumagot kay Mama sa halip ay nakatingin parin sa papalubog na araw. Ang sarap lang pag masdan.
Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha sa mata ko at hindi ko na napigilan pa ito ng bumuhos ito sa pisnge ko ng sunod-sunod.
“When everytime I see the sunset its remind me of you” halos pahikbi kung nailabas ang mga katagang iyon.
Napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang ngumiti. “Bawat tibok ng puso ko ay sinisigaw ang pangalan mo”
Napasinghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko’y mauubusan na naman ako nito. “I still remember I left my heart in December and have a new heart to keep thank you Gabbi.”
Oo, sa eksaktong oras na 11:59am ng Disyembre siya’y namatay para ako ang mabuhay. At sa ika isang daan babasahin ko na naman ang huling sulat na iniwan nito para sa’kin.
𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝐺𝑎𝑟𝑟𝑒𝑡𝑡,
Labis akong nasisiyahan sapagkat ramdam ko na may pag tingin ka rin saakin. Kinilig ako sa tuwing mag seselos ka kay James, bakit ba kasi ang torpe mo haha kung inamin mo lamang saakin ang iyong tunay na nararamdaman edi sana nag paplano na tayo ng kasal nating dalawa. Alam mo ba kung bakit gusto ko nang mag asawa ng maaga? dahil para ma pressure ka at ikaw na mismo ang mag presentang maging kabiyak ko. No’ng nakita ko ang sitwasiyon mo na nag aagaw buhay dahil sa sakit mo sa puso ay doon ko napagtanto na mahal na pala talaga kita at mas pipiliin ko na ako na lamang ang mawala at ikaw ang mabuhay saating dalawa. Mahal na mahal kita Garrett. Huwag kang iiyak ha dahil kasama mo pa rin naman ako sapagkat ang puso ko ang siyang nakatarak sa dibdib mo. Iingat mo na sana ang puso ko ha, dahil pag ika’y nagkasakit sinasabi ko sayo mumultohin kita. Saka sana pag nababasa mo ito ay huwag kang iiyak ah, ngumiti ka para sa’kin mahal kong Garrett.
Nagmamahal,
𝐺𝑎𝑏𝑏𝑖𝑒𝑙𝑎 𝐴𝑛𝑎𝑠𝑡𝑎𝑠𝑖𝑎.
Sumigaw ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ngayon ang birthday ni Gabbi at ito ang ika dalawapong tatlo niyang kaarawan. Tumingala ako sa kalangitan habang ang mga luha’y patuloy sa pag agos. Alam ko na masaya kana kung saan ka man ngayon Gabbi pero pinapangako ko na iingatan ko ang puso mo.
Dwynxeniah Morrigan
Morrigan Writerhood






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top