Fathers and son Part 22


” Heto,Viel oh..kainin mo to para mabilis kang gumaling….” Pinagbalatan pa ni Leslie si Yong ng prutas saka sinubuan.
” Oy! Oy! Mag hinay hinay ka nga. Nabubulunan na yong anak ko.” Saway ni Lee sa kanya sabay turo. Hindi pa rin nagtatapos ang hindi pagkakasunduan ng dalawa.
” Ang OA mo naman. Tinatantya ko naman kung wala ng laman ang bibig niya.” Sagot ng babaeng nakasimangot ang hitsura. ” At saka..hayaan mo kong alagaan si Viel. Na miss ko ring alagaan ang batang ito. ” Sinubuan muli si Viel.
” Dahan dahan sabi!”
” Lee….hayaan mo na yong kapatid ko. Ganyan talaga yan pagdating kay Viel.” Sabat ni Rodney.
” Oo nga naman. Pagdating sa pag aalaga,mas may madaming alam ang mga babae.” Sang ayon naman ni Larry.
” Huuuu baka naman gusto mo ring magpasubo. Ok lang sakin.” Nginitian pa niya si Lee na nakahiga sa kamang katabi sa kama ng anak.
” Kinuhanan lang ako ng dugo. Kaya kong alagaan ang sarili.” Masungit nyang turan kay Leslie.
Wala rin nagawa si Lee kundi ang hayaan na lang si Leslie sa ginagawa nito.
” Siyanga pala,Lee.”
” Bakit?” Tiningnan niya si Larry.
” Pwede ba tayong mag usap pagkatapos mong magpahinga?”
” Oo.” Sabay tango nito kay Larry.
Makalipas ang ilang oras,lumabas sina Leslie at Rodney. Iniwan na muna nila si Viel dahil nakatulog na ito. Wala rin si Yssa. Umuwi sa bahay dahil kailangan niya ring magpahinga at makita ang anak.
Kausap ngayon ni Yssa ang kapatid nitong guro ring katulad niya.
” Anong balak mo,ate?”
” Hindi ko alam. Nalilito ako. Ayokong makilala ng anak ko ang ama niya pero..pero sa tingin ko,hindi ko rin maiiwasan na hindi sila ipakilala sa isat isa. Desidido si Jr( Rodney) na makita ang anak namin. ” Nababakas sa mukha ni Yssa ang kaguluhan sa kanyang isipan. ” Ano bang dapat kong gawin?”
” Gawin mo kung ano ang tama.” Payo ng kapatid niya. Sabi nito saka iniwan na muna siya upang makapag isip.
Samantala..balik sa kaganapan sa hospital.
” Ano bang gusto mong pag usapan natin?” Panimula ni Lee kay Larry nang magkasolo silang dalawa. Nahihilo man pero pinilit ni Lee na tumayo. Ayaw niya ring manatili sa kama. Mas lalo lang siyang manghihina.
” Gusto ko lang malaman na..ngayong nakasama mo na ang anak mo, ilalayo mo ba siya sa kin?”
Tiningnan ni Lee si Larry. Seryosong seryoso ito. Saka bumuga ng hangin at binawi ang tingin at itinuon sa malayo.
” Asahan mo na ganoon ang gagawin ko,Larry. Ngayong wala ng sagabal sa landas naming mag ama, lalayo kami at magsimula ng panibagong buhay.” Tapat nitong sabi.
Napabuntong hininga si Larry matapos marinig ang sagot ni Lee. Bakit nga ba siya nasasaktan kahit na alam na alam niya na kung ano ang susunod na hakbang ni Lee.
” Pasensya ka na kung gagawin ko ito. Gusto ko lang na makasama ang anak ko na kami lang. Yong kami lang na wala siyang ibang iisipin at makikita kundi ako na tunay niyang ama.”
” Alam ko…naiintindihan ko naman. ”
” Huwag kang mag alala. Hindi ko naman ipapakiusap sa anak ko na kalimutan ka at si Rodney. Alam ko naman na malaki rin ang naging tulong niyo sa anak ko.”
” Si Rodney? ”
” Si Rodney? Malaki ang kasalanan ni Rodney sakin. Pero alam kong magtatampo sakin ang anak ko kung habang buhay ko siyang kamumuhian. Kaya labag man sa kalooban ko,pag aaralan ko na lang na kalimutan ang nakaraan na may kinalaman sa kanya. Iisipin ko na lang si Yong sa ngayon.”
” Lee…” Tinapik ni Larry ang balikat ni Lee. ” Salamat. Salamat dahil pinatawad mo ko. Salamat rin dahil dumating sa buhay ko ang anak mo. Na siyang naging dahilan para ituwid ko ang maling landas na tinatahak ko.”
” Salamat rin sayo,Larry. Hindi mo pinabayaan ang anak ko.”
Matapos ang usapang lalaki sa lalaki nina Lee at Larry,bumalik din sila agad sa silid ni Viel. Tulog pa rin ito. Pero naabutan nila si Yssa.
” Sa tingin ko..kayo naman ang kailangang mag usap.” Saad ni Lee kina Yssa at Larry. “Lalabas na muna ako. Bibili lang ng pagkain. Baka magising si Viel at maghanap ng makakain.”
Tinanguan lamang ni Larry si Lee bilang pagsang ayon sa sinabi nito.
Sa...


kanyang paglabas ng silid ni Viel,nakita siya ni Leslie na siyang kasama si Rodney at patungo sa silid ng bata.
” Kuya…sandali lang ha..” pagpaalam nito kay Rodney.
” Saan ka pupunta?”
” Basta…susunod ako sayo maya maya.” Yun lang at tinalikuran na niya si Rodney.
Sinundan niya si Lee na patungo sa kantina ng hospital. Pumila saglit at saka bumili na rin. Maraming binili na pagkain si Lee at parang hindi niya kayang buhatin lahat ng mag isa. Doon na sya nilapitan ni Leslie.
” Tulungan na kita.” Alok ng babae.
Nagulat naman si Lee nang bigla itong lumitaw sa harap niya.
” Saan ka nanggaling?! Para kang kabute. Bigla bigla na lang lumilitaw.” Anito kay Leslie na kinuha sa kanya ang iba pang dalahin.
” Sinundan kita.” Nakangiti nitong saad. ” Ang ganda ng timing ko diba?”
” Hindi rin. Baka ubusin mo lang tong binili kong pagkain.”
” Ikaw…ang sama mo sakin. Hindi ko uubusin yan kahit na gutom na ko. Nag didiet ako no!”
” Diet…mabigat ka nga. ” Sabi nito sabay talikod kay Leslie.
Sinusundan lamang siya ni Leslie habang tinatahak ang daan patungo sa silid ni Viel.
” Teka lang,Lee…matanong ko lang. Galit ka pa ba sakin at sa kuya ko?” Maya maya nitong tanong matapos ang konting katahimikan sa pagitan nila. Pero hindi siya sinagot ni Lee.” Hoy! Sumagot ka nga!”
” Ang ingay mo!”
” Natural!babae ako! Maingay!”
” Ibang iba ka sa ina ng anak ko.” Paghahambing ni Lee at patuloy lang ito sa paglalakad.
“Talagang iba ako! At saka..bakit mo ko kinukumpara sa asawa mo? Hindi naman ako ang susunod na mama ni Viel ah. Ok na sakin yung tita lang niya. Hindi ko naman mapapalitan ang mama niya no. At hindi ko gagawin yon.” Pailing iling pa niyang gawi habang nagsasalita.
Huminto si Lee at saka hinarap si Leslie.
” Malabong mangyaring magiging mama ka niya. Wala akong balak na mag asawa ulit. ” Hayag nito.
“Hala! Pakialam ko!” Masungit na saad ni Leslie.
” Kung ganoon,bakit ka ba nakikipaglapit sakin? Sinundan mo pa ako.”
” Wa..wala lang. Masama ba? Kung hindi kita sinundan,makakaya mo bang buhatin ang lahat ng ito?” Sabay taas sa mga pagkaing nasa kamay niya. ” Hindi diba?! At saka, baka nahihilo ka pa.”
” Tsk! Ewan ko sayo.” Tinalikuran niya si Leslie.
Si Leslie naman ay nangingising nagpatuloy sa pagsunod sa kanya. Sabay bulong…
” Ang sungit…may hitsura nga..sama naman ng ugali!”
Hindi inaasahan ni Leslie na mabangga siya ng isang taong nagmamadaling tumakbo. Sa lakas ng pagkabangga nito sa kanya ay matitilipon siya paharap sa likod ng nauunang naglalakad na si Lee. Pero hindi pa man ay nagawa na niyang tawagin si Lee.
” Lee!!”
Humarap naman si Lee at hindi inaasahan ang pagbangga ni Leslie sa kanya. Huli na para umiwas sa babae. Sa halip,sinadya niya itong saluin gamit ang matipuno niyang bisig kahit na puno ng dalang pagkain.
At sa mga sandaling iyon,hindi inaasahan ang sumunod na naganap. Hindi sinasadyang nagkabanggaan ang mga ilong nila at pati mga labi ay nagkalapat.
Agaw pansin ang eksenang iyon nila sa mga taong naroon. Nagkatinginan sa bawat kasama. Pero agad ring umiwas ng tingin nang magkalayo na sina Lee at Leslie.
” Gulo lang talaga ang dala mo.” Sabi ni Lee at saka iniwanan na si Leslie.
” Teka lang! Hoy! Sandali!” Habol ring sigaw ni Leslie sa kanya pero hindi pinansin.
Pagkarating sa silid ni Viel na nasa hospital, inilapag ni Lee ang biniling pagkain.
” Lee….” Sambit ni Larry. ” Si Rodney tumawag kay Yssa. Sinabing tutungo ng presinto at susuko ng kusa sa mga pulis.”
” Ano? Pero kasama ko si kuya kanina. At wala naman siyang nabanggit na ganoon sa kin.” Sabat ni Leslie.
” Sinundan siya ni Yssa. Baka sakaling magbago ng isip. Isipin nito ang anak nila.” Pagpapatuloy ni Larry.
” Lee…patawarin mo na naman ang kuya ko,oh! Please….” Hinarap ni Leslie si Lee at nakikita ng huli na parang aagos na luha nito.
” Hindi ko siya mapapatawad sa ngayon,pero hindi ko sinabi sa kanya na sumuko sa mga pulis para pagbayaran ang ginawa niya.”
” Kusa siyang susuko ,Leslie. ” Pagtatama ni Larry.
Pagkasabi ni Larry non ay agad na tumalikod si Leslie at umalis na rin. Pupuntahan si Rodney sa presinto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top