The Time Traveler’s Wife


✍️ Za Mie Ri Moore
Story for: Chabelita Tabucol
I am a scientist. I invented many technologies. And now I am working on my special piece. A time machine. Yeah you read it right. Only one piece and it’s all complete. I’ve been working on these for years. Maybe since I’m nine? I’m different from my siblings. I’m the most intelligent amongst them. At the age of five, I made a robot. Not just a robot, but a talking and cleaning one. I’m staying all day night inside my laboratory and machine room. I don’t have time for dates. I’m busy.
” I-it’s done! ” I exclaimed as I saw my piece working.” I’ll call you Shine. Now, I just need to do some test. ” I pick something and throw it inside the circle, the big circle metal. Made of some unique items. Shine started to make some noise and then stopped. Biglang lumiwanag ang bilog kaya napatakip ako ng aking mga mata. Nawala ng bahagya ang liwanag kaya kinuha ko ang aking tablet at nagpipipindot. The tablet shows where the thing is and when is that. Ang taon at oras lang pala ang naibibigay nito. It can’t detect the place. The tablet says that it’s in the early 1700’s. WOW! It’s really working.
Inilapag ko ang aking tablet sa maliit na lamesa at saka tinabunan ng kumot si Shine. Maliligo at kakain muna ako. After I took a bath, I saw my reflection in the mirror. Mahaba na pala ang aking buhok, mahaba-haba na ang aking balbas at bigote. So I shaved my beard and mustache. Hinayaan ko lang ang aking buhok na nakalugay. I ate my brunch. Nagpahinga ng konte at bumalik sa aking laboratoryo.
I packed some things I might need. Oh! Don’t worry, my parents are already gone and my siblings abandoned me when I was 14. So I don’t have a family to worry about me. As I entered the big circle, I have a feeling I can’t explain. But I don’t care.
The first place…
It’s a, wait. Is this a gun? WHAT?! May narinig akong putok ng baril. Waaaahhhh! Help me! Ayaw ko pang mamatay!!!
The second place…
Nasaang lupalop na ba ako ng mundo? Ano to? T-tae? Yuck!! Hinawakan ko yung tae! Wash, wash, wash. By the way, what year is this? Ahh 1771. Why can’t I go to the future? Geez, I think I have to fix something.
Third place…
Wow! Such a paradise. What year is this? Oh! My tablet isn’t working. Naglakad-lakad ako dahil namangha ako sa lugar na ito. Parang paraiso, No, it’s really a paradise. Luminga-linga ako habang naglalakad nang may makabanggaan ako.
” Paumanhin, ginoo. Sa aking pagmamadali ay hindi ko kayo napansin. Sana ay inyo akong mapatawad. ” H-hu? An angel’s voice?! Nasa langit na...


ba ako? Binaba ko ang aking paningin sa babaeng nakaluhod marahil dahil sa pagkakabunggo sa akin ay natumba iti. Bahagya itong nakayuko.
” No, it’s not your fault. I’m sorry too.” ani ko at lumuhod para magpantay ang aming mukha. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at para ba itong nabalisa.
” P-paumanhin po. P-paumanhin po. Hindi ko po sinasadya. Patawarin niyo po ako.” Paulit-ulit niyang turan na tila ba ay takot ito. I don’t know what to say so I hold her elbow para sana tulungan ito. But she flinched at tumulo ang mga luha nito. ” Huwag po. M-maawa po kayo sa akin.” At humikbi na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binitawan ko siya.
” A-ano bang gagawin ko? Pasensiya ka na, h-hindi ko intensiyon na saktan ka. ” Bunga ng kaba at takot na siya ay nasaktan ko sa anumang paraan ay nanginginig akong nagsalita. Tumingin naman ito sa akin. Nasilayan ko ang napakaganda niyang mata, ang mahahaba niyang mga pilik-mata, at mamulamulang labi at pisngi.
” Kanino ka kakampi? Sino ang nagpadala sa iyo rito, ginoo?” Tanong niya na mas lalong nagpalito sa akin.
” W-walang nagpadala sa akin.” Patuloy kong pagwika sa salitang tagalog dahil alam ko at sigurado ako na nasa nakaraang panahon ako. Base sa pananalita ng dalagang kausap ko ngayon, alam kong hindi pa sila marunong at makaintindi ng Ingles. ” Tutulungan sana kitang tumayo. P-pero…” Hindi ko maituloy ang dapat kong sasabihin nang makita kong ngumiti ang dalaga sa harapan ko. What an angel! Napakaamo ng mukha niya at nawala na ang kanina’y takot sa ekspresyon niya. Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago ako hinila sa isang lugar na tago at walang masyadong dumadaan na tao.
” Paumanhin ginoo, at napagkamalan kitang sila.” Sabi niya sa akin. Mas lalo akong naguluhan.
” Sinong sila?” Nasabi ko ang dapat ay nasa isip ko lang.
” Ang mga dayuhan. Mga malulupit na dayuhan na gustong sirain ang aming pamayanan. Pinapahirapan ang mga kalalakihan, pinagsasamantalahan ang mga kababaihan. Pinapatay ang kung sino man ang naisin nilang paslangin. Nakakatakot sila. Kagaya mo’y nagsasalita din sila ng mga salitang hindi namin mawari. Ngunit ginoo? Isa ka ba sa kanila? ”
” Hindi. Siyempre hindi. Hindi ko kayang pagsamantalahan ang mga kababaihan, lalung-lalo naman ang pumatay. ” Tanggi ko.
” Naniniwala ako sa iyo, ginoo. ” Nakangiting aniya.
” Ngunit bakit pinagkatiwalaan mo ako kaagad, gayong kakikilala mo pa sa akin? ” I’m curious.
” Pakiramdam ko lang ginoo. ”
Tumango ako.” Ano nga pala ang pangalan mo…” Ginaya ko kung paano siya magsalita. ” … binibini? ” Nakita kong mas lalong namula ang lisngi niya kaya napangiti ako. Is this what they call love?
” Ang pangalan ko ay Chabelita Tabucol, ginoo. Ano naman ang sa iyo?”
” Ako si Cedrick Yap. “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top