The Beggar and The Billionaire


🌼prologue🌼
Halos hingalin ako sa kakatakbo dahil sa mga pulubi ding humahabol sa akin…wala akong nagawa kahit na sugat ang natatamo ko sa aking mga hubad na paa.hangang ngayon hindi ko pa din malimutan ang mga naranasan ko ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa aksidenteng sa akin isinisisi ang lahat.minabuti kong umalis at lisanin ang lugar kung saan ako lumaki.
nakaramdam na naman ako ng pagkagutom kaya naman mabilis akong nagtungo sa isang malaking mall dito sa manila.ramdam ko sa sarili ko ang pagod at init dahil sa sikat ng matinding araw.dumudugo.na din ang mga paa ko.habang abala ang mga kwardya sa kanilang paguusap ay marahan ako at patagong pumasok sa nasabing mall..
“wow grabe ang laki at ang ganda naman sa loob nito..kumuha ako ng mga tinapay na aking natatanaw sa bandang tabihan ko dahil din sa dami ng tao ay hindi ako.napapansin ng mga security kaya naman nag-enjoy akong malakad-lakad sa gitna.kita ko sa aking mga mata ang pagkainis at pagtakip ng kanilang mga ilong habang matalim nila akong pinakaka-titigan.hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila hanggang sa di inaasahan habang palinga-linga ako sa ganda ng loob nito ay hindi man lang napansin ang pagbunggo ko sa taong aking nakasalubong.
“ah …aray saad ko na lang sa aking sarili ngunit nakatitig lamang sa akin ang mabango at makisig nitong pananamit kita ko din ang mukha nito na kahit sinong babae ay mahuhulog sa taglay nitong kagwapuhan.habang nakasandal ako sa kanyang matitigas...


na dibdib.
“are you ok miss…bakit pinahihintulutan nilang pumasok ang mga tulad mo dito sa loob ng mall na ito.
kita ko ang pag-ismid ng mukha niya dahil sa amoy na nalalanghap niya sa aking sarili ngunit wala akong paki-alam kung ano pa man yun..akmang aalis na ako.patakbo ng hawakan niya ang aking pulsuhan.kayat kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makaalis sa mahigpit niyang hawak.
“hoy ..pweba ba bitawan mo.ako…hindi kita kilala hindi mo ba nakikita..pulubi lamang ako at wala akong balak sumama sayo..!!!!madiin at malakas na tinig ang iginawad ko sa kanya habang maraming taong nakatitig sa aming dalawa.
“ahmmm sino ang may sabi sayo na isasama kita…ipapadampot kita sa mga security dito..hindi dapat ang katulad mo ang pumapasok sa ganitong klaseng lugar.
hoy..masamang lalaki…bitawan mo ako kung ayaw mong…saad ko na.lamang ngunit ayaw niya talagang bitawan ang kamay ko kaya naman minabuti ko.itong kagatin hanggang sa maramdaman na lamang nito ang sakit sa pagkagat ko sa kanya kaya kaagad itong napa-bitaw sa akin at kasunod nun ang mabilis kong pagtakbo sa dulo ng exit na hindi naman ito kalayuan sa aking tapat..habang hinahabol ako ng mga naka-itim na lalaki sa aking likuran…mabilis ang pagtakbo ko at halos wala akong paki-alam kung may mabangga man akong tao.at kasunod nun ang pagtago ko sa isang malaking basuran ng makalabas na ako.ng mall.
“sa susunod hindi na talaga ako papasok sa loob ng building na yan.
masasama ang mga tao..tugon ko na.lamang sa aking isipan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top