Catch Me If You Can Chapter 3


💕 Megan PoV💕
“Minalas talaga ang araw natin ngayon.” Sabi ko sa kausap ko sa cellphone “bakit kasi sa lalaking yun pa bakit doon mo hinagis yung bag ko?” Inis na sabi ko ulit sa kausap ko.
Nagtatago ako ngayon sa Loob ng CR nag chachange outfit baka kasi makilala ako.
Tinali ko yung buhok ko at nagpalit ako ng t-shirt at isinout ang outfit ng mga taga linis ng Mall na iyon. Nakita ko lang na nakalagay doon kya sinout kona para d na ako makilala. siguro naman di na ako makikilala sa outfit ko ngayon.
Nagkunwari akong naglilinis sa banyo habang palabas sa banyo. Tanaw ko yung dalawang lalaki naghihintay sa labas ng CR. Aba natuntun ako ng mga ito. Ang lakas ng pang amoy ng isang yun ah.
Mga police ba sila?
Hinayaan ko na silang maghintay. . Maghintay sila sa wala.
Umowi na ako sa bahay namin. Naghihintay saakin ang Tatay kong may sakit.
Matagal na syang may sakit mula ng lumipat kami dito sa manila. 100, 000 na nakuha ko kay Jack pinambayad ko yun sa mga utang ko at binilhan ko na din ng madaming gamot si Tatay para di na iyon mawala pa. Panigurado kasi miminsan lang ako maka racket ng ganong kalaki. Bumili din groceries namin para sa pang araw araw namin.
Si Nanay kasi iniwan kami at sumama sa ibang lalaki. Wala na akong balita pa sa kanya at wala akong paki alam.
Si Tatay lang ang iniisip ko ngayon.
“Kumain na ho kyo tay. May dala ho akong pancit na paburito nyo.” Sabi ko sa tatay ko habang pinag hahain sya ng pagkain
” Salamat anak.” Malungkot na sabi ng tatay ko.
“Wala ho yun Tay. Magpagaling ho kayo. Para magawa nyo na ulit yung gusto nyong gawin.”
“Tumawag nga pala ang nanay mo.”
“Wala ho akong paki alam sa kanya. Tay. Kung ano man ang sinabi nya sa kalimutan mo na yun. Kumain na ho kayo Tay. ”
Pagkahain ko sa tatay ko pumasok na ako sa kwarto ko. Nahiga na sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kawalan.
Rinig ko ulit na nagriring ang cellphone ko. Ayaw kong sagutin ang tawag ni kuya Kardo gusto ko monang matulog.
💙Vincent Pov💙
“Hanggang kailan tayo maghihintay dito Vincent. Mukhang natakasan na nya tayo” reklamo ni Brian saakin.
“Baka nga natakasan na nya tayo. Umowi na tayo.” Sabi ko sa kanya.
Pagka uwi ko ay hinintay ako ni dad sa sala.
“Saan ka galing?” Tanong saakin ni Dad
“Nakipag kita lang ako sa kaibigan ko”
“Maghanda ka bukas dahil dadalhin na kita sa army. Mag ttrain ka doon. Baka lang naguguluhan ka lang sa sarili mo. ”
Napakumot ako sa di oras bisidido na talaga si Dad na ipasok ako sa pagpopolice.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Kinaumagahan ay sumama na ako kay dad. Pagka kita ko sa mga nagttrain namangha ako ang mamatso nila.
“Dad mukhang gusto ko na dito ang daming Papa!” Baklang bakla ang pagkakasabi ko kay dad. Masama namang tumingin sa akin si Dad.
“Behave!” Sabi ni Dad.
Lumapit ang isang trainor saamin. At nag salodo kay dad.
“Major kayo po pala yan.”
“Gusto ko sanang itrain ang anak ko naguguluhan kasi sya sa pagkatao nya. Baka makatulong ang pagttrain nya dito at lumabas ang tunay na pagkalalaki ng anak ko.”
“Ako na ho ang bahala sa kanya”
“Hai! ”...


Nilandian ko ang pagtingin saakin ng trainor pero umiwas ito ng tingin saakin. Sa tingin ko limang taon ang tanda saakin ng trainor na ito.
“Sumonod ka saakin para ipakilala ka sa mga tinitrain ko. ”
“Yes po Sir!” Sinundan ko sya na pakinding kinding.
Nagresearch ako kung paano gumalaw at mag lakad ang bakla. Kaya madali kong natutunan. Nilambotan ko ang katawan ko para magmukhang totoo na bakla ako.
Kahit kahihiyan na ang idulot. Ayaw ko talagang magpolice. Natruma ako ng maliit ako dahil sa putokan ng baril kaya kahit kailan hindi ako hahawak ng baril.
Nasa harap na ako ng mga trainer
” Sya ang bago nating makakasama anak sya ni Major kaya kailangan pakisamahan natin sya ng mabuti. ”
“Yes Sir” matigas na sagot nila.
“Pumuwesto kana sa likod nila. Magsisimula na tayo. HANDA Harap!”
Nagsimula na silang tumakbo sumunod na rin ako sa kanila at ako ginawa ko dinistract ko ang mga kasama ko sa pagtakbo nagkukunwari akong tinatanong sila para landiin.
Isang linggo na akong nandito kaya ginagawa ko talaga ang lahat kaya ang instructor nalang ang tinarget ko kaya takot o takot saakin ang instructor ng bigla ko syang akitin sa gabing yun.
Hahahahaha kaya ang ending pinatawag si Dad agad ng instructor.
“Kumusta ang anak ko? Magaling ba syang trainer?” Tanong ni Dad.
“Sigurado ba kayong anak nyo yan?” Tanong nya sa dad ko.
“Oo naman siguradong anak ko sya. Bakit mo naitanong?”
“Mukhang hindi namin sya kayang tanggapin pa dito.”
“Bakit naman ?” Tanong ni Dad
“Baka po mawala sa focus ang mga kasamahan nya dito. Kung ano anong kalukuhan ang ginagawa kaya nwawalan ng focus ang iba. ” pagrereklamo ng instrucror.
“Alam nyo kasi umaasa ako na mapagbibigyan nyo pa sya ng tatlong araw para sa training nya rito. ”
“Mas mabuting nasa bahay nalang po sya bago pa mawasak ang karangalan ko sa paaralang ito. Wala na ho kaming magagawa pa sa anak nyo. Bakla ho talaga sya. Natatakot na sa kanya ang mga ibang student dito. Kaya sana po Major. Pauwiin nyo na po ang anak nyo sa lalong madaling panahon. Nagmamakaawa po ako Major alang alang po sa karangalan ng paaralang ito ”
Walang nagawa si Dad kundi ang iuwi na ako sa bahay. Sa wakas tapos na rin ang problima ko sigurado na akong hindi ako pababalikin ni Dad sa lugar na iyon.
Pagka uwi namin ay sinuntok ako ni Dad.
“Tarantado ka pinahiya mo ako sa school na iyon. Ano na ang mukhang maihaharap ko sa school. ”
“Ano ba Honey! Wala kanang magagawa kong bakla ang anak mo. ”
“Binigyan nya ako ng kahihiyan. Lahat mga ninono ko lahat kami mga police kagalang galang pero ni isa sa mga anak ko walang magmamana” Galit na sabi ni Dad.
“Respiktuhin mo nalang kung ano ang anak mo. Anong masama kong bakla ang anak mo. Tao parin sya!” Pagtatanggol saakin ni Mom.
Nakunsinsya ako dahil nag aaway na ngayon si Mom and Dad dahil sa pagpapanggap kong bakla.
Galit na umakyat si Dad sa kwarto nila ni Mom.
Samantalang si mom ay tinulongan akong patayuin.
“Nasaktan kaba anak?” Pag aalalang sabi saakin ni Mom.
“I’m okey Mom! Tama lang na magalit saakin si Dad. Papasok na ho ako sa kwarto ko Mom.”
Pumasok na ako sa kwarto ko. Dalawang linggo ang nandoon kaya namiss ko ang kwarto ko.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top