QUIET


Tahim akong naglalakad pauwi, felling ko may nakasunod sakin pero kapag tinatanggihan ko sa likod wala naman akong nakikitanv tao. Mag isa lang naman akong naglalakad, kase malayo layo din ang bahy ko sa kaibigan kung si Nana. Kakauwi palang kase namin galing trabaho.
Tiningnan ko ang cellphone ko kung ano ng oras. 8: pm palang pero wala na akong nakikitang taong nasa labas, nakilabutan ako ng humangin ng malakas,tumindig ang balahibo ko,kumakarira din ang dibdib ko dahil sa takot, lalo kung binilisan ang paglalakad,pero hindi parin mawala ang takot ko, lalo iyon nadagdagan ng mamatay ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa aking daraanan, nagpapatay patay iyon. Naiiyak na ako sa takot,hindi kuna alam ang gagawin, nanginginig na din ang kamay ko, kaya tumakbo na ako.
Pumasok agad ako sa loob ng bahay, nadatnan ko si Mama at Papa sa sala habang nanunuod ng Tv. Agad kung kinuha ang remote sabay patay ng Tv, dahil ang panapanood nila horror na ang pamagat ay quiet.
” Bakit mo pinatay? Nanonood pa kami ng Papa mo.” Saad ni Mama sabay agaw sa akin ng remote. Pero inilayo ko iyon para di niya makuha.
” Nakakatakot kase yong pinapanood niyo.” Sabi ko.
” Maganda naman yon anak, diba nga malapit na ang undas kaya lahat ng palabas mga katatakutan.” Paliwanag ni Papa, hindi ako nakakibo.
Binigay ko kay Mama yong remote.” Bahala nga kayo diyan.” Sabay iwan sa dalawa.
Aakyat na sana ako ng hagdan ng may marinig akong ingay sa taas, parang may nagbubukas ng pinto, agad akong bumalik sa sala, sabay upo sa gitna nila Mama at Papa.
” Kala ko umakyat kana?” Tanong ni Mama
” Huh, hindi pa kase ako inaantok Mah.” Dahilan ko.
Nang matapos ang pinapanood namin, pinatay na ni Papa ying Tv, buti kanina di sila nagreklamo ng ilipat ko ang channel, iwan kung saan ko din pinagmanahan ang takot ko, horror lang nga sa tv takot na ako what if kung totoo?
Nag iisa nalang akong anak nila dahil yong kambal ko namatay, hindi ko din alam kung anong dahilan ng pagkamatay nito, ayaw sabihin nila Mama at Papa, kalimutan ko na daw iyon at wag kuna daw babanggitin pa.
Napahinto ako ng magsalita si Mama.” Saan ka pupunta? Doon yong kwarto mo ah.”
Nauna na akong pumasok...


sa kanilang kwarto.” Dito ako matutulog,” sabay lundag ko sa kama.
” Ang laki muna anak, 24 years old kana dapat bukod kana ng higaan namin.” Saad ni Papa.
” Bakit bata lang ba ang pweding timani sa kanilang magulang? Anak niyo naman ako ah.” Nakasimangot kong saad.
” Oh siya sige na, bata ngayong gabi lang huh?” Tumango ako sa sinabi ni Mama.
Nagising ako ng may marinig akong ingay sa baba, madilim din ang kwarto ng imulat ko ang aking mata, kinapa ko ang latabi ko pero wala akong makapa, Asan kaya sila? Bumangon nalang ako, panay ang kapa ko habang naglalakad para mahanap ying pinto, ng makapa ko iyon binuksan ko.
Nawala din ang ingay kanina sa baba, kahit natatakot nilakasan ko ang loob ko para makababa, kase alam kong andon sila Mama at Papa.
Umalpas bigla ang takot ko ng wala akong makitang tao sa sala, kaya dahan dahan akong naglakad papuntang kusina nagbabakasakaling andon sila, pero ng malapit na ako sa kusina ng may tumakip ng bibig ko. Kakagatin ko sana ng kamay ng marinig ko ang boses ni Mama.
” Quiet, wag kang lilikha ng ingay.” Bulong ni Mama sa tinga ko.
Hinila ako ni Mama sa likod ng sofa, don kami nagtago, hinawakan ni Mama ang kamay ko ng maramdaman nito na nanginginig iyon.
” A-anong nangyayari Ma?”
” Wala na ang Papa mo, wala na siya.”
Natulala ako bigla, naramdaman ko nalang ang mainit na dumaloy sa mukha ko.” Mah hindi yan totoo, Bakit? Anong nangy…” napahinto ako bigla ng may yapak akong narinig papunta samin.
” W-wag kang maingay anak.” Naiiyak din na bulong ni mama.
” Kahit anong tago niyo, hindi kayo makakalabas dito, papatayin ko kay.” Nakakatakot na saad ng isang lalaki. ” Bulaga!”
Hinila ko ang kamay ni Mama, habang hinihila din nong lalaking may sugat sa mukha, nabitawan ko ang kamay ni Mama ng tagain iyon ng lalaki. Putol na kamay ni Mama ang nakuha ko agad ko iyon itinapon.
” Umalis kana anak! Takb..” hindi na nito natapos pa ang sasabihin ng itarak ng lalaki ang dala nitong patalim sa dibdib.
Umiiyak akong tumakbo ako papuntang pinto pero napa atras ako ng may isa lalaking humarang sa akin, di agad ako nakagalaw ng tagain ako nito sa leeg.
THE END.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Outstanding website you have here. Should you will find the time, look at my own website Click Here Ive been spending so much time with

    https://xmc.pl

Leave a Reply


top