Flowers for you


Author: Rosemei28
Genre: One sided love, childhood bestfirends
“Flowers for you~”
Sinimangutan ko sya.
“Di wow, wag mo ‘kong idadamay pag pinagalitan ka ni Manong Lando kakapitas mo ng bulaklak sa garden ah.” Kinuha ko ang bulaklak na hawak nya.
Kumamot sya sa batok nya.
“Eto naman, parang hindi ka na nasanay.”
Umirap ako.
“Tigilan mo nga ‘ko Jake.”
Tinago ko ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.
He’s Jake, my bestfriend. Naalala ko, lagi nya akong binibigyan ng bulaklak noon. Kasing ganda ko daw kasi ang mga bulaklak na nakikita nya kaya kinukuha nya ito at binibigay nya sakin.
He’s so sweet, to the point na minsan inaakala ng mga kaklase ko na boyfriend ko sya.
Ideal boyfriend ata sya ng mga babae noon sa school.
“Nga pala, patulong naman oh.”
Nang tingnan ko sya ay nakanguso sya sakin at tila nagpapacute.
“Ano ba yun?”
“May pinopormahan kasi ako, may pa birthday party sya sa weekend. Invited ako. Pwede mo ‘kong tulungan sa pagbili ng gift para sa kanya?”
Hindi ako nakasagot agad.
Bigla ko ring naalala, na ayaw ko noong bigyan ng meaning ang mga ginagawa nya sakin pero hindi ko maiwasan.
Sana hindi na lang sya sweet sakin.
Napangiti ako nang maalala lahat ng yun.
“Alin dyan Ma’am?”
“Ah, eto.” Tinuro ko yung isang bouquet na may lamang blue mixed with white flowers. Bagay na bagay sa theme nung pupuntahan ko.
Binayaran ko ang bulaklak na binili ko at nagmamadaling lumabas ng flower shop.
“Earl! Bilisan mo malapit nang magsimula!”
“Oo na, oo na sandali papunta na.” Pinatay ko ang tawag.
Agad kong pinara ang taxi at sumakay doon.
Habang nakaupo sa loob ng taxi ay sinandal ko ang likod ko at tumingin sa labas ng bintana. Sinandal ko ang ulo ko dun habang nakatingin sa labas.
Amdami nang nangyari, andami nang nagbago.
Makikita ko na naman sya.
Sa tuwing naiisip ko sya, laging pumapasok sa isip ko yung mga alaalang matagal ko nang nilibing sa utak ko.
Eto na ang last ko para balikan ang mga yun.
Yung mga alaalang yun…
The memories about him…
About my first love..
Eto na ang last…
The first time we met…
I was 11 years old that time..
“Mama!!!”
Ngumangawa ako noon habang nakaupo sa isang sanga sa itaas ng puno. Napagtripan kasi ako noon nung mga feeling badboy na mga tambay sa amin. Binuhat nila ako at pinunta sa itaas ng puno.
Todo ngawa ako nagbabakasakaling may makakarinig sakin.
“Earl? Anong ginagawa mo dyan?”
Nang tingnan ko ang ibaba ay nakita ang isang lalaki. Yung bagong kapitbahay namin.
“Jake?” Sabi ko habang sinisinok-sinok pa dahil sa kakaiyak.
“Bakit ka nangawa dyan? Alam mo bang abot hanggang sa bahay namin ngawa mo?”
“Ehhh!!” Naiyak ako sa sinabi nya.
“Oh bakit ka naiyak?! Biro lang yun!”
Sinamaan ko sya ng tingin.
“Nakakatawa ba yun?!” Singhal ko sa kanya.
Kumamot sya sa batok nya at ngumiti sakin na parang nahihiya.
Tsaka ko lang biglang naalala.
“Pwede mo ‘kong tulungan?”
“Saan?” Tanong nya.
“Hindi ako makababa.” Sagot ko.
Tumawa sya sa sinabi ko.
“Anong nakakatawa?!”
“Wala! Sige, aakyatin kita dyan, tapos tutulungan kitang bumaba.”
Hindi ako umimik at hinintay lang syang makaakyat sa puno.
Sinisinok pa rin ako dahil sa kakaiyak ko.
“Hawakan mo kamay ko.”
Inalok nya ang kamay nya sakin.
Hinawakan ko yun.
“Oh? Tapos?”
“Bumaba ka, dyan oh.” Tinuro nya ang sanga na malapit sa paanan ko.
Umiling-iling ako dahil natatakot ako.
“Paano ka makakababa kung ayaw mong bumaba?”
Sumimangot ako sa kanya.
“Kaya nga umiiyak ako dahil takot akong bumaba.” Sagot ko pabalik.
“Paano ka ba kasi napunta dito?” Tanong nya.
“Inakyat nila ako dito.” Tinuro ko yung mga tambay na nag-iinuman sa isang tindahan hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.
“Ang sasama naman nila, bakit nila ginawa yun sayo?”
“Tinawag kong panget yung maitim na lalaki.” Sagot ko.
Napatitig sya sakin.
“Ang sama mo rin sa kanila.” Sabi nya pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig sakin.
Napasimangot ako.
“Oh oh! Iiyak ka na naman! Tutulungan na nga kita.”
Nagulat ako ng bigla syang tumapak sa sanga na malapit sa paanan ko. Nasa harapan ko na sya ngayon.
“Humawak ka sa balikat ko dali! Bumaba ka na dyan bago pa tayong mahulog dalawa.”
Agad kong sinunod ang sinabi nya. Humawak ako sa balikat nya at pinilit na itapak ang paanan ko sa sanga para makababa ako.
Nang makababa ako ay napahawak ako ng mahigpit sa balikat nya.
“Waaaahh! Mahuhulog tayooo ayoko naaa!”
“Anong mahuhulog? Wala pa tayo sa kalahati nagsisigaw ka na. Humawak ka lang sakin, bababa ulit tayo.”
Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko.
“Waah! Ikaw muna!”
Agad naman syang humakbang pababa sa ibabang sanga.
Nilingon nya ako nang makababa sya.
“Bumaba ka na rin, bilis!”
Inalok nya sakin ulit ang kamay nya kaya agad akong humawak dun at pinilit na bumaba sa ibabang sanga.
“Eto last na ‘to, nasa baba na tayo kung tatalon ka.”
“Ano?! Tatalon ako?!” Tiningnan ko ang ibaba, halos lagpas sakin ang taas ko.
Nagulat nang mauna syang tumalon.
Tumingala sya sakin.
“Oh diba? Kaya mo yan! Gayahin mo lang ginawa ko.”
“Baliw ka ba?! Baka mabalian ako ng buto!”
Nanginginig na ang tuhod ko habang nakatapak pa rin sa sanga.
Tinaas nya ang dalawang kamay nya.
“Edi sasaluhin na lang kita, dali!”
“Ano?! Ang bigat ko kaya!”
Napabuntong-hininga sya habang nakatingin sakin, mukhang pagod na sa kakasabi sakin na bumaba.
“Edi bumaba ka dyan mag-isa mo!”
Nagulat ako nang talikuran nya ako at nagsimulang maglakad palayo.
“Hooyy!! Tulungan mo ‘ko waahhh!!” Ngumawa ulit ako.
Hindi nya ako pinansin at naglakad lang palayo.
Nag-aalangang tiningnan ko ang ibaba. Nagdadalawang isip kung bababa ba ako o magpapakamatay na lang.
Pumikit ako habang pinapakiramdaman ang binti ko na nanginginig na dahil sa takot, mukhang napako na rin sa sangang kinatatayuan ko.
Huminga akong malalim.
“Woohh kaya ko ‘to.” Bulong ko.
Aayos na sana ako ng tayo para maghandang tumalon nang kusang nadulas ang paa ko sa sanga.
“Waahhh!! Mama!!”
At yun na nga, nahulog ako at naramdaman ko kung paano bumagsak ang katawan ko sa lupa. Naitukod ko pa sa lupa ang tuhod ko.
Tiningnan ko yun at may sugat nga.
Umupo ako sa lupa at ngumawa.
“Jake!! Lagot ka sakin!!”
Hinanap ko kung nasaan na sya pero nagulat ako nang makitang nakatayo na sya sa gilid ko.
“Oh, kaya mo naman pala eh.”
Sinamaan ko sya ng tingin.
“Hindi tayo bati! Lumayo ka!”
Tumayo ako at tinulak sya.
Naramdaman ko ang panginginig pa rin ng tuhod ko kahit na wala na ako sa itaas ng puno. Siguro dahil sa pagtalon ko.
Nainis ako lalo nang natawa sya.
“Anong nakakatawa?! Gusto mo nang mawala sa mundo ha?!”
“Tara, hatid na kita pauwi.”
Nag-alok pa nga.
“Ayoko nga! Bahala ka dyan!”
Nilagpasan ko sya at binangga pa sya sa balikat nya tsakanaglakad palayo.
Hindi ko maiwasang matawa habang inaalala ang alaalang yun.
Napatingin ako sa taxi driver nang mapansing patingin-tingin sya sakin. Iniisip nya ata na nababaliw na ako.
“Hindi ako baliw kuya.” Sabi ko.
“Wala naman akong sinasabi ma’am.”
Napangiti sya at napailing-iling tsaka binalik ang tingin sa labas ng bintana.
And the time we become bestfriends…
“Ako ba pinaglololoko mo?”
“Sige na, ‘to naman, parang hindi bestfriend eh.”
Napabuntong-hininga ako.
Bakit ko nga ba naging bestfriend ang isang ‘to?
Wala syang gawa sa assignment nya. 😑
Wala pa syang papel para sa quiz mamaya.
“Yun nga yung problema ko eh, bakit nga ba bestfriend kita?”
“Oh? Ikaw pa nga nag-offer sakin na maging magbestfriend tayo FOREVER eh.” Diniinan nya ang salitang forever.
Napangiwi ako nang maalala yun.
“Wag mo nga ipaalala, pinagsisisihan ko na nga eh.”
“Bigyan mo na lang kasi ako sagot para tapos na, sige ka hindi kita titigilang kulitin.”
Naiinis na kinuha ko ang bag ko at binuksan yun tsaka kinuha ang notebook ko sa science at papel na hinihingi nya.
“Oh ayan na! Sa susunod na walang kang gawa, wag ka nang pumasok! Para hindi mo ‘ko naaabala ha?!”
“Ah sige, salamat sa payo.”
“Uwian na~~~!”
Bakit ko ba kasama ‘to?
Lumayo ako sa kanya ng kaunti, nagtitinginan kasi sa kanya yung mga tao sa paligid namin, iniisip ata na nababaliw na sya.
“Oy bespren! Tara mall tayo!”
Napairap ako nang lumapit sya sakin at inakbayan ako.
“Anong gagawin natin dun?”
“Gagala syempre.”
“Ayoko, sasama lang ako sayo pag ililibre mo ‘ko.” Sambit ko.
Ngumuso sya sakin. Feeling cute amp.
Blangkong tiningnan ko sya.
“Mukha kang pato.” Sabi ko sa kanya.
“Tsk, killjoy mo talaga.”
Nang makalabas kami ng gate ay bumungad samin ang daanan na puro damuhan at maraming bulaklak.
Probinsya kasi ang lugar namin kaya puro puno pa rin ang paligid, ayos lang sakin dahil mas magandang tingnan ang paligid.
Biglang tumigil si Jake at pumunta gilid ng daanan.
Akala ko kung anong gagawin nya nang pumitas sya ng malaking bulaklak na nasa gilid lang.
Naglakad sya pabalik sakin.
Nagulat ako nang ilagay nya yun sa tenga ko.
“Ayan, bagay sayo.”
Kinunutan ko sya ng noo.
“Ano?”
Ngumiti sya sakin.
“Kasing ganda mo ang mga bulaklak.”
“Ma’am, traffic po, baka matagalan ho tayo.”
Nabalik ako sa realidad at tumingin kay manong driver.
“Ah, sige po, okay lang.”
Pwede naman siguro kahit na malate ako ng kaunti, may oras pa naman. Sana lang ay umabot ako.
Kundi patay ako sa lalaking yun.
Tumingin lang ulit ako sa labas ng bintana at pinagpatuloy alalahanin ang mga alaalang tumatak sa isip ko.
“Kasing ganda mo ang mga bulaklak.”
He always said that to me
For the second time.
Ayokong bigyan ng meaning lahat, pero, hindi ko talaga maiwasan. He’s too sweet.
Mag Bestfriends parin kami hanggang magsenior-highschol kami.
Hanggang ngayon, hanggang doon pa rin kami.
“You look beautiful with that flower.”
Hinawakan ko ang bulaklak na nilagay nya sa tenga ko.
“Psh! Hanggang ngayon ginagawa mo pa rin ‘to, wala bang bago?”
Natawa sya sa sinabi ko.
Nagtaka ako nang i-alok nya sakin ang kamay nya.
“Maaari ba kitang maisayaw binibini?”
Napanganga ako.
Muntik ko nang makalimutan,...


nasa prom nga pala kami. Nandito kami sa garden ng school. Sa gym ginaganap ang prom pero hinila nya ako papunta sa garden.
Hindi ko alam kung anong trip ng isang ‘to.
Ngumiti ako.
“Sure. Tara sa gym tayo.”
“Nope, dito na lang tayo sumayaw, rinig naman dito yung music eh.”
Napairap ako.
“Oh sige, sabi mo eh.”
Pinatong ko ang braso ko sa balikat nya at hinawakan nya naman ako sa bewang ko.
Tiningnan ko ang laylayan ng gown ko.
“Ang dumi na ng gown ko!” Nadumihan dahil sa lupa dito sa garden.
“Hayaan mo na, pwede pa yang labhan.” Natatawang sambit nya.
Pinanlisikan ko sya ng mata..
“Ikaw paglabahin ko gusto mo?”
Natawa sya at umiling-iling.
“Saya na lang tayo, baka matapos na ang music hindi pa kita nasasayaw.”
Kumunot ang noo ko sa kanya.
“Bakit ba kasi ayaw mong puntahan yung ka-partner mo?”
Kinamot nya ang batok nya.
“Ahm, hindi ko naman talaga sya gustong ayain, naging partner ko lang sya dahil sa dare nina Aeron.” Yung mga barkada nya.
“Kawawa naman ka-partner mo, iniwan mo dun.”
“Ikaw? Bakit wala kang partner?” Tanong nya.
Nagkibit-balikat ako.
“Wala eh, wala namang nag-aya sakin.”
“Aww, kawawa ka naman walang nag-aya sayoo.” Pinisil nya ang dalawang pisngi ko.
Hinampas ko ang dalawang kamay nya at sinamaan sya ng tingin.
“Masakit!”
Tumawa sya ng malakas at hinawakan ulit ako sa bewang ko.
“Sayaw na tayo.”
Nag-aalangang nakipagsayaw ako sa kanya.
Sumasabay lang kami sa music na naririnig namin, nakangiti sya sakin pero nginingiwian ko lang sya.
Tinatago ko kasi yung kilig na nararamdaman ko.
Yung kilig na hindi nya pwedeng makita.
Sa ilalim ng nagkikislapang bituin, nandoon kami sa garden, sumasayaw habang napapaligiran ng mga bulaklak at may alitaptap pang lumilipad sa paligid.
That time, I felt like a princess, dancing with my prince.
But suddenly I remember.
He had a girlfriend at that time.
Bumalik kami sa gymnasium kung saan nagaganap ang prom pagkatapos ng ilang sandaling pagsasayaw naming dalawa sa garden.
“Jake!”
Napaiwas ako ng tingin nang makitang tumakbo palapit si Lianne kay Jake, yumakao sya kay Jake habang nakangiti.
Nakasuot si Lianne ng white gown with a ribbon on her back waist.
Nakarating na pala sya.
Ngumiti ako sa kanya.
Tiningnan ko si Jake.
“Sige, dun muna ako.” Paalam ko sa kanya.
Hindi ko na sya hinintay na sumagot at tumalikod na tsaka naglakad palayo sa kanilang dalawa.
Ayokong makaisturbo sa kanila.
It’s their moment to bond with each other.
Si Lianne yung matagal nya nang pinopormahan nung highschool pa lang kami, naging crush nya ata ito ng dalawang taon.
After two years, 4rth year highschool kami, umamin sya kay Lianne.
Hindi ko pa malalaman na sila na kung hindi lang sinabi sakin nung mga kaklase ko.
Saklap.
Umupo ako sa mga upuan na nasa gilid ng gym. Nagpahinga lang ako saglit habang tinitingnan ang mga schoolmates ko na nagkakasiyahan sa party.
That time, I’m heartbroken, kahit na hindi naging kami.
Umabot kami ng college.
Mag Bestfriend pa rin syempre.
Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sa kanya.
He’s still with Lianne.
Honestly, hindi ko na nga alam kung mag bestfriend pa rin kami.
Hindi na kasi kami tulad ng dati.
Kung dati lagi syang may time sakin, kung dati lagi kaming magkasama, kung dati laging nasa akin ang atensyon nya.
Ngayon hindi.
Napapalayo na nga sya sakin eh.
Halos, once in a month na lang kaming nagkikita. O kaya minsan kung nagkakasalubong sa loob ng campus, o kaya pag nagkakasalubong daan papuntang school.
We have a different department.
So, minsan lang talaga kami magkita.
Nung time na nakita ko sya, wala namang espesyal. Tapos na ang first sem nun, may free time lahat ng students.
“Earl! Long time no see!”
Napangiti ako nang makita ko sya sa hallway sa may lobby.
“Yeah, long time no see. How are you? Kamusta kayo ni Lianne?”
“Oh, ganun pa rin. Walang pinagbago.”
Tumango-tango ako.
And then naalala ko.
“Hey, oo nga pala, do you want to come—”
“Babe! Hey! I’m waiting for you!”
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nandun si Lianne malapit sa gate. Mukhang hinihintay si Jake.
“Oh sorry, kailangan ko nang umalis. See you!” Kumaway sakin si Jake at naglakad palapit kay Lianne.
“—to my brithday..” pagpapatuloy ko sa sasabihin ko sana.
Pinanood ko na lang ang likuran nya na naglalakad palayo sakin hanggang sa mawala sya sa paningin ko.
Hindi na naulit yun dahil busy na ulit kami.
Parehas na kaming naging busy dahil parehas kaming working student.
Ilang years na rin syang hindi pumupunta sa bahay, kahit na magkalapit lang kami ng bahay ay hindi ko pa rin sya nakikita sa amin.
We’re so busy.
Yeah.
So dumating na nga sa point na, nagkahiwalay kami.
After 4 years of college, we graduated.
At ang pinakamalungkot nung graduation ko.
Yung mag-isa lang akong pumunta sa stage.
My Mom died when I was in 2nd year college. Wala na rin ang papa ko dahil namatay ito sa sakit bago pa ako magkaisip.
Sumama din ang loob ko nang hindi man lang pumunta sa libing ni Mama si Jake dahil nasa vacation sya kasama si Lianne. Sinubukan ko pa syang pilitin nun na pumunta pero hindi daw sya pinapayagan ng girlfriend nya.
So I endured it all, alone.
Mag-isa lang akong anak, kaya mag-isa na lang din ako.
2 years had passed when my Mom died and I learned how to be an independent woman.
I worked hard for my future, for my dreams and goals in life.
Ngayong graduating na ako, kailangan ko nang magtrabaho pa lalo.
“Earl!”
Napatigil ako paglalakad sa hallway palabas ng school at nilingon ang tumawag sakin.
Si Jake.
Humarap ako sa kanya hawak-hawak pa rin ang certificate ko as a graduated college student.
“Jake..”
When I looked at his face.
Nagmatured ang mukha nya.
Ngayon ko lang napansin na marami pa lang nagbago sa kanya. Medyo nalungkot tuloy ako dahil hindi nya ako kasama nun habang paunti-unti syang nagbabago.
“Congrats..”
Nagulat ako nang bigyan nya ako ng isang bouquet of flowers.
“Flowers for you..” he smiled shyly at me
Ngumiti ako sa kanya.
“Thank you, congrats din sayo. Wala kong regalo eh sorry.” Sabi ko.
“No need, I’m happy for you, you’re so strong, you’re still beautiful as flowers…bespren..”
Natigilan ako.
After 2 years, I heard that again from him.
Natawa ako.
“Yeah, thanks.”
Ang awkward.
2 years na rin ang lumipas simula nang hindi ko na sya kinausap dahil mas lalo akong naging busy para buhayin ang sarili ko.
“Jake!”
Hindi na ako nagtaka nang makita si Lianne na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin ni Jake.
Tumingin ako sa paanan ko.
“Waahh! Graduated na tayoo!” Masayang niyakap ni Lianne si Jake.
Tiningnan ko ang certificate na hawak ko.
Nakakalungkot din na hindi man lang nakita ni Mama ‘tong hawak ko.
Hindi nya rin naisabit sakin ang medal na nakasabit sa leeg ko.
Hinawakan ko ang medal ko at tumingin sa kanan ko kung saan ang malawak na field na nasa gitna ng university.
Now, maybe this is the time I need to let go.
I look at Jake.
I smiled at him.
“Mauna na ako.” Yumuko ako kaunti at tinalikuran silang dalawa tsaka naglakad palayo.
That time is the time I started to forget about him..
I realized, I need to settle.
I will never look back to him again.
Because it’s time to let go…
“Ma’am, nandito na po.”
“Ah, salamat. Bayad po.”
Inabot ko ang bayad ko tsaka bumaba.
Agad akong naglakad papasok sa wedding hall, hinanap ko kung saan ang kwarto kung nasaan ang bride.
Agad kong nakita ng kwarto kung nasaan si Lianne dahil dinudumig yun ng mga kababaihan.
“Excuse me, excuse me.”
Nakipagsiksikan ako para makapasok.
Nang makapasok ako ay nakita ko sa loob ang oraganizer ng wedding event na bestfriend ko si Jen.
“Earl! Kanina pa kita hinihintay! Akala ko malelate ka na!”
Ngumiti ako at nag peace sign.
“Eto na yung bulaklak oh, kagaya ng request mo.”
“My ghad! Buti na lang talaga at nandyan ka! Akala ko wala nang mahahawakan na flowers ang bride habang naglalakad sa aisle. Wait ibigay ko na nga sa kanya.”
Tinalikuran ako ni Jen at naglakad papunta sa bride na nakatalikod sa direksyon ko.
Sinundan ko ng tingin si Jen, nakita kong lumingon sa kanya ang bride at ngumiti sa kanya.
Ang ganda talaga ni Lianne.
Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Jen kay Lianne para mapatingin sakin si Lianne.
Nakita kong natigilan sya sandali bago sya ngumiti sakin.
“Earl? Wow, long time no see!”
Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
“Oo nga eh, ang ganda mo naman.” Sabi ko.
Natawa sya.
“Sus! Hindi naman! By the way, invited ka pala?”
Umiling ako.
“No, bestfriend ko kasi yung organizer ng event si Jen.” Tinuro ko si Jen.
“Oh, oo nga pala, salamat sa bouquet.”
“Ayos lang. You’re welcome.” Sagot ko.
“Ah oo nga pala miss Lianne, mag-start na ang wed mo, magprepare na tayo.”
“Oh my god, I’m so nervous.” Tumayo si Lianne at naglakad palabas ng kwarto.
Sumunod naman ako dahil gusto ko ring mapanood ang wedding event.
This is my first time to watch a wedding event.
Pumunta kami sa wedding hall at agad akong umupo sa isang table na nakakalat sa paligid.
Ilang sandali pa ay nagsimula ang wedding event, nagsimulang tumugtog ang music theme ng event.
Napatingin lahat sa pintuan nang bumukas ang ito.
Nagpalakpakan lahat nang magsimulang maglakad si Lianne sa aisle.
“Woohhh!”
Napatingin ako sa may kabilang table.
Agad kong nakilala kung sino ang mga yun, sila ang mga barkada ni Jake nung college kami. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero namumukhaan ko sila.
Nang mapatingin ako sa may altar..
Nandun si Jake.
Nakangiting naghihintay kay Lianne na naglalakad palapit sa kanya…
That time.
Lianne became the most beautiful flower for him.
I felt relieved.
Because he’s happy now.
So I’m happy for him.
END
THANKS FOR READING<3 Wattpad acc: Rosemei28






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top