Break up


Author:Lazy Crimson
‘Mag usap tayo.’
Iyon agad ang bumungad kay Shella pagka-open na pagka- open niya ng kanyang cellphone na ikinagulat nito. Text ito galing sa kanyang boyfriend na si France. Mag usap? Bakit kailangan nilang mag usap? May ginawa ba siyang mali?
Patuloy siyang nakatingin sa text nito habang nag iisip siya ng dahilan kung bakit kailangan nilang mag usap. Sa pagkakaalam niya ay wala naman silang pinag awayan o baka naman…
Agad na sumikip ang dibdib niya dahil sa kanyang naisip. Makikipag hiwalay na ba siya? Nakahanap na ba siya ng iba?
Biglang bumuhos ang kanyang luha at mas lalong humapdi ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Halos hindi na sila nag papansinan dahil sa pareho silang busy sa kanilang schedule, isama pa na nag pa-part time job pa ang kanyang boyfriend kaya malimit niya itong makasama.
Shinut down niya ang kanyang cellphone para hindi siya matawagan ni France parating na ito maya-maya at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Haharapin niya ba siya o hindi? Basta ang alam niya ay ayaw pa niya, ayaw niyang tapusin ang relasyong pinagsamahan nila ng limang taon. Bago pa siya makapag isip kung anong gagawin ay nakarinig siya ng pagkatok sa pinto.
“Shella pinapasok na ako ni mama mo, nandyan ka ba? Papasok na ako” bago pa siya makapagtago ay binuksan na agad ni France ang pinto at naabutan niya itong naka upo sa higaan habang umiiyak. Nag aalala siyang tumakbo sa direksiyon ng babae.
“Why are you crying? May nanakit ba sa’yo? May masakit ba?”nag aalalang tanong ng kanyang nobyo habang nakaluhod ito sa harapan niya pero hindi siya nito sinagot at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.
“Baby ko, tell me what’s wrong” nag mamakaawang saad ni France at hinawakan neto ang baba ng nobya at iniharap ito sa kanya. Nakita niyang namumugto ang mata nito. He wipes her tears using his thumb it pains him to see her crying.
Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Shella muntikan pa siyang matumba sa pagkakaluhod niya. Rinig niya ang kanyang hikbi, niyakap niya ito ng mahigpit while gently caressing her...


back. Siniksik ng dalaga ang ulo nito sa leeg ng kanyang jowa, kumalma ito ng kaunti ngunit naririnig parin nito ang kanyang hikbi.
“Tell me, anong problema?” Tanong ni France pero parang nagsisi siya sa kanyang tinanong ng lumakas muli paghikbi ni Shella. May ginawa bang mali ang nobya niya?
“France ayoko pa…ayoko! Ayokong makipag hiwalay please huwag mo kong iwan” hagulgol ng dalaga napakunot ang noo ni France. The hell? Hiwalay? Anong hiwalay? Ba’t siya makikipag hiwalay? Pilit niyang inalis ang pagkakayakap ng dalaga at hinirap ito sa kanya.
“Idiot. Saan mo nasagap ang fake news na ‘yan?” Tanong niya na ikinalito naman ni Shella.
“Huwag mo nga akong pinagloloko! Nasa text mo ‘mag usap tayo’ hindi ba’t ibig sabihin ‘non gusto mo kong kausapin dahil makikipag hiwalay ka na?!” Saad ng dalaga na nagpatanga sa binata. Ewan ba niya kung matatawa siya dahil iba ang nagets nito sa kanyang text o magagalit siya dahil wala itong tiwala sa kanya?
“Mali ang pagkakaintindi mo. I want to talk to you about your grade in your Math test. Masakit sa mata ang puro ekis sa papel mo, nag review naman tayo ha,” mahinahong sambit niya habang pinupunasan ang mga luha ng dalaga gamit ang kanyang hinlalaki.
“Iyon ba ‘yon?” tanong ni Shella at suminghot. Hinawakan ni France ang kanyang pisngi at mahinay niya itong hinaplos.
“Of course. I love you so much, why would I ever break up with you? Binaliw mo ako sayong babae ka kaya mas mababaliw ako kapag nawala. Pag nakipag hiwalay ako sayo hindi na kita mapagdadamot, hindi ka na akin at ayoko ko ‘yon akin ka lang . I love you so damn much. Papayag lang akong maghiwalay tayo pag sinabi mong ayaw mo na sa’kin. I’ll set you free, your happiness is my happiness” malumanay na saad ni France, kinilig to the bones naman ang dalaga dahil sa sinabi ng kanyang nobyo at mas lalo pa siyang kinilig ng halikan neto ang kanyang noo. Tumagal sila sa ganoong posisyon, her on his lap hugging him.
“Now get off me. Tumutulo na ang sipon mo”
©Lazy Crimson






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. when do I deserve yo be loved also?😢😢😭😭

  2. sana all ganyan😢😭

  3. Ito na ba Ang part 1

Leave a Reply


top