Mafia boss missing wife – Twenty tree


by: Gail Montenegro

“Anong nangyare sa mga ipinapagawa ko sainyu?” bagot na tanong ni clark sa kanyang mga tauhan habang hinihilot hilot ang sariling sentido
“boss… matindi magtago si mr yuraki mukhang hindi po sya lumalabas sa lungga nya kaya mahirap mahanap boss” sagot ni jimmy
“boss may lead ako kung nasaan sya! isa sa mga kasama ko ang nakakita sakanya ,pero ngayun pupuntahan kopo at ikuconfirm” sagot nman ni edwin
biglang bumangis ang itchura ni clark saka tumitig sa mukha ni edwin “bilisan mo, dahil hindi na ako makapaghintay pang makaharap sya” galit nyang wika dito ,hanggang ngayun ay hindi pa nya maintindihan kung bakit nagawa syang traydurin ng ganito ni hutshimoto gayung naging mabuting kaibigan nman sya dito since college “malalaman ko ang sagot sa mga katanungan ko kapag nakaharap na kita yuraki ,kulang pa ang buhay mo sa lahat ng kagaguhang ginawa mo sa buhay ko.” ani ni clark sa isipan ,tinanguan nya ang kanyang mga tauhan at nagsipulasan nman ang mga ito’t nagsilabasan maliban kay edwin
“boss!” tawag ni edwin sa amo
“bakit?” kunot nuo nyang tunghay dito
“kailan ko po kasi ng pera ,magpapadala po sana ako sa———”
“kumuha ka kay jimmy” mabilis na sagot ni clark dito
“thank u boss ,aalis na po ako” paalam nito at tinungo ang pintuan
sinundan nya ito ng tingin habang paalis ,sa lahat ng mga tauhan nya si edwin ay naiiba parang palagi nitong kailangan ng pera gayung kaylaki ng ipinapasahod nya sa mga ito ,mula sa pintuan ay si jimmy naman ang sumunod na pumasok
“boss may bisita po kayu!”
“sino?”
“si sasha po!” sagot nito
dahil sa narinig ay mabilis syang tumayu at kaagad na tinungo ang mansion.
———————————————————————
pagkagising ni bella ay kaagad hinanap ng kanyang mga mata si clark nang makumpirmang wala ang lalaki sa loob ng kanilang silid ay bumaba sya ng kama saka tuluyang lumabas ,pababa sya ng hagdanan ng napansin nya ang isang babaeng galit na nakatitig saakin “sino ka…?” salubongang dalawang kilay nyang saad dito
tinignan ni sasha mula ulo hanggang paa ang babaing kaharap nya ngayun bago pinakatitigan ang mukha nito hindi maikakailang mas bata ito sakanya pero mas malandi sya, inirapan nya ito sabay wasiwas ng buhok patalikod dito “hindi ikaw ang kailangan ko!!!” maarte nyang saad dito at muling naupo sa kalapit na sofa
“ano pala ang kaylangan mo?” malumanay na tanong ni bella ,ngunit hindi sya inimik ng babae ,ng makita si clark papasok mula sa pintuan ay kaagad nya itong nilapitan pero inunahan sya ng babaeng bisita
“honey….i miss you!!!” wika ng babae at yumakap pa sa leeg ng asawa ko ,kitang kita ko kung paano nito halikan sa labi si clark
dahil sa pagkabigla ay pahablot na tinanggal ni...


clark ang mga braso ni sasha saka ito patulak na binitawan na kamuntikang nitong ikatumba “what are you doing here????” sungat nya sa babae
“i’m here because of you ,honey pinalamig ko lang naman ang ulo mo kaya ako umalis pansamantala ,ngayun bumalik na ako namiss muba ako hmm..” nakangiti nitong saad kay clark sabay haplos sa mukha nito
nagbabadya ang mga luhang pilit pinanuod ni bella ang dalawa hanggang sa balingan sya ni clark ,mahigpit nitong hawak ang pulsuhan ng babae hanggang sa mamilipit ito sa sakit
“aaah clark nasasaktan ako!!!” impit na saad ni sasha habang pasakit ng pasakit ang pagkakahawak ni clark sa kamay nya
“nasasaktan nay maharot parin” bulong ni bella sa isipan “clark!!!!” pukaw nya sa asawa ,mukhang hindi nito alam ang ginagawa dahil nanatili itong nakatingin sakanya
doon lamang natauhan si clark ,ibinaling nya ang paningin kay sasha at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak “lumayas ka sa pamamahay ko at baka hindi kita matansya” bulong nya dito saka pasalyang binitawan nawalan ito ng balance kaya paupong bumagsak sa lapag
“pagkatapos mokong pagsawahan!!!!, parang basura mo nalang akong basta lang itatapon…” sigaw nito habang tumatayo “wala kang buto clark ,kinaylangan mulang ako para sa masakit mong puson.” lumuluha nitong saad bago pasulyap na tumingin sa magiging reaction g asawa nitong si bella ,nang masatisfied sa nakikitang sakit na nakabalandra sa mukha ng babae ay muling binalingan ni sasha si clark at mag sasalita sana ulit ngunit hindi nya na nagawa dahil sa takot ,madilim ang mukha at nakakatakot na ang itchura nito ,nagsimula itong maglakad palapit saakin kaya mabilis akong tumalikod at patakbong tinungo ang malaking pintuan hanggang sa tuluyang makalabas , nang malapit na sa tarangkahan ay muli nyang tinignan ang kabuuan ng mansion ni clark at pahalukipkip na napangisi “sirang sira ka ngayun sa asawa mo!” ani ni sasha sa sarili bago tuluyang tinungo ang gate ,malagkit syang tinitigan ng mga tauhan ni clark kaya nagflying kiss pa sya sa mga ito saka nakangiting lumabas ,sumakay sa naghihintay na sasakyan bago humarurot paalis…….
napapikit na lamang si clark dahil sa eksenang ginawa ni sasha ,sobra sobra ang dramang ginawa nito samantalang hindi nman nya ito pinagsawahan ilang beses lamang nya itong nagalaw kung tutuusin wala pang tatlo beses ,rinig nya ang mga yabag ni bella paalis kaya sinundan nya ito “baby….” tawag nya dito ,hinawakan nya ang palad nito ngunit iwinaksi iyun ni bella ,walang anumang salitang lumabas sa bibig nito tuloy tuloy itong naglakad paakyat sa hagdanan kaya wala syang nagawa kundi ang panoorin lamang ,huminto ito sa kalagitnaan ng hagdanan lumingon at masakit na tumitig saakin habang bumabagsak ang mga luha nito ,isang malakas na hikbi ang lumabas sa bibig nito bago sya muling tumalikod at tuluyang umakyat paalis.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. saidamen sangca

    nasaan na yun iban part.

Leave a Reply


top