The Broken Angel Fourteen


The Broken Angel🌻
Fourteen:
Sa pagmulat ng aking mata ay uhaw agad ang aking naramdaman, pakiramdam ko ay hindi ako uminom ng tubig ng isang taon, kahit na masakit ang aking katawan ay ginawa ko ang lahat para lang makakilos, napadaing ako dahil sa sakit.
“Doc, my wife is awake.” Pumikit ako ulit ng lumabo ang aking paningin at dumilat ulit.
“Angel.. sweetheart” May mainit na bagay na dumampi sa aking kamay, kumunot ang aking noo at natulala, inilibot ko ang aking paningin at ngayon ko lang natanto na nasa Hospital pala ako.
“How’s your feeling? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sa iyo?” Tiningnan ko ang lalaking nababalisa sa harap ko, iniwas ko ang aking kamay galing sa pagkakahawak niya.
“Who are you?”
“It’s me..Your husband.”
“Huh? Hindi kita kilala.” Napamaang naman ito at napakagat ng labi, napaatras siya ng isang hakbang at tinitigan ako gamit ang kanyang nasasaktang ekspresiyon.
“How are you feeling?” Kaagad lumabas ang lalaki sa kwarto ng dumating ang mga Doctor.
“I’m fine.”
“May masakit ba sa iyo?” Umiling ako sa kanila, they even checked me out kung okay lang ba ako.
“Ilang oras na akong nandito?” Tanong ko.
“You were confined for almost five months. Galit na galit nga sa amin ang asawa mo dahil sa nangayri but we’re thankful that your fine.” Nagulat naman ako sa sinabi niya, magli-limang buwan na pala ako dito. That long?
“Lalabas na muna ako at babalik ako kapag naayos namin ang examine mo.” Aniya.
Bumalik ako sa pagkakahiga at bumalik ang lahat ng ala-ala ko, ang paghabol sa akin ni Tito at ang pang-aabuso niya sa akin. Hanggang doon lang ang aking naalala. Bumukas ang pinto hudyat na may pumasok at nakita ko ulit ang lalaking nagsasabi na asawa ko. He looks so gwapo and very hot, ang mukha niyang napakaperpekto ang malaki niyang katawan, maugat din ang kanyang kamay at ang sarap haplusin.
“Bakit ka andito?” Tanong ko sa kanya.
“I told you I am your husband.” He coldly answered.
“Bakit wala akong sing-sing?” Ganun ako kalandi? Bakit wala akong naalala na naging boyfriend ko?
“I mean soon to be husband. I am your boyfriend and we’re planning to get married… depends on you.”
“Bakit wala akong maala?”
“I’ll ask the doctor later about your situation.” Aniya.
Imposibleng pumatol sa akin ang lalaking ito, para siyang isang artista. Naghahalikan na kaya kami? May nangyari na kaya sa amin? Sinuko ko ba ang bataan?
“Virgin pa ba ako?” Walang hiyang tanong ko, nagulat naman siya sa sinabi ko, akala ko ba ikakasal na kami? Dapat nasanay na siya sa ugali ko.
“Yeah.” Tumikhim siya at umiwas ng tingin na tila nahihiya.
“Ngayon gusto mo subukan natin?”
“Ang alin?” Tanong niya.
“Total ikakasal lang naman tayo bakit hindi tayo magyug-yugan?” Nagulat siya sa tanong ko, napalunok siya at tiningnan ako ng masama.
“Tsaka na pag magaling kana.” Kinagat ko ang aking labi at tinitigan siya gamit ang nakaka-akit na mata.
“Knock..knock..”
“Come in.” Pumasok ang isang doctor, yung kanina at tsaka pumunta sa kama ko.
“Bakit hindi niya ako naalala?” Tanong agad ni Kuya.
“Hanggang saan ba ang naalala mo?” Tanong sa akin ng doctor.
“Naalala ko lahat mula ng bata pa ako hanggang sa naaksidente ako ngunit wala akong naalala na may asawa o nobyo.” Malamig kong sagot,...


sinulyapan ko ang lalaki at pinagtaasan ng kilay.
“If that the case, you have selective amnesia. Kung sinong tao ang huli mong iniisip siya ang makakalimutan mo.” Nagulat na lang ako ng kumabog ang pinto ng napakalakas para bang galit na galit ito.
“Im sorry.” Saad ko.
The truth is wala akong amnesia, naalala ko ang lahat sinubukan ko lang mag-acting hindi ko naman alam na maniniwala sila. Siguro dahil nabundol ako ng kotse ay kadalasan ang nabubundol ay nagkakaroon ng amnesia.
“Kapag nakita mo ang asawa ko sa labas, papasukin mo po, please.” He only while still confused.
Paglabas niya ay tahimik akong nag-iisip, maybe Its for me to tell Dimetri about the truth. Kaya lang naman ako hindi handa sa pagpapakasal ay dahil sa Tito, kaya kahit mahal ko siya ay hindi ko sinabi at inilihim ang nararamdamam sa sarili dahil natatakot akong masaktan.
What if kapag sinabi ko na ang nakaraan ko ay iiwan na niya ako? Sino nga bang magmahal sa akin? Pakiramdam ko kaya ako minahal ni kuya dahil akala niya ay inosente ako, na bata pa ako at walang alam sa mundo. Siguro ganito ang nararamdamam ni Tito, natatakot siyang maiwan.
Natatakot ako na kapag sinabi ko ang totoo ay iiwan niya ako at ipagpalit sa Iba. Mayaman siya, gwapo at maraming babae ang nagkakagusto sa kanya samantalang ako isa lamang palamunin.
“Why are you crying?” Hindi ko namamalayan na umiyak na pala ako, lumapit siya sa akin dahilan upang yakapin ko siya.
“I’m sorry, nagbibiro lang ako, wala akong amnesia at wala akong balak na kalimutan ka.” Hinaplos niya ang likod ko at pinatakan ng halik ang aking buhok.
“Hindi ako galit.” Saad niya.
Hindi siya galit? Kaya pala muntik na niyang sirain ang pinto kanina sa lakas ng pagsirado niya.
“Angela, just like before hindi kita pipilitin na sasabihin ang nakaraan mo. Pero Sino ba ang taong naging dahilan ng aksidente mo? Bakit ka niya hinahabol?” Napapikit ako sa tanong niya.
Gusto ko mang itago ngunit siguro ito ang pinakamainam na gagawin ang sasabihin ang katotohanan. If ever he will leave me and find another girl I probably die in pain but I will respect him, I will support him even it’s killing me.
“Siya ang kapatid ng aking Ina.”
“Hmm…and why is chasing you?”
“He wanted me to be home. Gusto niya akong iuwi.”
“He shouldn’t chase you and why are you running away from him if he is your Tito?” Bakit ako tumakbo palayo kay Tito? Dahil ayaw kong bumalik sa mala- empyernong buhay, ayaw kong makulong ulit, sawa na ako sa kakaiyak.
Bakit Kung Sino pa iyong dapat na mag-aalaga at magmahal sa atin ay sila pa ang nananakit? Bakit kaya nilang tingnan tayo na nahihirapan?
“I don’t wanna be a prisoner.” Sawa na akong nakakulong sa dilim.
“What do you mean?” Handa na akong aminin sa kanya ang lahat.
(Akala niyo may amnesia na si Angela noh? Totoo po ang selective amnesia according to google. Anyway, tanong ko lang po, may mga manunulat po ba dito na ang kanilang kwento ay may spg? Kung meron po, let me know. May isang chapter kasi ako na spg at alam ko namang bawal ang ganoon dito. Paano ko po maipost? Anyway, baka hindi ko na lang isasali. Next chapter na lang ang didication.)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top