THE MANSION


THE MANSION”
Dumating kami Nina Nanay, Tatay at Bree sa labas Ng Isang malaking Bahay ay hindi na Pala ito Bahay Isa na itong mansion. Ok na sana kaso gumagalaw Ang mga dahon Ng mga Puno sa paligid kahit Wala namang hangin. Sa palagay ko haunted na ito. Huhuhu wag naman ‘sana.
“Nay, Tay ito na Po ba iyon?”tanong ko kina Nanay at Tatay. Tumango Naman silang dalawa.
“Nay, Tay ito na Po ba Ang Bahay na sinasabi mlninyo na polinamana ni Lola sa atin?” Tumango naman Sina nanay at Tatay nilang sagot “Ang Ganda Po Dito” masayang Saad ni Bree Ang bunsong kapatid ko.
“Nay bakit pa Po Tayo NanDito? Pwede Naman pong mag check in Muna Tayo sa hotel?” May pag-asang tanong ko
“Ede mag check-in ka dun mag-isa alam mo namang Wala tayong pera, may pa check-in check-in ka pang nalalaman Jan. Simula Ngayon Dito na Tayo titira sa mansion Ng Lola ninyo, binigay Niya ito saten Bago pa Siya Mamatay kaya ipagpasalamat nalang naten na may matutuluyan Tayo sa pang-araw Araw.” Mahabang Saad ni nanay
Nanlumo ako at sumunod na sakanila papasok pero bigla akong napahinto nang may makitang ginang nakatayo sa malapit sa swing. Pinuntahan ko ito at tatanungin sana kung ano ang ginagawa niya dito.
“Mag-iingat ka d’yan iha, bawat tunog may kapalit, bawat galaw ng mga gamit may kapalit. Mag-iingat kayo d’yan”naka ngiting saad ng ginang at tinignan ko sina nanay at binalik sa ginang ang paningin kaso wala na ito dito.
‘saan naman kaya yun pumunta? At paano niya nagawa yun?’ naguguluhan na tanong sa isip ko.
Pumasok na kami at pagkapasok namin ay makalat at halata talagang di na gamit o na linisan nang ilang taon ang bahay. May mga tilang puti na naka takip sa mga gamit.
“Pumunta na muna kayo sa magiging kwarto ninyo mga anak. Ang kwarto mo Bree ay nasa dulo tapos sayo Weng sa tabi ng kwarto ni Bree” saad ni Nanay
Tumango tango nalang kami at sumunod na lang sa kanya. Pumunta kami sa magiging kwarto namin at naghiwalay na nga kami dahil magkaiba ang kwarto namin.
Madaming puting tela na naka balot sa mga gamit. Kinuha ko ang lahat nang yun at nakita ang ganda ng kwarto kaso nga lang ma alikabok at ang mga bintana ay madumi.
Pinagpag ko ang mga tela at tinupo kasi lalabhan ko nalang iyon mamaya. Pagkatapos ko ay nilinisan ko na ang mga alikabok at pati na din ang bintana. Pinalitan ko na din ang kurtena ng kulay puti dahil mukhang marumi na ang kurtena nito.
Pagkatapos ko nang linisin ang buong kwarto ay maganda na itong tingnan. Maaliwalas at mabango. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa banyo para maligo.
Natapos na ako at pumunta na sa kusina para ma tignan kung nagluluto na si nanay para ma tulungan ko na din siya. Sakto nga ang pag dating ko sapagkat nag luluto na ito ng aming makakain.


/> Fast Forward
Natapos na kaming kumain at pumunta na sa sarisariling kwarto. Dahil na bored ako ay tinawagan ko si Aina best friend ko. Sinagot niya din ang tawag maya maya.
“Oh bes napatawag ka?”tanong niya sa kabila
“Wala lang bored lang ako at nag-iisa na din ako kaya wala akong magawa. Tulog na din ata silang lahat eh” saad ko
“ahh ganon ba? Kamusta pala ang bagong tinitorhan niyo?” Saad niya
“Ito okey lang pa naman tas ang tahimik dito tas maganda ding mag-aral dito dahil sa katahimikan” saad ko naman
Hindi ako naka tanggap ng tuggon mula sa kanya kaya tiningnan ko ang screen ng cellphone ko para malaman kung nandiyan pa siya. Nandiyan pa naman siya kaya binalik ko nalang sa tenga ko ang cellphone
“Bes, okay ka lang ba? Bat ka biglang tumahimik.” Sabi ko
“Sure ka bes na ang tahimik jan? Parang may pa party pa nga jan eh, ang ingay ingay kaya” saad niya kaya biglang tumayo ang mga balahibo ko.
“Oi wag ka namang magbiro ng ganyyan ohh, di naka tawa bes” saad ko kinakabahan na ako
“Yun ba? Ay bes bukas naman uli matutulog na ako baka pagalitan nanaman ako ni mama mamaya, sige bess good night sweet dreams, i love you!” At pi atay niya na ang telepono
Matutulog na sana ako dahil medyo inaantok na din ako nang biglang may kumatok bangon ako at…
“Ma ikaw ba yan? Matutulog napo ako. Ano po ang kailangan ninyo?” Pag bukas ko ng pinto wala naman akong taong nakita kaya napakamot nalang ako ng batok ko at bumalik na lang ulit sa kama ng biglang kumatok ulit
“Bunso ikaw ba yan? Di ka na kakatawa.” Saad ko at binuksan ulit ang pinto kaso wala namang tao kaya naantok akong bumalik sa kama at hihiga na sana ako ng kumatok nanaman ulit.
“Ano ba! Inaantok na ang tao pinaglalaruan ninyo pa ako! Magsitulog na nga kayo!” Nagtaas na ang boses ko dahil sa ireta.
Kaso kumatok nanaman at di ko na pinansin matutulog na sana ako ng kumatok nanaman ito tapos tatayo na sana ako ng biglang nakaramdam ako ng kaba na di ko alam kung saan nanggagaling at biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ng ginang na Bawat Tunog may kapalit kaya dali dali akong pumasok sa ilalim ng kama at biglang bumukas ang pinto.
May mga paa’ng pupunta na sa kama at tumayo ng mga ilang minuto. Mga maya maya pa umalis na ito at sinarado na ang pinto. Ang mga bakas ng paa nito parang mga dugo.
Umalis na ako sa ilalim ng kama at tinignan ang pinto kahit alam kung di ko naman siya makikita dito pero biglang natigilan ako ng may biglang kumalabit saakin.
Nanlamig ang mga kamay ko dahil sa takot at namumutla na ako. Unti unti akong lumingon at nagulat ako sa nakita kung meron na pala siyang iba!
Work of fiction
Writter by:binibing_ycat
happy april fools month






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top