Typo


Typo
Author/Writer/Written by: Mareng Willy❤️‍🔥🥀
Genre:Comedy
Sigh..here i am…nagwi-wish na sana makidnap ako ng mafia boss..
teka..kung tumingin kaya ako sa relo ko? Tas may biglang hahablot saken tas, tas! Teka..wala nga pala akong relo.
Puta naman oh! Kailan ba ako makakahanap ng poging mafia boss..yung gusto nya akong pakasalan..yung sasabihin nya
“Elyshia, you’re mine only! Mine” tas susuulin ako ng halik tas alam mo yon magrarak-rakan na, na parang ganon..gets mo ba?
Nandito parin ako nakaupo sa gilid ng kalsada..
Nakaupo ako ng biglang may..
Tumulak saken..at..nahulog ako…
.
.
.
Wait lang, diba pag gantong may tutulak may biglang sasalo sakin na pogi tapos sya yung pangalawang bida, yung mag kakagusto sya sakin pero may mahal akong iba? Yung malulungkot, mabobroken hearted ganon? Teka wait kinikilig ako! Tapos sasabihin sa bida na..
“Protektahan mo sya.. pag sinaktan mo sya di ko lang alam ang magagawa ko sayo. Tandaan mo kaya ko syang agawin sa panahong sasaktan mo sya” tapos sabi naman nung bida which is bebe ko..
“Ha! Wag ka ngang magpatawa, as if naman sasaktan ko sya, At pati hindi mo sya kayang agawin saken! Hindi mo rin ako kayang talunin. In your dreams bro.” Ganon tas mayabang pa yung tono nya. (Happened in 0.07 seconds.)
Omigad! iisipin ko palang kinikilig na ako sye- teka nahuhuhulog ako sa kanal ngayon diba? WAIT WALA BANG SASALO SAKIN?! …
Few minutes later…
“Hoy! Elyshia bat ganyan etchura mo?!” Sigaw mg nanay ko sakin.
“Eh, kasi nay may hinihintay ako eh..” malungkot na sabi ko.
” Sino naman yan! Tignan mo nga! Amoyin mo sarili mo,Basang Basa ka! Tapos amoy Kobeta ka na may amoy ng ihi at tae na hindi Binuhusan!”
“Nay naman, kalma lang chill..ang tinis ng boses nyo… Sabi nga ni isko diba.
“Don’t panic, It’s organic!” Sabay naming sigaw ni nanay.
Fan na fan ni isko napangiwi naman ako na makita mukha nya, Ngiting ngiti tapos wala ng dalawang ngipin sa unahan.
” Nay, nililinis nyo postiso nyo? haha! Ang panget nyo talaga pag walang Ngipin sa unaha-” napatigil ako sa pag sasalita ng binato ako ng tsinelas ni mama at pinulot yung walis tambo na nakalagay sa gilid.
“ARAY! NAY, SORRY NA! ANG GANDA NYO! AH!” patuloy parin sya sa pag hampas ng walis tambo sakin.
Bigla naman kami nakarinig ng katok na nagmumula sa Pinto at napatigil sa aming ginagawa.
Sino kaya yon?
Lumapit si nanay sa may pinto at binuksan.
” Ano hong kailangan?” Magalang nyang tanong.
Biglaang tumawag sa akin naman si nanay at sinabing” Elyshia may naghahanap sayo!” Panigaw nya.
Naglakad ako papunta at nakita ang dalawang tao na naka suit at may shades pa na kulay black.
Ano to? Kukunin ba nila ako para sa boss nila? Para legalin kaming dalawa?
“Hello po maam!” Sambit ng matangkad na lalaki at ngumiti na labas ng ngipin.
Ay,jusko! Sponsor ba sya ng colgate? Ang puti ng ngipin! Pwede nang gawin ilaw sa bahay! Nakinang pa!
“Ano hong kailangan nyo?” Tanong ko.
Umalis naman si nanay at tinignan ako ng pagkaseryosong-seryoso.
“Ah maam kasi..”sabi ng isang isang lalaki pa.
Hala!eto na! Eto na! Omigad Kukunin na nila ako para maging asawa ng mafia boss para kunware kasal kami tas may pa contract contract pa! Na nakalagay na “rule no. 4 don’t fall in love with me.” Tas titingin ako sakanyang may patanong na mukha at sasabihing nyang “Don’t worry, im confident that I won’t ever fall in love with you.” Ganon pero sya rin naman pala unang mahuhulog sakin!
“Ah ma’am..”
“Yung nanay nyo ho kasi um-order sa shopee na worth 17,000 pesos sabi kayo daw ho ang magbabayad” at ngumiti ng pagka ganda ganda.
Puta? Ano to?
“Teka pre, naaamoy mo ba ang naaamoy ko? Ang baho amoy cr na hindi binuhusan ng ilang taon.”sambit nya.
“Oo, pre kanina ko pa naaamoy yan ang baho.” Pabulong na sabi nila. Pero sapat na marinig ko lang.
Ay oo nga pala di pa ako naliligo.
Pero putek,ano yon 17, 000 pesos nayan?! Napakalaki naman! Hindi namansa walang pera ako pero..!
Nagtitimpi ako sa galit ngayon nalaman ko na shopee lang pala.
Puta? Bat sila naka men-in black? Nakashades pa ang mga deputa!
“Sige ho mga kuya sandali lang.” Sabi ko at pumunta sa kwarto para kumuha ng pera.
“Ayun! Nawala na yung Amoy!” Sigaw nung matangkad
“Oo nga no?” Sabi nung isa at nag sisisinghut pa.
“Nice!” Sabay nilang sabi
Ang mga deputa.
Tinignan ko ng seryoso si nanay na nagkukunwaring may hinahanap na nawawalang bagay at sinasabi pang “nasan na kaya yun? Nandito lang yun kanina eh…”na pasilip silip pang tingin sakin.
Ang nanay kong magaling lang umorder sa shopee na di naman kayang bayaran.
Pumunta na ako papunta sa kwarto at kinuha ang wallet ko...


para bayaran ang mga deputa.
Siguro wala na talagang mag kikidnap sakin na mafia boss para pakasalan sya huhu…
Lumabas na ako at binigay na ang mga bayad sa kupal…
“Teka mga kuya! Bakit nga pala kayo naka suit at naka shades pa! Pwede namang t-shirt nalang at pantalon” tanong ko.
Ngumiti naman yung isang matangkad na lalaki, syet ang pogi nya be..
“Ah ma’am gusto ko kase ng boss namin pormal suot namin pag naorder kayo kasi future asawa nya daw po kay-” agad namam syang napatigil ng marealize nya ang sinasabi nya.
Ha? Ano daw? Asawa? Nino? Ako?
Nagkatinginan naman sila sa isa’t isa at tinaas ng isang lalaki yung daliri nya at winawagayway na parang bata at sinasabing “lagot ka boy!”
Bakas naman ang takot ni pogi nung ginawa nung isa yon.
“Eldrick ,huy tulong naman oh magkaibigan na tayo simula nung bata pa! Ayoko pang mamatay!” Kaba nyang sigaw.
“Bala ka sa buhay mo ang daldal mo kasi!”
“Eldrick..” at hinawak hawakan pa ang braso sa pag mamakaawa
“Bala ka jan,alis na ako sasabihin kita kay boss!” At hinablot yung braso nya pabalik.
“Maam! Maam Elyshia! Please help! I don’t know what i will do if he ever knows it! Please come with me and convince him not to kill me! Please” pag mamakaawa nya.
Ay puta? Ano to di ko nga alam kung among nangyayari at pinagsasasabi nito
“Kuya wait lang……Naka drugs ka ba?”
“Maam naman eh! Syempre hindi no! Sige na maam please?” At nag puppy eyes pa ang deputa.
“Hays ! Sigi na nga san ba yan?”
Napalawak sya ng ngiti dahil sa sinabi ko.
“Opo maam! Pero wait maam, kayo po ba yung naamoy namin kanina pa?” Tanong nya.
Ay jusko! Oo nga pala!
“Ang Arte mo! Ikaw na nga lang magpapatulong , ikaw pa yung maarte sa amoy kong gunggong ka! Magintay ka nga don at liligo lang ako! Tse!”naiinis na sabi ko sakanya.
Napakamot naman sya ng ulo sa sinabi ko at sinabing “Yes maam! I’ll wait.”
“Pasok ka muna, ipasok mo muna yang box na yan!”
Kinuha nya ang box at pumasok na kaming dalawa sa loob.
Few minutes later..
Whew! Nakatapos na ako maligo! Oks na ulit ako!
“Hoy kuya tara na.”
Walang atubli pa at hinila nya ako palabas.
“Maam… Tulong pupunta si boss dito…” Maluha luha nyang sabi.
Ha? Pupunta? Dito?
“Yes ma’am,tama yang iniisip nyo..DITO…hala ma’am anong gagawin ko?” Natataranta nanaman sya.
Ilang segundo pa lamang ay may busina kaming narinig mula sa kotse.
“Kyaaaa! Ma’am help! Please!” At nagtago sa may likuran ko.
Ha ano daw “kyaaaa?” Ang Deputa,bakla ba to?
Bigla naman na may lumabas na matangkad na lalaki.
Napanganga naman ako saking nakita.
Puta mercedes benz bayan?
Mas lalo naman akong napanganga ng makita ko ang lalaking lumabas mula sa kotse.
Putangina? Matanda?! Ano to sya ba yung bo-
WAHHHHH AYOKO,AYOKO, AYOKO ANG PANGET ANG TANDA NA HUHUHU!!
May isa pang lalaki na lumabas sa kotse na matangkad at halatang bata pa.nakasuot sya ng longsleeve na black na nakafold hanggang siko nya at naka tack in sa pants nya…
Mga bhie may bukol.. ang laki…
Malayo pa sya sakin pero amoy na amoy ko na ang pabagong ginamit nya, syet ang bango..
Natural wala naman pabangong mabaho diba?
Pero ang bango talaga lalaking lalaki ang dating.
“Federick.” Napakalamig ng boses nya nakaramdam naman ako ng panginginig ng katawan.
“Where is she?” Tanong nya pero malamig paren ang tono.
“Eto boss oh..” at tinulak ako.
Ang depungal! halatang mafia nga to! Gusto ba nitong mamatay ako ng maaga?!
“The fuck?, Who is that girl I don’t even know her” sabi nya.
Ay puta pala tong lalaking to eh mga bhie di ako kilala? Ako kaya si Elyshia Fernandez ang pinaka magandang nilalang na nabubuhay sa mundo.
“Ah, boss si Ma’am Elyshia ho?” Halatang nagtataka rin tong bobong to.
“Wait, what is the address of Elyshia again?”
“Sir its ***** **** Of zambuanga.” Sabi nung driver.
” And the address of this house is?”
“Sir its ****** **** Of Zambuanga sir.” Sabi ulet ni mamang driver.
“Federick! You idiot!” Biglaang pagtaas ng boses nya na ikinagulat ko naman.
“This is NOT Elyshia Mernandez House! This is her neighbour!” napatigil naman ako sa sinabi nya.
Puta? Yung elyshia nayon? Yung kapangalan ko? Tinignan ko naman yung shopee account ko kung saan nag order si nanay.
Ay puta! TYPO! Ang nakalagay sa pangalang ay ELYSHIA MERNANDEZ HINDI FERNANDEZ!
para namang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa pagkakamali na nakalagay.
Naiimagine ko si nanay na nanonood ngayon sa bintana ay nag sasabi ng ‘Tee-hee! My bad! ”
Putangina.
.
.
.
PUTANGINAAAAAAAAAAA
The End~






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top