TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 36


“Ate Rosa, si Mama?” tanong ko. Alas otso na ng umaga at kagigising ko lang.
“Kaaalis lang kanina, Ma’am.” Aniya.
Napabuntong hininga ako.
“Kasama niya ba si Papa?”
“Hindi po, eh.”
Tumungo ako sa puno ng hagdan. Pumanhik muli sa itaas, at dumiretso sa library. Baka nandoon si Papa.
I knocked once, then, slowly opened the door. Nabungaran ko ang likod ni Papa habang hawak ang kopita at nakatingala sa isang painting sa dingding.
“Is that new, Papa?”
“Yes, hija. Come and take a look.”
I made a face. “Hindi ka ba na nahihirapan sa pag-interpret sa nakaguhit diyan, Pa? It’s just a color that splashed-”
Pinitik niya ang tungki ng ilong ko sa pabirong paraan at umiling.
“That’s what you called abstract painting, hija, palibhasa hindi mo nakahiligan ang mga painting.”
“Look closer at this one, it’s quitely exquisite.” Turo niya sa isa pang bagong collection niya.
“Nasaan ‘yong painting sa tabi ng picture ko, Papa.” Tanong ko nang mapansin kong bago ang nakalagay doon.
“Oh, that was my least favorite kaya no’ng kumuha ang Mama mo sa isa sa mga collections ko ay ‘yon ang binigay ko.”
“Bakit daw?”
“Sa pagkakatanda ko, regalo niya sa isang kaibigan.”
“Bakit painting?”
Hindi naman bago sa akin ang magregalo ng mamahalin si Mama. But curiousity kills me now.
Posible kayang…..
Nagkibit-balikat siya. “Sabi niya, that friend loves painting.”
“Who’s that friend?”
“Hindi ko na maalala. Sa dami ng kaibigan ng Mama mo, nakalimutan ko na.”
Posible kayang iisa ang painting na kila Keith? Pero paano napunta doon gayo’y sabi ni Papa na ibinigay ni Mama sa isang kaibigan? Si Tita Lucy ba ang tinutukoy niyang kaibigan ni Mama? Bakit hindi ko ito alam?
“What brings you here, hija. Akala ko ba nasa Cariño’s ka?” Pagkuwa’y tanong ni Papa.
“Oh! I forgot to ask you where mama is?”
“She is on the way to Maricela.”
“Papasok na lang ako kung ganoon. Bye, Papa.” Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi.
“Candace,” tawag ni Papa na nagpatigil sa akin sa pagpihit ng seradura.
“Yes, papa?”
“Are you happy now?” Maingat at malamyos niyang sabi.
Binalikan ko siya, at umupo sa kaharap niyang sofa.
“More than happy.” I lovingly smiled at my father.
Tinaasan niya ako ng kilay, “Who’s the lucky guy?”
Hindi ko inasahan ‘yon ang itatanong sa akin. Ganoon ba ako kahalata?
“Isa sa mga araw na ‘to ay ipapakilala ko po sa inyo, Papa. I’m sure you like him for me. He love me the way you loved Mama.” sinsero kong sabi nang nakangiti.
“I’m glad you found the right guy for you, hija.”
Lumapit ako sa kanya para halikan muli sa pisngi, at tuluyan na akong lumabas ng silid.
Mama is not here kaya pupunta ako ngayon sa Sentro.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng pantalon na maong na tinernohan ko ng itim na v-neck t-shirt, at flat sandals.
Ang totoo niyan kung hindi lang tungkol sa restaurant ang dahilan kung bakit gusto kong makausap si Mama ay baka kanina pa ako nandoon sa Sentro.
Halos takbuhin ko ang labas para marating ang kotse ko. Basang-basa pa ang buhok ko, ni hindi ko na nagawang i-blow dry dahil excited akong makarating doon. Kahit magkasama naman kami kahapon pakiramdam ko parang kulang pa ‘yon.
Huminto ako sa pagpasok ng matanaw ko siya sa table ng dalawang mag-asawang matanda. With his serious face, he gently place the food in their table.
Pakiramdam ko’y uminit ang magkabilang pisngi ko nung makita ko siya. Awtomatik na nag-play sa isip ko ang pinagsaluhan namin halik sa loob ng sasakyan kahapon.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niyang humahagod sa labi ko, at sinungaling ako kung sasabihin kong ayoko ulit mangyari ‘yon.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko.
God, Candace, ano ‘tong tumatakbo sa isip mo? Hold yourself! Masyado ka ng lulon sa mga halik niya.
Nahanap niya ako pagkatapos niyang ihain ang mga pagkain.
Lumapit siya sa akin. Matamis ko siyang nginitian.
“Good morning.” Puno ng paghangang nakatingin siya sa’kin.
“Good morning din,” aniko.
“Have you had eat breakfast?” aniya.
“Oo. Ikaw, kumain ka na?”
“Done.”
“Good morning, Ma’am.” masiglang bati ni Kevin, na ikinagulat ko nang bahagya dahil bigla siyang sumulpot sa likuran ni Travis.
“‘Morning.” nakangiting tugon ko.
“Himala, Ma’am. Nakangiti na kayo habang kinakausap si Travis.” nakangisi niyang binalingan si Travis sabay siko sa tagiliran.
Lihim akong napatawa sa sinabi niya.
“Congrats, pre, natupad na ang pinapangarap-” he suddenly stopped when Travis put his hand on Keith’s shoulder and squeezed it.
“Daldal mo.” aniya kay Kevin, saka pabirong itinulak paalis.
“Oo na! oo na! Aalis na ako baka makakasira pa ako sa diskarte mo kay Ma’am.” tinig nanunukso at nagmamadaling umalis.
Palihim akong ngumiti. Kung alam mo lang, Kevin… kung alam mo lang.
“Pinapangarap, what? I want to hear it from you ,Trav?” tanong ko.
He groaned, umiwas siya ng tingin. “Oh, please, stop it, Candace.”
Nagpakawala ako ng munting halakhak. Pinagkrus ko ang mga braso at inilagay sa dibdib ko.
“I’m waiting, Trav.” I said...


in a softly whispered.
Lumapit siya ng ilang hakbang. Umangat ang kamay niya upang ilagay ang ilang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Then, he caressed my cheek.
“Pinapangarap kita noon, ngayon, at magpakailanman, Candace.”
Now it’s my turn to shut my mouth. Tanging ang tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.
“Tutuparin ko ang pangarap mong ‘yan. Pangako.”
Malalim ang paraan ng titig niya sa akin. Bumaba ang titig niyang iyon sa labi ko.
“Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na angkinin ulit ang labi mo,” namamaos ang kanyang tinig.
“See you later, Ma’am.” sabay kindat sa akin at tinungo ang counter.
Everything is okay now. My little friend inside my chest is in so much happy.
Hindi na ulit namin napag-usapan tungkol kay Keith. At hindi ko alam kung nag-usap na ba silang magkapatid tungkol sa ginawa ni Keith noon, wala pang binabanggit ni Travis sa’kin.
“Hello, Mama.” nang sagutin ko ang tawag niya pagpasok ko ng office.
“Where are you?”
“Sentro. Kararating ko-”
“Go home, and pack your things. Sasama ka sa Kuya mo patungong Maynila mamayang hapon.” she said without humour in her voice.
“Bakit?” naguguluhang sabi ko.
“Well, nagbago na ang isip ko, hija,” hindi nakatakas sa pandinig ko ang pekeng kasiyahan sa tinig niya.
“Dahil ikaw na ang magma-manage ng restaurant natin doon.”
Nagsalubong ang kilay ko, “Why the sudden decision, Mama? You didn’t even talked to me about that decision of yours.”
“Susunod kami ng Papa niyo. At doon natin pag-usapan.”
“But, Ma…”
“Obey your mother, Candace.” sabi niya sa matigas na tinig. Then, she cut the line.
Bakit biglaan? Ni hindi nabanggit ni Papa ang tungkol doon no’ng mag-usap kami kanina. Like my mother planned this on her own without my knowledge.
Kung noon gusto ko pa pero ngayon nawala na sa isipan ko ang kagustuhan kong pumunta doon at mag-manage ng restaurant. I like better here.
Tumuwid ako ng tayo nang may kumatok. Unti-unting binuksan ang pintuan. Si Beth.
“Uhm. Tumawag po Mama niyo, Ma’am. Ang sabi, ako muna raw bahala rito dahil may pupuntahan kayo.”
I gasped in disbelief. Talagang totohanin ng Mama.
Tumango na lang ako kay Beth. Nagpupuyos ang damdamin ko sa biglaang nangyayari ngayon. Knowing my mother, kung ano ang sinabi niya dapat masusunod.
Sa huli’y umuwi ako ng bahay. Dumiretso ako sa silid ni Kuya Dartian.
“Hindi ako sasama sa’yo, Kuya.” sabi ko. Nakita ko siyang nag-e-empake na ng ilang damit.
Kunot-noo siyang tumingin sa akin. “Hindi ‘yan ang sinabi ni Mama sa akin. He told me you’ll come with me.”
“Ayokong sumama. Go yourself.” umupo ako sa gilid ng kama niya.
“What will I tell her? Siguradong magtatanong ‘yon,”
“Sabihin mong may sakit ako o di kaya’y tinatamad akong bumiyahe… basta kung anong dahilan na lang ang sabihin mo,”
“Tinuruan mo pa akong magsinungaling, ha.”
“Please, Kuya, kahit na ano… basta ayokong sumama sa Maynila.”
He looked at me. “You said please, eh.” tumaas ang sulok ng labi niya.
I almost rolled my eyes.
“I’ll cover you to mother. Hindi ko na kasalanan kung hindi siya maniniwala sa’kin.”
Bahala na kung mauuwi man ‘to sa pagtatalo naming mag-ina. Pagkatapos din namin mag-usap ni Kuya Dartian ay nagpahatid na lang ako kay Mang Isko sa Cariño’s.
Tumunog ang hawak kong cellphone. Napakunot-noo ako nang makitang si Mama na naman ang tumatawag. I answered it.
“Hello, Mama.” Tinungo ko ang pintuan palabas.
“I hope you already did pack your things right now, hija. Mamayang seven pa pala ang biyahe ng Kuya mo dahil may aasikasuhin pa ito sa bangko, ayon sa Papa niyo. Kaya mauuna ka nalang sa Metro.”
“Ma-” tinig pag-protesta ko.
“You listen to me first. Ihahatid ka ni Mang Isko dito sa Maricela. I already booked you at five thirty in the afternoon… so you must be here before your flight.”
Bago pa ako may sasabihin sa kanya’y nawala na ito sa kabilang linya, tila ayaw marinig ang pagtutol ko.
Bumuntong-hininga ako.
“What’s with the heavy sighed?” tinig ni Travis mula sa likod ko. Hindi ko siya nilingon, lumakad ako patungo sa bench at umupo doon.
Tiningala ko siya. “My mom called.” panimula ko.
Umigting ang panga niya subalit takot ang dumaan sa mga mata niya.
“She wants me to go to Manila… ngayon na,” sabi ko samantalang tahimik pa rin siya.
Umupo siya sa tabi ko. “For vacation?”
“Sana nga. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit padalos-dalos ang desisyon niya. Ayokong umalis, Travis.”
“But you have to, Candace. She is your mother. Kailangan mo siyang sundin.”
“Paano ka?”
“Huwag ako ang intindihin mo. I’ll always visit you there.”
“Eight hours from here to Metro is a long drive, Travis. Kung kailan tayo na uli, ngayon pa natin mararanasan ang ldr.” I took a glanced at him.
He licked his lower lip. “Mahal mo ako. Mahal na mahal kita, at walang pwedeng humadlang sa pagmamahalan natin. Even that damn ldr you were talking about.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top