When a Single Mom Meet The Hot Seo Chapter 18


CHAPTER 18
Kate’s POV:
ILANG araw na din simula nang tumira kami sa bahay ni David.
Siguro maghihigit isang linggo na rin kaming nandito ni Michael. At isang linggo na rin akong Secretary ng binata.
Wala namang nagbago sa pakikitungo niya.
Sa halip, mas naging sweet at maalaga ito sa amin ng anak ko.
Ideal man na nga siya kung tawagin.
Kaya kahit anong pigil ng puso ko na ‘wag mahulog sa kanya, hindi ko mapigilan.
Bihira na lang kasi ang makatagpo ka ng lalaki na tanggap ang pagkatao mo, at tanggap na may anak ka.
At sa lagay ni David, hindi niya ikinahiya si Michael. Proud na proud pa nga siya dahil naging anak niya raw ang bata.
“Mama, hindi po ako sanay sa bagong school na sinasabi niyo ni papa. Pa’no kung awayin nila ako do’n?”, nag-aalalang tanong ni Michael habang nasa loob kami ng kotse.
Balak kasi naming ilipat ang bata sa private school dahil ito ang gusto ni David.
Hindi naman ako tumanggi dahil masyadong malayo ito sa tinutuluyan namin ang dati nitong paaralan.
Kaya napagdesisyunan naming dalawa na ipunta si Michael sa lugar na madali kong takbuhin kapag may emergency.
I guess, five minutes lang ang tinagal bago kami nakarating sa school ni Michael. Sa school na napili ni David para sa anak ko.
“Papa, ayoko po dyan. Baka wala ako na maging kaibigan eh.”, bigkas muli ng bata.
Pero ginulo lang ng binata ang buhok nito at bahagyang tumawa.
“Magkakaroon ka ng maraming kaibigan dyan. Ikaw pa, manang-manang ka sa akin.”, sambit nito para hindi kabahan si Michael.
Bumaba na kaming tatlo sa kotse, pero hanggang gate lang kami ni David dahil mismong guard na ang bahala para idala ang bata sa room.
Kahit ako, kinakabahan rin ako dahil alam kong hindi sanay ang aking anak sa ganito ka-sosyal na paaralan.
“Don’t worry about him. Magiging masaya si Michael sa school na ‘yan.”, wika...


nito at inakbayan ako.
“Paano ka naman nakakasiguro?”, tanong ko sa lalaki.
Hindi ko siya magawang tingnan dahil yung mata ko, nanatiling naka-focus sa anak kong naglalakad kasama ang guard.
Abot-tingin ko na lang kasi siya, kaya hindi muna ako umaalis hangga’t hindi siya nakakapasok sa silid.
“Dahil sa amin ang paaralan na ‘to.”, ngiting pahayag niya.
“Ano? S-sa inyo ‘to?”, saad ko na labis ang pagkagulat sa boses.
“Yeah. Hindi ba halata?”, ngiting tugon niya sabay turo ng nasa itaas.
Nakalagay kasi do’n ang pangalan ng mismong paaralan.
“Santiago College Foundation School.”, pagbabasa ko sa malaking letra na nakasulat mismo.
Napalunok naman ako ng laway dahil ngayon ko lang naalala na Santiago pala ang last name niya.
“Sa buong Manila, ito ang pinakamalaking school. From elementary to college ang pinapapasok dito. And soon, kapag nagsawa na ako sa kompanya, ako na rin ang mag-hahandle nito. But for now, yung pinsan ko muna ang bahala.”, mahabang litanya ni David para maging malinaw sa akin ang lahat.
“Ang yaman niyo talaga. Kasama ba kayo sa mayayaman na tao dito sa Pilipinas?”, pagtatanong ko ulit.
“Hindi lang sa Pilipinas, Kate. Maging sa buong mundo, kasama kami. That’s why my parents are not here. Nando’n sila sa ibang bansa para asikasuhin ang ibang company namin.”, turan niya muli.
Namuo tuloy ang takot sa dibdib ko, dahil isang hamak na mahirap lamang ako.
Kaya hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng magulang niya.
“Aray!”, impit na bigkas ko.
Bigla kasi akong binatukan ni David dahilan para lingunin ko siya na may katarayan.
“Bakit mo ba ako binatukan ha? Peste ka!”, asar kong sambit.
“Ang drama mo kasi. Kahit hindi mo sabihin, nahuhulaan ko ang tumatakbo sa isip mo. So just stop it. Wala kang dapat na i-problema dahil nandito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan, kahit anong mangyari.”, wika ng binata, kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Shit, I feel so special.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po

Leave a Reply


top