IKAW ANG MAHAL KO CHAPTER 3


“O,anak,ano’ng nangyari sa’yo?”Mukhang nagulat ang kanyang ina na si Mrs.Jean Villanueva nang mapasukan siya sa sala.Napasulyap siya sa decorative mirror na nakasabit sa dinding at naintindihan niya kung bakit.Namumula na ang kanyang ilong at mugto ang kanyang mga mata!
“W-wala na kami ni….Ruel,My.”Napasigok siya nang ihayag iyon.
Dagling umupo sa tabi niya ang kanyang ina.Sumubsob naman siya sa balikat nito at muli ay napahagulhol.
“Tahan na,anak.May kasabihan nga tayo,kapag may pintong isinara ang Panginoon,tiyak na may bintana naman siyang bubuksan.Pasasaan ba’t makikita mo rin ang kabutihang idudulot ng pangyayaring ito sa buhay,”alo nito ra kany…..
KABUTIHANG idudulot sa buhay ko?Wala akong makitang kabutihan,sumbat ni Ria sa tadhana nang manumbalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa.
I miss Ruel so much,paghihinagpis niya.May mga sandaling parang hindi na niya matagalan ang pangungulila rito.Ngunit kaanib iyon ang mga pagka-kataong gigil na gigil siyang magantihan I miss Ruel so much,paghihinagpis niya.May mga sandaling parang hindi na niya matagalan ang pangungulila rito.Ngunit kaanib iyon ang mga pagka-kataong gigil na gigil siyang magantihan ito.
Mayamaya ay napadako ang paningin niya sa isang maliit na kahita.May nadaanan siya noong isang kakaibang books store nang minsan mapagawi siya...


sa Malate area.Brews & Other magic,ang pangalan ng bookstore.Na-curios siya kaya pumasok doon.At sa labis niyang pagkamangha,natuklasan niyang tumatalakay sa witchcraft ang mga librong itininda ng bookstore.Bukod pa roon ay may ilang mga herbs,crystal,at powders din na maaring Mayamaya ay napadako ang paningin niya sa isang maliit na kahita.May nadaanan siya noong isang kakaibang books store nang minsan mapagawi siya sa Malate area.Brews & Other magic,ang pangalan ng bookstore.Na-curios siya kaya pumasok doon.At sa labis niyang pagkamangha,natuklasan niyang tumatalakay sa witchcraft ang mga librong itininda ng bookstore.Bukod pa roon ay may ilang mga herbs,crystal,at powders din na maaring bilhin.
Hindi naman siya naniniwala sa witchcraft pero nahikayat siyang bilhin ang isang libro: pati na ang ilang dahon na nabasa niyang maaring gamitin para sa magic spell na naglalayong ibalik ang isang lost love.
Nakakahiyang isipin na handa siyang gumamit ng kulam para lang maibalik sa buhay niya si Ruel.
(MAY KASUMPAY PA PO YAN MGA READERS PERO MAMAYA KO NAPO I-POST KASI INUTUSAN PAPO AKUNG MAGLABA NGA MAMA KO HEHEHE)
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA SUMUSUPORTA SAKIN,SANA PO WALANG MAM-BASH SA STORY KOPO,YUN LANG PO……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top