PUSONG SINUNGALING PART 2


-Sa panulat ni: Rocel P. Cheche
ANG NAKARAAN…
Laking gulat ni Rosana ng makita niya sa tagpong iyon sina Rolly at Rea na kapwa uhaw at sabik sa isa’t isa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA 5- (Ang Bakbakang Rea at Rosana).
Agad niyang hinila ang maganda, mahaba at makintab na buhok ni Rea.
” Kapal ng mukha mo Rea.” wika ni Rosana habang Pinagsasabunutan niya si Rea.
Umawat si Rolly sa dalawa pero tinulak siya ng sobrang lakas na si Rosana, tumilapon si Rolly sa ilalim ng kanyang mesa habang si Rea ay tuluyang napahiga at kalakaladkad parin siya ni Rosana habang hawak hawak parin nito ang maganda niyang buhok.
Nakatingin ang lahat ng naroon tila nanonood sila ng isang teleserye sa television, ang iba ay nagpustahan kung kanino sila kakampi at kung sino ang mananalo kay Rea at Rosana.
” Ang gandang lalaki kasi ni Sir. Rolly kaya pinag-aagawan ng mga babae.” wika ng isang lalaking empleyado.
” Basta ako kay Madam Rosana ko kakampi, tingnan nyo natatalo na si Ms. Rea.” wika ng isang babaeng empleyado.
” Ako kay Miss Rea kasi siya ang tunay na Love ni Sir. Rolly… Go…Go…Go… Ms. Rea, lumaban ka, huwag kang patatalo kay Madam Rosana.” wika ng isa pang babaeng empleyado.
Sa pagkakataong ito, si Rea naman ang rumesbak…
” Bitawan mo ang maganda kong buhok Rosana.” wika ni Rea kay Rosana.
” Mas maganda pa ang buhok ko sa iyo.” wika naman ni Rosana.”
” Tumigil ka na Rosana, humanda ka sa akin kapag nakabangon ako rito.” sabay sipa ni Rea kay Rosana.
” Aray ko! ang sakit….” umaray at tumalsik na si Rosana sa sobrang lakas ng sipa ni Rea.
Lumapit siya rito, hinila niya si Rosana, sinabunutan niya ito at pinagsasampal.
” Pak… para yan sa ginawa mong pagpapahiya sa akin.” Unang malakas na sampal ni Rea kay Rosana.
“Pak… para yan sa pang- aagaw mo sa akin kay Rolly.”
pangalawang mas malakas na sampal ni Rea kay Rosana.
” Pak…para yan sa pamilyang winasak mo…, Ako…, si Rolly at ang Anak ko, buo sana kami ngayon pero sinira mo yun Rosana.”Pangatlong pinakamalakas na sampal ni Rea kay Rosana.
” Aba, mukhang nananalo na si Ms. Rea, natatalo na yata si Madam Rosana.” wika ng isang lalaking empleyado.
Halos bumakat ang kamay ni Rea sa pisngi ni Rosana, pulang pula na ito at hindi na makuha pang magsalita ni Rosana sa sobrang sakit ng mga sampal na inabot niya kay Rea.
” Ano lalaban ka pa Rosana? tumayo ka, ipakita mo ang galing mo, ang tapang mo.” paghamon ni Rea kay Rosana.
Agad tumayo si Rosana…
” Hindi pa tayo tapos Rea.” Nauutal at Banta ni Rosana na titig na titig kay Rea.
Dahan dahang lumakad si Rosana, tila nakatingin sa kanya ang mga mata ng mga...


taong naroroon.
” Anong tinitingin, tingin nyo diyan, paraan nga, nakaharang pa kayo sa daraanan ko.” wika ng nauutal at namumulang si Rosana sa mga empleyadong naroon.
Pagka-alis ni Rosana, hinarap naman ni Rea si Rolly.
” Ano ka ba naman Rolly para kang tuod, hindi mo man lang kami inawat ni Rosana?.” Sumbat ni Rea kay Rolly.
” Moment nyo kasi iyon, kaya di na ko naki-alam, umawat naman ako kaya lang itinulak ako ni Rosana, ang sakit pa nga ng katawan ko,… masahihin mo nga ako.” ngingiti ngiting wika at biro ni Rolly na ngayon lang nakahimukas.
” Ngek! Ah… ikaw pa ngayon ang masakit ang katawan, eh… hindi naman ikaw ang nakipagbakbakan, masahihin mong mukha mo, makaalis na nga, uuwi na ko Rolly, diyan kana.” wika ng nangingiti rin na si Rea.
” Mabuhay si Ms. Rea… mabuhay… nanalo siya…” wika ng isang lalaking empleyado.
” Ang galing nyo naman Ms. Rea.” wika naman ng isang babaeng empleyado.
Nakangiti ang lahat at nakatingin sila kay Rolly at Rea.
” Ano pang tinitingin tingin nyo? Sige na bumalik na kayong lahat sa mga trabaho ninyo.” paalala ni Rolly sa mga empleyado.
Sinamahan palabas ni Rolly si Rea.
” Hatid na kita Rea pauwi sa inyo.”wika ni Rolly.
” Hatid?… ano ka ba Rolly, hindi naman tayo magboyfriend- girlfriend para ihatid mo pa ko, may kotse naman ako para makauwi, ok lang ako, salamat na lang.” wika naman ni Rea.
” Pero, ano yun nangyari sa atin kanina? ano yun mga halik na ipinadama mo sa akin?.” Pagkumpirma ni Rolly kay Rea.
” Rolly, totoo yun mga halik ko sa iyo, mahal kita pero paano si Edward? hindi ko kayang pagtaksilan siya sa lahat ng kabutihan niya sa akin at Paano si Rosana?.” malungkot na mukha ni Rea.
” Rea, tinapos ko na ang anumang namamagitan sa amin ni Rosana, tapos na ang relasyon namin ni Rosana, siya lang naman ang makulit, hinahayaan ko na lang siya sa mga ginagawa niya hindi niya matanggap na tapos na kami, sabi mo may anak tayo, bakit hindi na lang natin kausapin si Edward, sabihin natin sa kanya na mahal parin natin ang isa’t isa para mabuo na tayo bilang isang pamilya.” wika ni Rolly.
” Sige na maiwan na kita Rolly, magkikita pa naman tayo kasi magiging partner tayo sa negosyo.” wika ni Rea na sumakay na sa pulang kotse.
Habang nagmamaneho si Rea pauwi, kagat kagat niya ang kanyang mga labi, naaalala niya ang matatamis na halikan nila ni Rolly, hindi nga kayang itanggi ng kanyang puso na magpahanggang ngayon ay nanabik pa rin siya sa pagmamahal ni Rolly.
πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•
ABANGAN nyo pong muli ang susunod na kabanata…
-Marami pong salamat sa Admin, LSPBO, sa mga sumusubaybay po ng kuwento nila Rolly at Rea. πŸ’˜






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top