CRAZY EX-WIFE CHAPTER 4


CRAZY EX-WIFE ”
CHAPTER 4
– LARA –
Hinanap ko si Lorraine dahil nag-aalala ako sa kanya pero Wala sya sa bahay nya. Natatakot akong bumalik ulit sya sa dati . Hindi nya din sinasagot Ang mga text at tawag ko.
Nagmamaneho ako papunta sa hospital ng Makita ko sa gitna ng kalsada Ang babae na walang Malay. Napakalakas na ng ulan pero tiningnan ko parin Kung sino Ang babae Kaya nilapitan ko Ito.
” Oh my Lorraine?! Anong ginawa mo?”
Sinugod ko agad sya sa hospital para matingnan syA ng mga doktor. Hindi ko alam Kung ilang oras na ba syang nababasa ng ulan. Darating Ang kaibigan Kong psychologist din ngayon galing Ibang Bansa pero kelangan ko munang unahin si Lorraine . She needs me now.
” Doc kamusta si Lorraine? Maayos na ba sya? ”
” She’s pregnant Doc Lara ”
Nabigla ako . Alam Kong hindi nako kelangan pang magtaka pa dahil may asawa syA pero nabanggit nya kasi sakin na hindi sila okay ni Mark.
” W-Wala ba syang asawa? ”
” Meron Po Doc pero Wala Po sya dito. ”
” Kung sakaling dumating man Ang asawa nya, pakisabihan na doblehin Ang pag iingat sa pasyente dahil masyadong maselan Ang pagbubuntis nya ”
Lumapit ako Kay Lorraine nang magising sya
” Lorraine kamusta? ”
” Nasan ako? Bakit may oxygen ako?”
” Wag ka munang gumalaw masyado. Dinala kita dito ng matagpuan kitang walang Malay ”
” Sana hinayaan mo nalang ako mamatay Lara ”
” Wag ka magsalita ng Ganyan. Malalampasan mo ulit Yan Lalo na at buntis kana ulit. Magiging maayos na ulit Ang pagsasama nyo ni Mark ”
” Ngayon pa Lara? Kung kelan iniwan nya na ako? ”
Nanikip din Ang dibdib ko ng Makita Kong tumulo Ang luha ni Lorraine
” Babalik syA sayo kapag nalaman nya to”
” Ginawa ko lahat para Lang may mangyare samin ulit dahil Akala ko pagkatapos nun, magiging ayos ulit kami pero inabutan nya ako ng pills. Parang nadala na sya sakin. Parang tinatanggalan nya na ako ng karapatan bilang maging Isang Ina. ”
” Shhhh… Kung ayaw nya na, hayaan mo nalang sya Basta Ikaw, pagpatuloy mo Ang buhay mo para sa anak mo”
” Hindi ko alam Kung kakayanin ko Lara. Pagdadaanan nya Kung Gano kahirap lumaki ng walang kinikilalang ama”
– MARK-
Mahirap ding lumayo Kay Lorraine noong una dahil nasanay na ako na nasa tabi ko Lang sya pero kinaya ko para sa sarili ko. Sinusubukan din akong aliwin ng pamilya ko para makalimutan ko sya ng tuluyan. Pinakilala Sakin ni ate Ang best friend nyang si Jane at pinipilit nya akong ligawan Ang babaeng yon.. Naglalabas ako ng sama ng loob sa kanya at nakikinig syA sakin. Palagi nya akong sinasamahan. Sinusubukan nya akong pasayahin. Magkaibang-magkaiba sila ng pag- uugali ni Lorraine . Nakikita Kong nalulungkot din syA sa twing may problema ako. Gusto ko na syang kalimutan Kaya sinusubukan Kong mahalin din si Jane.
” Mark tahimik ka? Hindi mo ba nagustuhan? Tell me” halata ko sa mukha nya Ang pagkadismaya nang mapansin nyang tahimik lang ako pagkatapos nang nangyare samin. ”
” H-hindi! May iniisip Lang ako ” kailangan ko si Jane para makapag simula ulit Kaya ayaw Kong mawalan syA ng interes sakin.
...


” Iniisip mo Ang ex-wife mo?” Nakasimangot nyang tanong sakin.
” Bakit mo naman nadamay si Lorraine dito ? Ikaw Ang kasama ko at ayoko na syang alalahanin pa. Andyan kana. Hindi ko na sya babalikan ” niyakap ko si Jane para hindi nya maramdamang may nararamdaman pako sa ex-wife ko . Yakap ko sya pero bakit parang wala Lang akong nararamdaman? Para lang akong yumayakap ng Isang kapatid. Mas hinahanap ko parin Ang yakap ko Kay Lorraine noong maayos pa kami.
” Ayokong dumating araw Mark na iiwan mo din ako para Lang balikan syA dahil alam ko may nararamdaman ka parin sa kanya. Sabihin mo na agad sakin ngayon Kung Wala Kang balak mahalin ako para hindi nako umasa pa ”
” Hindi mangyayare yon Jane dahil mas higit ka sa kanya . ”
” Magkaiba Ang sinasabi ng Mata mo sa sinasabi ng bibig mo Mark. Puntahan mo nalang ako at kausapin kapag Hindi kana nalilito sa damdamin mo para sakin . ”
Tahimik ko Lang pinagmasdan Ang pag-alis ni Jane sa kwarto ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil Hindi gusto nang katawan ko na habulin syA.
– LORRAINE –
Simula nang malaman Kung buntis ako sa bahay na ako ni Lara tumira. Masyado syang mabait sakin at hindi nagsasawang tumulong sakin sa kabila ng pagiging pasaway ko sa kanya. Hindi ko syA pinakikisamahan ng maayos pero dahil alam nyang nahihirapan ako tinuruan nya ako. Tinuruan nya akong maging mabait sa kanya at hindi ko na pinagdamot sa kanya yon dahil masyado ng Malaki Ang utang na loob ko sa kanya at wala syang hinihinging kapalit. Ilang Buwan narin Ang lumipas, simula ng mahospital ako dahil nawalayan ng Malay. Lumalaki na Ang tiyan ko pero natatakot parin ako para sa dinadala ko. Baka maulit nanaman Ang nangyare. Baka mawala din syA sakin. Ginagawa ko Ang lahat ngayon Lalo na at malapit na Ang kabwanan ko. Mahirap nang kumilos at madalas din akong magpa check up para makasiguro. Natutuwa ako at okay naman daw Ang baby ko. Namimis ko si Mark pero wala akong magawa kundi tumingin nalang sa larawan nya. Kung ayos parin Sana Ang pagsasama namin matutuwa nanaman sya.
” Hon hawakan mo Ang tiyan ko bilis! Gumagalaw syA! ” Masayang-masaya si Mark habang hawak Ang gumagalaw Kong tiyan dahil sumisipa Ang baby. Kinakausap nya Rin Ang baby na wag akong pahirapan pag nanganak na at mag behave Lang. Sobrang saya nya Lalo Nat feeling nya sinusunod agad sya ng anak nya. Nakangiti ako habang tumitingin sa ginagawa nya alam ko kasi na magiging mabuting ama talaga si Mark sa anak namin. Kung kasama ko sya ngayon, makikita ko ulit Ang mga ngiti sa labi nya. Mga ngiting gustong-gusto ko na ulit Makita. Umaasa parin ako na babalik syA sakin. Kahit kelan maghihintay ako. Kapag Hindi na syA galit sakin hahanapin nya ulit ako at susuyuin dahil asawa nya ako at nangako syang tatanda kaming magkasama .
” Mark bumalik kana sakin. Magsimula tayo ulit ”
“Tinuruan nya akong maging matapang. Dumating syA sa buhay ko Kaya kinaya ko lahat . Tinuruan nya akong maging matatag Kaya Hindi parin ako susuko. Lalayo lang ako sayo para Makita mo ulit Ang halaga ko sa buhay mo. Lilipas din Ang hinanakit mo sakin at maaalala mo ulit ako. ”
Napa upo ako ng nakaramdam ako ng konting kirot ng sumipa ulit Ang baby ko. Nararamdaman nya Ang nararamdaman ko. Hinimas ko Ang tiyan ko at kinalma Ang sarili.
” Sige na anak. Hindi nako magdadrama. Pasensya kana, gusto ko Lang ulit Makita Ang papa mo na masaya dahil excited na Makita Ang anak nya . Galit kasi sa mama Ang papa mo ngayon pero promise ko sayo, hindi ka lalaking walang ama. Hindi ka gagaya sakin na lumaking walang Ina at ama sa tabi. Kapit kalang anak ha? Wag mokong iiwan . Ikaw nalang Ang Meron ako ngayon. Wag mong hayaan na maging malungkot ulit si Mama”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top