ONE NIGHT STAND
Written by: Victoria Jessica A. Bacanto
One night stand is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental, strictly no plagiarism.
PROLOGUE
“Mahal na mahal kita” labis na tumatak sa aking isipan ang mga huling salita na aking narinig Kay daniel.
Bago ito lumisan,bumabalik parin sa aking alaala ang lahat ng aming pinagsamahan sa maikling sandali, gusto ko siyang pigilan sa kanyang
Pag alis ngunit hindi maaari sapagkat ito’y utos ng nakatataas.
Ang tadhanang mapag laro, hanggang saan kaya ang kanilang pasensya sa pag hihintay ng tamang panahon para sa pag iibigan ng dalawa? Handa kaya silang mag tiis at suungin ang hirap?.
CHAPTER 1
Limang taon na ang nakararaan ng umalis si Daniel sa pilipinas Hindi ko talaga akalain na matatapos pa ang masayang sandali ng aming buhay,naalala ko pa noong unang pagkikita namin, naka dungaw ako noon sa bintana at akin nga siyang nasipat sa Isang duyan na malapit sa amin, mag isa lamang siya at halatang malalim ang iniisip, maputi siyang lalaki at matangos ang ilong , kulay brown din ang kanyang buhok,may kulay asul na mata , singkit din siya at matangkad na lalaki napaka kisig niya tignan sa suot niyang leather jacket at may panloob na white T-shirt at naka maong pants at black shoes, sandali akong Napa tigil sa pag puna ng kanyang itsura ng mapatingin siya sa akin at ngumiti, nabigla ako kaya naman agad akong nagtago, pero pag silip ko ulit ay wala na ito sa kanyang kinauupuan kanina, siguro ay nailang ito sa aking pag titig sa kanya.
Bumaba na ako ako sa sala nakahain na ang almusal, masaya Kung binati ng magandang umaga sila mama at papa, binati rin nila ako ng magandang umaga, nang matapos na kami kumain ay agad na akong dumiretso sa aking kuwarto para makapag ayos at pumasok sa eskwelahan.
Hinatid ako ng aking papa sa aking school isa itong private school sa aming lugar sa Harvard university, karamihan sa mga nag aaral dito ay mayayaman, ako ay anak ng Isang negosyante, ang family business namin ay mga car tires , ito ang pinagkakakitaan ng aking mga magulang .
Tumunog na ang bell ng eskwelahan hudyat na rin ito na mag sisimula na ang klase kaya naman dali-dali akong tumakbo papasok sa gate ng campus kaya naman Hindi ko napansin ang Isang lalaking nakatalikod at naka suot ng Isang military uniform at kausap ang security guard ng aming campus at nabangga ko Ito, natalisod ako at nawalan ng balan-
Se at tutumba sa tabi ng basurahan , napapikit na lamang ako, pero bago pa ako matumba ay may sumalo na sakin, iniangat ko ang aking mukha at bumungad sa akin ang mala anghel na mukha ng Isang lalaki na bughaw ang mata at matangos na Ilong , napasinghap ako ng mag salita siya, “are you okay miss?”, Napa balikwas ako at agad na inayos ang sarili “yes , I’m fine, thank you for saving me” agad akong tumakbo at di na hinintay ang isasagot niya.
Tatlong minuto na along huli sa aming klase , buti na lamang ay ito ang unang araw ng pagbubukas ng klase kaya Hindi masyadong mahalaga ,
Ngunit dahil huli ako , ako agad ang tinawag para magpakilala sa harap, “ hi everyone, I am Samantha pablo, but you can call me Sam , I am 19 years old , living in caloocan city, that’s all , thank you”.
Pagkatapos namin magpakilala sa harap ay wala namang ibang ginawa
Alas tres ng hapon ng tumunog na ulit ang bell , hudyat na ito na tapos na ang klase at puwede na kameng umuwi , nakaparada na ang kotse ni papa sa labas , agad na akong pumasok at binati ang aking papa ng magandang hapon, ngumiti naman sakin si papa at nag salita,
“Nak?, Ibaba lang kita sa bahay ikaw lang mag isa ha? Wag kang lalabas baka bukas na kame makauwi ng mama mo , may conference kame sa baguio , pag nagutom ka mag luto ka marami naman stock ng pagkain sa ref.”
“sige po papa, mag ingat kayo ni mama.”
Nang makarating na kame sa bahay , bumaba na ako. si mama naman ang sumakay nag Goodbye kiss ako sa kanila at umalis na ang sinasakyan nilang Honda civic, ako nalang mag isa sa bahay , pumasok na ako sa kuwarto para magpalit ng pambahay na damit , pagkatapos ay dumungaw ako sa bintana nakagawian ko na kase ito, nandoon na naman siya sa duyan , napatitig talaga ako , siya yung men in uniform na nabangga ko kanina sa school Isang US. Military , bigla nanaman siyang lumingon at ngumiti sakin, tumalikod na ako , may narinig akong nag salita.
CHAPTER 2
Nakarinig ako ng boses na nanggagaling sa labas ng bintana at tila ba tinatawag ako, “miss?!””miss?” , lumingon ako at napasinghap at Hindi nga ako nag kaka Mali, tinatawag nga niya ako, bumaba ako at lumabas sa pintuan at tinanaw siya, tumingin siya sa akin at lumapit at kinausap niya ako, “miss? I’m Daniel,(inabot niya ang kanyang kamay para makipagkamay) nice to meet you? ”. Sumagot naman ako sa kanyang pagpapakilala “oh! Hey nice to meet you too I’m Samantha (tinanggap niya ang nakaabang na kamay nito) .” nag salita pa ito at nagpaliwanag “by the way , I’m staying here for a while with my aunt, living next door to your house , I’m from Miami Florida and……..” Pinutol ko ang kanyang sasabihin at inaya ko siya sa sala at tinanong kung anong gusto niya na maiinom “ sir ? What do you like to drink? Coffee or juice?.” Sagot naman niya “ I prefer coffee ,thank you .”
Pumunta...
CHAPTER 3
SCHOOL
Nakarating na rin sa wakas sa eskwelahan , pumasok na ako sa loob ng klase kahit wala pang guro, iilan lang kameng istudyante doon, umupo na ako sa aking arm chair at napatingin ako sa mag kasintahan na parang sawa kung mag si pulupot sa isa’t isa , Napa yuko nalang ako dahil sa inis , ayoko talagang nakakakita ng mga malalandi, NBSB kase ako kaya wala akong alam sa pakikipag relasyon kaya naman ayokong nakakakita ng mga malalaswang senaryo, ilang minuto na akong naka yuko ngunit tila wala paring nag dadatingan na estudyante kaya naman nag pasya akong lumabas nakita ko ang kumpulan ng mga kababaihan na estudyante may pinag kakaguluhan na Isang tao , dahil sa pagiging tsimosa ko nakisiksikan ako sa umpukan ng mga tao , Hindi ako katangkaran kaya tumalon ako ng tumalon para makita kung sino ang lalaking iyon, sa Hindi sinasadyang pang yayare ay nawalan ako ng balanse at natumba ako sa Isang lalaki , napatitig ako sa kanyang mukha at nasilayan ang kanyang mukha
Isang gwapong lalaki ang sumalo sakin , yung lalaking gusto ko makita dahil sa aking pagiging tsismosa ko, ngumiti siya sakin at tinanong ako kung ayos lang ako , isang sigaw ang aming narinig kaya naman agad niya akong inalalayan maka tayo ng maayos, nag si hiwalayan ang mga tao at iniluwa nito ang may ari ng school si mrs. Luz tan , napatitig agad siya sakin dahil ako lang ang tanging katabi ng lalaki na kanya ring tinititigan at nag salita siya “ethan? , who is she?” Ah! ethan pala ang pangalan niya ” i don’t know mom” “okay fine ethan let’s go” sumunod naman ang lalaki at lumingon lang sakin at umalis na , naiwan ako sa gitna ng naka umpukang tao, kaya naman tumakbo na ako para mama Alis sa nakakahiyang pangyayare yun
Amazing
nicestory