WALA TALAGANG SECOND CHANCES SA PAG-IBIG
(5)
CHAPTER TWO
________________________________________________
Nagtatakang napatitig si Kristine kay Catherine pagkatapos siya nitong gawaran ng malakas na sampal. Wala kase siyang matandaan na nagawang masama upang pagbuhatan siya nito bigla ng kamay. “Ma’am mawalang galang na ho pero hindi ho ata tama yang ginawa niyo, hindi ho kinukunsinte dito ang ganyang uri ng karahasan.” sita ng guwardiya kay Catherine kaya ito naman ang binalingan ng babae. “Wag kang maki-alam dito kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” Dinuro-duro pa ito ni Catherine.
Sasagot pa sana ang guwardiya subalit maagap na itong pinigilan ni Kristine. Kilala niya ang kapatid at alam niyang tototohanin nito ang pagbabanta nito sa guwardiya. Malawak ang impluwensya ng pamilya ni Carlo, kaya hindi magiging mahirap dito na makakuha ng koneksyon sa pamahalaan ng eskwelahan.
“Ano bang problema mo ate?” tanong niya sa kapatid. Napansin ni Kristine ang paparaming mga tao na nakiki-usyoso sa nangyayari. Karamihan sa kanila mga sundo na naghihintay sa paglabas ng kanilang mga estudyante. Kaya hangga’t maaari nais maiwasan ni Kristine na mas lumala pa ang pag-ieskandalo ng kapatid. Hindi ito magiging maganda sa reputasyon niya bilang guro.
“Anong problema ko?” ulit ni Catherine. “Ikaw ang problema ko!” hindi agad naka-imik si Kristine dahil hindi niya talaga maintindihan ang pinagmumulan ng ate niya.
“Treat this as my first and last warning Kristine. Layuan mo si Carlo kung ayaw mo ng mas malaking gulo.” nakapameywang nitong sabi bago iniwan ang napangangang dalaga.
Wala ng ibang nagawa si Kristine kundi ang ihatid nalang ng tingin si Catherine hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip patungkol sa sinabi nito na may kinalaman ang dating nobyo.
“Layuan si Carlo?” tanong niya sa sarili. Saan naman kaya nakuha ng ate niya ang ganitong klase ng tanong. Samantalang ilang taon na silang hindi nag-uusap ni Carlo. At ang huling pagkikita pa nila ay nangyari pa noong ikinasal ang dalawa. Sumagi tuloy sa isipan ni Kristine ang posibilidad na mayroong pinag-awayan ang mag-asawa. Ngunit ang pinagtataka niya ay kung anong kinalaman niya gayong malayo at nananahimik naman siyang mag-isa.
Babalik na sana si Kristine sa kanyang klase nang bigla siyang mapahinto matapos tawagin ng pamilyar na boses ang pangalan niya. Pumihit siya pabalik upang harapin ang may-ari ng tinig.
“Can I have a few of your seconds, Kristine.” ani ni Andrei. “Ikaw pala Mr. Santillan.” wala sa loob niyang naisagot. Pagkatapos kase ng mga nangyari, hindi parin siya halos nakakabalik sa sariling wisyo. Marahil napansin din ito ni Andrei kaya nabura ang suot nitong ngiti sa mukha. “Exhausting ba ang araw mo?” tanong nito. “Medyo.” matipid niyang sagot.
“What happen to your cheek, medyo namumula at parang may bakat pa-”
“May sasabihin ka diba Mr. Santillan.” putol agad ni Kristine sa lalaki saka iniiwas ang namumulang pisngi sa paningin nito. Ayaw niya na kase itong pag-usapan at isa pa,wala rin namang kinalaman si Andrei sa nangyari. Mabuti nalang at naunawaan naman siya nito.
“Ah, yes meron nga.” hindi siya kumibo, hinintay niya lang ang susunod nitong sasabihin. “Napag-isipan mo na ba yung dinner na inaalok ko?”
Napatingin siya kay Andrei. Nagsusumamo ang mga mata nitong sinalubong ang titig niya. Noong makalawa pa nga pala ito naghihintay sakanyang magiging tugon. Sa dami kase ng mga lesson plan na kinailangan niyang tapusin, nawala na sa isip ni Kristine ang tungkol sa bagay na ‘to.
Pero anong sagot naman ang maibibigay niya ngayon sa lalaki? Literal na kakatapos lang siyang sampalin at pagbantaan ni Catherine kaya nakasadsad pa sa kasalukuyan ang kanyang moral.
“Ano kasi Mr. Santillan, hindi ko pa ito napag-iisipan.” pagtatapat niya. Bigla naman siyang nakaramdam ng konsensya nang makitang bumagsak ang mga balikat ng lalaki.
“I see.” sabi nito. “Well, at least...