THE RICH AND THE POOR


BEGINNING…

PAK!!!!!

OWWWWWWWW- ( Crowds Reaction)

Umalingaw-ngaw ang malutong kong sampal sa hindi ko kilalang lalaki!.

WALANG HIYA ANG LALAKING ITO! Basta basta nalang mahihila tapos hahalikan ako!

T*ngina! First kiss ko yon!!

“WHO ARE YOU?? WHY DID YOU SUDDENLY SLAP ME???” Galit at Matigas nyang sabi sa akin with nanlilisik pa ang kanyang mga mata.

At ang Kapal pa ng pagmumukha nya! Ako na nga itong binastos nya, Sya pa itong may ganang magalit sa akin!!.

Tan*inis!

“ULOL KA!!!” Sigaw ko mismo sa mukha nya dahilan para mas lalo pa syang magalit.

Salubong ang mga kilay at ang sama na ng tingin, gustong Manakit!

At anong akala nya? Porket ba babae ako hindi ko na sya papatulan? Hmp-! MANIGAS SYA!!

Dahan-dahan syang lumapit sa akin kaya dahan- dahan din akong umatras hanggang sa mapahinto ako dahil sa pader na nasa aking likuran.

“What do You Want?……..Money??”

Abah! Ginagalit talaga ako ng lalaking ito. Mukha ba akong nanghihingi ng pera??

Nang hindi ako sumagot ay bigla na lamang itong ngumisi sa akin. “Or maybe…you just want me to have sex—–PAK!!

“FUCK! HOW DARE YOU!!! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MONG SAMPALIN AKO! DON’T YOU KNOW ME??”

This time, Nanlilisik na ang kanyang mga mata at kita ko kung gaano umigting ang kanyang bagang dahil sa galit.

Aminado akong natatakot ako. Anong kakayahan ko bilang babae ang makikipag-away sa isang lalaki? Pero hindi ako nagpapahalata… Dahil hindi porket babae ako? Papayag lang akong bastusin at insultuhin ng lalaking ito.

Tumingin ako sa kanyang mga mata. Pinagkatitigan ko ito na may galit.. pinakikita kong isang palaban na babae. At nag- smirked ako. KITA ko kung paano sya Mamangha sa ipinakikita ko. Hindi nya siguro inaakalang papatulan ko sya! Na Para narin nyang sinasabi na hindi lahat ng babae ay mapapaamo nya. Na hindi Nadadala sa itsura nya. Sa kagwapohan nya.

“Wala akong pakialam kung sino ka!! At mas lalong wala akong planong kilalanin ka! Sa mga katulad mong lalaking basta nalang manghahalik at bastos! Isa ka lang ding SALOT NG LIPUNAN!!!”

Nakita kong napalunok sya..at ilang minuto nyang tinitigan ang mukha ko.

Kung inaakala nyang matatakot ako sa kanya ay nakipagtitigan din ako.

Mata sa mata! Galit na galit!

Pero maya-maya din ay tumawa sya...


ng mapang-insulto.

“Segi lang! Tumawa ka lang. Karmahin ka sana!!” Sabi ko sa aking isipan habang inis na nakatitig sa pagmumukha nya na panay parin ang pagtawa sa harapan ko.

“Why? Are you still Wondering?” Ani nya pagkatapos nya akong pagtawanan. Mayabang syang tumingin sa akin tapos sa paligid namin.

“You’r at the bar, so most likely-
all the people here are looking for flirts! Then…ONE…NIGHT….STAND! ONE NIGHT STAND! SO, kung ganun..if you just dont want to be kissed? Then you should go to church and not here!!!.” Palaban nyang sabi.

Inis kong ikinuyom ang mga kamao ko.

Parang gustong-gusto ko syang sapakin.

Na sa subrang lakas ng pagkakasapak ko ay bumulagta nalang sya bigla sa sahig.

Hindi ko akalaing ganito pala ka bastos ang mga tao dito sa Syudad. AT ano ang pinupunto nya? Na porket nandito ako sa bar, naghahanap na agad ng init ng katawan? Hindi ba pwedeng naghahanapbuhay lang? At bulag ba sya o tanga, para hindi makita at maintindihan na ang suot-suot ko ay bilang isang waitress?

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga saka kalmadong tinalikuran sya.

Mas mabuting ako nalang mismo ang iiwas.

Pero anak ng pating! Masyado ata syang bastos at Maniac dahil hanggang ngayon, sinusundan parin nya ako.

“So true,you are also one of the woman looking for flirts or sex?..” sabay tumawa sya, ” well, anyway, i won’t be surprised… ahm… If you want? I’m free tonight bab—-

“SHUT UP!!!” Galit kong sigaw ng harapin sya. Punong-puno na ako at hindi ko na kaya ang kabastusan nya!

Dinuro-duro ko sya sa subrang galit ko.

“TIGILAN MO AKO!! WALA AKONG PAKIALAM SAYO AT MAS LALONG WALA AKONG ORAS SAYO! KUNG INIISIP MONG BAYARIN AKONG BABAE ULOL KA! TANTANAN MO AKO DAHIL NAGTATRABAHO AKO NG MARANGAL DITO!!”

Galit na galit kong sigaw pero ang hudas, nag ngiting aso lang at pinagkatitigan ako mula ulo hanggang sa mga paa ko.

“Wow really huh,? Marangal?” Tas tumawa sya ng tumawa. ” Well, exactly,.. you work here as an intairtainer—–BOGS!!!”

At yon bigla nalang syang bumulagta sabay kumaripas ako ng takbo palabas ng bar.

“AHHHHHH…HOW DARE YOUUUUU… HUMANDA KA SA AKING BABAE KAAAA!!” Rinig kong sigaw nya. Bago ako tuluyang makalabas ng bar…





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top