The Heartless Mafia Chapter 12:


ADAM DAVID:
CONFUSED my mind were so confused why Luna’s acting weird, ang tahimik niya at hindi niya rin ako pinapansin, kanina pagising ko akala ko asikasuhin niya ako tulad ng dati ngunit nadismaya ako ng malamig niya akong pinatutunguhan, para akong hangin na hindi niya nakikita.
“Where’s my morning kiss?” Dati naman siya ang unang hahalik tapos ngayon hahalikan nga niya ako pero pilit naman.
May problema ba? May nagawa ba akong mali? Hindi ko na nga siya pinilit sa kama para maramdaman niyang nererespeto ko siya kahit na huli na.
“Anong gagawin mo mamaya?” Hindi niya man lang ako tinaponan ng tingin, ang mga kilos niya ay subrang malamya.
“Nothing.” Kumunot ang aking noo sa malamig niyang pagtrato, napalunok ako dahil ngayon lang siya naging ganito, may mali ba akong nagawa?
“Luna, may mali-” Bago ko pa siya matanong ay tumayo na siya at iniwan ako sa hapagkainan at hindi man lang ako pinansin.
Para akong binagsakan ng mundo dahil sa malamig na trato niya sa akin, iniisip ko talaga kung may nagawa ba akong kasalanan o may mali ba akong nagawa na hindi niya nagugustuhan ngunit walang pumasok sa utak ko na may ginawa ako.
Really? What’s her problem? Bakit hindi na niya ako pinapansin, nasa pag-iisip ako ng makita ko si Hance na palapit sa akin wearing his cold facade. Hance is my right hand and i treat his as my friend and family.
“Boss, Mr, Matt Theo Sokolov wanted us to get back in Philippines as much as possible.” Kumunot ang noo ko dahil kahit anong isip ko kung anong mali ang nagawa ko para umakto ng ganoon si Luna, hindi naman ako uminom and hindi din ako nambae, kung tungkol ito sa mga kalaban ko o sa ugali ko sa pagparusa ng tauhan ay alam na naman niya ang tungkol doon.
The hell! Ano ba ang dahilan kung bakit galit siya sa akin? Kahit hindi niya sabihin alam kung galit siya sa akin at yun ang dapat kung alamin.
“Boss?”
“What?” Sigaw ko sa kanya at pakiramdam ko ay puputok ang aking ugat sa tindi ng inis, nagulat naman siya sa inakto ko kaya bahagya kong kinalma ang aking sarili.
Damn! Just because of Luna I almost out of concentration which was never happened before.
“As what I’ve said, Mr, Sokolov your friend wants us to get back in the Philippines–”
“Anong maaring dahilan kung bakit biglang magalit ang babae?” Nagulat siya sa tanong ko ngunit dahil nakita niyang seryoso ako kaya walang pagdalawang isip na sinagot niya ako.
“Maybe you did something that can make her annoy and angry?” Sagot niya na para din hindi sigurado.
Thats the problem, wala akong naalala na may ginawa akong ikinagagalit niya.
“Aside from that?”
“Masyado pong mahirap intindihin ang babae Boss lalo na’t bad mood sila. Kadalasan po ay kapag may dalaw sila.” Umiwas siya ng tingin sa akin, kumunot ang aking noo dahil wala naman akong nakitang bisita o tao na dumalaw kay Luna.
Is she accepting visitors without me knowing it? Tinatraydor ba ako ng tauhan ko?
“Dalaw? But I can see no one visiting her.” I said.
Nanlaki ang kanyang mata at nakita ko sa kanyang mukha na...


gusto niyang humahalakhak ngunit pinigilan lang niya. What’s the problem? There’s no funny sa usapan namin.
“What I mean boss is period. Dalaw po is another term of menstruation. Kapag po ne regla ang mga babae o may dalaw ay mainit po ang ulo nila.” Aniya habang natatawa pa rin.
Oh I thought it was a visitor for real. I didn’t know about dalaw but I knew menstruation. My brows knotted, I knew Luna’s schedule, alam ko kung kailan ang dalaw niya.
“Aside from that?” I asked.
“Baka po nagtampo or nagseselos sa ibang babae. Kadalasan po masyadong sensitive ang mga babae, they easily get felt neglected and easy to conclude some things kahit na hindi totoo.” Tumango ako dahil sa sinabi niya.
Luna got jealous and nagtatampo siya? Bakit? I mean there’s nothing to feel jealous kasi wala naman akong babae. Napangiti ako sa isiping kaya niya ako hindi pinapansin ay dahil nagseselos siya, bakit nasisiyahan akong isipin na nagseselos siya? Kanino naman siya nagseselos gayong wala naman siyang nakitang babae na kasama ko.
“Bakit naman siya magseselos?” Tanong ko.
Kung totoong nagseselos si Luna, bakit naman siya nagseselos?
“Probably she’s in love with you.” Para akong dinuyan sa hangin at nilipad sa ulap sa isiping kaya nagselos si Luna ay dahil mahal niya ako.
“Eat that all and clean it after. I’ll go ahead.” Nakangiting saad ko, gusto kong sundan si Luna.
“Boss, para kang bagong labas sa mental. You’re smile scared the hell out of me.” Pareho lang sila ng apat na kaibigan ko, ngumiti lang baliw na agad.
Masama bang ngumiti? I’m just happy. I just shrugged and left them there.
“The Mafia’s boss is in love.” Narinig ko pa siyang bumolong ngunit hindi ko na pinansin pa.
BETRAYED one words to describe what I felt. I felt betrayed, hindi naman kami mag-asawa ni Adam pero galit na galit ako sa kanya, nagngit-ngit ang aking kalooban dahil sa galit, hindi ko siya pinansin kahit na gumawa siya ng paraan para mag-usap kami. Hindi pa rin mapawi ang galit ko sa isiping kaya siya natagalan sa pag-uwi nung nakaraang kagabi dahil may babae siya, wala akong karapatan na magselos dahil hindi naman kami. Alam ko.
Nakakairita kasi at nakakainis isiping may iba siya kinakama. Alam kong binili niya ako para gawing parausan pero kahit respeto naman sana ang ibigay niya sa akin. Kahit hindi niya ako mahal tanggap ko naman ang sa akin lang kahit konting respeto lang sana.
Bumukas ang pintoan kaya nagpanggap akong natutulog, pinikit ko ang aking mata para makita niyang natutulog ako kahit na ang totoo ay pinakinggan ko lang naman ang bawat kilos niya, pumasok siya sa banyo at mga kalahating oras yata bago siya lumabas, narinig ko ang pagbukas ng closet baka nagbibihis siya, hanggang sa nararamdamam ko na lang ang paglundo ng kama hudyat na umupo siya o tumabi sa akin.
Pumikit pa rin ako kahit na ang puso ko ay kumabog ng malakas, para akong kinakapos sa hininga ng naramdaman ko ang pagdampi ng kanya daliri sa aking mukha.
What is he doing?
*Good evening, eblewan. Always stay safe po and ingat palagi. Comments your thoughts about this story po. God bless.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Good morning Miss A. Ngayon ko lang nabasa. Pero salamat sa update. Stay safe din po. Confirm na hahahaha mahal na nga nila ang isa’t-isa. Ang ganda talaga ng story Miss A.

Leave a Reply


top