Incompatible Part 34


Author: Ren Salazar
Hindi diretsong umuwi si Zu mansyon. Sa labis ng sama ng loob ay nagtungo sa isang maingay na bar. Dito umorder ng maiinom para sandaling makalimutan ang problema. Hindi niya alam kung anong gagawin kay Hanz.
Nang mabagot dahil sa mag isa lang kahit na miangay sa loob ng lugar na iyon,tinawagan niya ang kanyang kaibigang sekretarya na si Dome. Ang huli naman ay agad na hindi nag atubili nang banggitin ni Zu na nasa Bar siya ngayon at umiinom.
Alam na alam ni Dome na kung sakaling pupunta ng bar si Zu ay ang ibig lang sabihin non,malaki ang problema nito. Gaya noong nagkahiwalay ito at si Hanz. Nagpakalasing. Nilunod ang sarili sa alak para lang makalimutan saglit ang bigat na nararamdaman.
” Ano bang problema,Zu? ” Tanong ni Dome nang makaharap na si Zu. Medyo may tama na ito.
” Huh! Ang Hanz na iyon. Ang lakas ng loob na halikan ako.” Sabi niya.
” What?! You mean si Hanz na ex mo?”
” May iba pa ba?”
” Nagkita kayong muli?”
” Oo. At kasama niya si Schiyev sa trabaho. Tsk. Sa dinami daming kompanya,don pa talaga na naroon ang Hanz na iyon.”
” Anong nangyari? ” Ang tinutukoy ni Dome ay ang pagkikita nila ni Hanz.
” Sinuntok ko.”
” Wow….” Pumalakpak pa si Dome nang marinig ang sinabi ni Zu. ” Napaglabanan mo?”
” Kailangan.” Saka lumagok ng alak.
” So…anong problema?”
” Dome. Alam niya ang tungkol samin ni Schiyev. At binantaan akong sasabihin niya sa asawa ko ang tungkol sa nakaraan namin. ”
Hindi muna nagsalita si Dome. Nag iisip sa kung anong pwede nyang itulong sa kaibigang boss.
” Teka..anong oras na ba?” Sabi niya at sabay na dinukot ang telepono sa bulsa. Wala kasi siyang relo dahil sa nagmamadaling puntahan si Zu.
Sa kabilang dako…
” Iha,wala pa ba asawa mo? Gumagabi na. Maghahapunan na tayo maya maya.”
” Eh,Lo. May meeting po siya. At hindi ko po alam kung anong oras matatapos. ”
” Meeting?”
” Yes,Lo . Nagpaalam kanina sakin pagkatapos niya po akong ihatid rito.”
” Wala akong alam tungkol sa meeting na sinasabi niya.”sabi naman ni Director Choi.
“Baka unexpected at very urgent kaya pinuntahan niya. ” Hinuha ni Schiyev.
Ngunit umabot ang alas 11 ng gabi ay wala pa rin si Zu. Natapos na silang maghapunan at lahat lahat hindi pa rin ito umuuwi. Nag alala na siya kaya tinawagan niya si Dome. At naging kampante naman siya dahil kinumpirma nito na kasama niya si Zu.
” Tumawag si Schiyev. Tinatanong kung kasama kita. Sabi ko…kaharap kita ngayon.” Ani Dome matapos niyang maibaba ang telepono.
Tumahik si Zu. Nakikiramdam sa paligid. Ang ingay ingay pero wala siyang ibang marinig kundi ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
” Zu…..”
” Dome…” Sabi nito at nagsimula nang umiyak. ” Dome. Anong gagawin ko? Alam mo yong pakiramdam na…na nagbabago ka na pero….pero may malaking harang para sa pagbabago mong iyon? ” Sabi niya sabay hihingos hingos dahil sa sip on na bigla na lang sumulpot.” Dome…gustong gusto kong sabihin kay Schiyev ang tungkol kay Hanz. Pero…pero natatakot ako. Natatakot ako na baka pagsisihan niya na minahal niya ko. Na tinangggap niya ko. ”
” Sige lang,Zu. Ilabas mo lang yang kung anuman ang nararamdaman mo.”
” Mahal ko na siya. Mahal ko na si Schiyev. At gusto kong magmahalan kami ng maayos. Na walang…na walang Hanz.”
” Anong balak mong gawin kay Hanz?”
” Hindi ko alam. Pinipilit...


niya pa rina ng sarili niya sakin. Pero ayoko na sa kanya. Si Schiyev na ang mahal ko. Ayoko ng balikan kung anuman ako noon.” Wika niya habang sige pa rin sa pag iyak.
” Zu…uwi na tayo. Siguradong nag aalala na si Schiyev sayo.”
” Teka lang..tapusin ko lang tong isang bote.”
” Lasing ka na.”
” Kaya ko pa. Ito na lang. Para pagdating ng bahay, matutulog agad ako. Wala akong mukhang ihaharap sa asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol samin ni Hanz. Malamang nga…tinawagan na niya si Schiyev dahil sa ginawa ko sa kanya.”
” Mabuti ngang nasuntok mo iyon,eh. At nang madala naman.”
” Yung nga ang problema. Siguradong sinabi na niya kay Schiyev. ”
” Zu …wala ka naman dapat na ikatakot. Mahal ka ni Schiyev. At mahal mo rin siya. Hindi magtatagumpay si Hanz na sirain kayong dalawa kapag pinanghahawakan nyo ang tunay ninyong nararamdamang dalawa ni Schiyev. Si Hanz ay parte lang ng iyong nakaraan. At si Schiyev….siya ang yung kinabukasan at hinaharap.”
” Hindi ko kayang mawala sakin si Schiyev. ”
” Eh,kung ganoon…umuwi na tayo at bukas na bukas,sasabihin mo kay Schiyev ang dapat niyang malaman. At kung nasabihan na siya ni Hanz, huwag kang matakot na ipaliwanag sa kanya ang lahat. ”
” Mm..tama ka. Uwi na tayo!” Sabi pa ni Zu. ” Tara…..” sa wakas ay nalinawan rin ang isip niya.
Tumayo si Zu at nakailang hakbang pa siya bago biglang natumba.
” Zu!” Sigaw ni Dome sa kaibigan na knock out dahil sa kalasingan.” Akala ko matinong matino ka pa. Diretso ka pa kung makapagsalita. Yun pala, lagpak na.” Pailing iling na wika ni Dome saka tuluyang binuhat ang kaibigan.
Iniwan ni Dome ang kanyang kotse sa parkingan ng Bar. Kotse ni Zu ang ginamit niya para ihatid ito sa mansyon.
Pagdating sa mansyon,ay pinagbuksan sila ng gate ng gwardiya. Saka patuloy sa pagpasok. Sinalubong agad sila ni Schiyev at ng isa pang gising na kasambahay.
” Zu….zu….” Mahinang tawag ni Schiyev sa huli. Natutulog na ito sa likod ni Dome.
” Hayaan mo na lang siya na matulog,Schiyev. Bukas na kayo mag usap. ”
” Sige. Paki akyat siya sa itaas.”
Medyo nahirapan si Dome sa pag akyat ng hagdanan. Buhat buhat kasi niya ang lasing na lasing na si Zu sa kanyang likod.
” Ugh! Ang bigat ng taong ito.” Sabi niya.
” Pasensya ka na Dome ,ha? Naabala ka tuloy.”
” Ok lang ,Schiyev. Boss ko naman ito at kaibigan na rin.”
” Salamat.”
Dahil sa hindi na mukha ni Zu ang kailangan para mabuksan ang kwarto,madali silang nakapasok sa loob. Binago na kasi ni Zu at ginawang de susi na lang para makapasok agad si Schiyev.
” Dito.” Turo ni Schiyev kay Dome.
Tumalikod si Dome sa kama at saka binaba si Zu.
” Aahh… Ang sakit ng likod ko. Ano sa tingin mo,Schiyev? Kailangan na ba akong mag asawa para may magmamasahe ng likod ko?” Ngumiti pa siya sa babae.
” Oo. ” Ginantihan naman niya ng ngiti si Dome.
” o paano? Aalis nako. ”
” Ha? Gabi na. Dito ka na lang sa mansyon matulog. May bakanteng kwarto pa naman. ” Alok ni Schiyev.
” Ahhm..sige na nga. Don na lang ako sa kabilang kwarto.”
” Sige. Salamat ulit.”
Hinatid ni Schiyev sa pinto si Dome at pagkatapos,sinara na. Binalikan ang walang malay na si Zu sa kama at tinitigang maigi.
” Zu… ” Buong pagmamahal niyang itong hinalikan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top