Tuloy pa rin ang pag-ibig Chapter 3


𝐓ulad ng nakagawian ay tahimik na naupo sina Katelyn at Anika sa harap ng hapag-kainan nang umagang iyon.Nagbabasa NG daily broadsheet ang mommy nila.
“Mom,” pasimpleng tawag ni Katelyn.
“Oh, this is new.Mukhang ikaw ang may kailangan sa’kin sa halip na si Nikka tungkol sa frustration niyang makipag-date,” gulat na pahayag ng kanilang ina.Itinupi nito ang babasahin at hinarap sila.
“May sasabihin sana ako,” panimula ni Katelyn.Si Anika ay tahimik lang na nakamasid sa kanya habang kumakain.
“Oh, darling.Just tell me you have a boyfriend already,” tila nagmamakaawang sabi pa ng kanilang ina.
“Mommy,” saway naman ni Katelyn.”Magpapaalam lang sana ako na gusto ko nang kumuha ng sariling unit.I want to practice my independence.”Naisip niya na marahil ay tama lang na humiwalay na siya sa ina.Tutal Naman ay nasa edad na siya at professional na.At isa pa, gusto niyang matakasan ang pakikialam nito sa love life niya.
“Oo nga, Mom,” pwede akong sumama kay Ate?”
“Shut up, sweetheart.Dito ka sa bahay,” malumanay at nakangiti ngunit makahulugang saway ng kanilang ina kay Anika.”Bakit bigla-bigla naman yata? Problema ba?”
“Wala naman.Naisipan ko lang,” tanging nasabi ni Katelyn.
“Pag-iisipan ko.” Nang akmang magsasalita si Anika ay pinigil iyon ng kanilang ina. “It’s still ‘no’ for you, my darling princess. Now eat.”
Hindi na sasalungatin ni Katelyn ang sinabi ng kanilang ina dahil hindi rin naman siya mananalo. At Isa pa, kung gagalitin niya ito ay baka hindi siya mapagbigyan.
Napatingin siya sa nakasimangot na kapatid.Nakatingin din ito sa kanya.Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahabag.Alam niyang walang masamang hiling si Anika.She only wanted her freedom.Ngunit mahigpit naman ang kanilang ina.
“Mom, wala ka bang plano para kay Nikka?” Gulat na tumingin si Anika sa kanya. Katelyn winked.
“The best life, I think.”
Huminga muna nang malalim si Katelyn bago sumandal sa upuan habang hawak ang tinidor.Nilaru-laro niya ang syrup ng pancake. “Eighteen na siya, so I think hindi na dapat mahigpit ang mga rules sa kanya.Maybe you can…” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil sa uri ng tingin ng mommy nila sa kanya.
“Hindi naman siya nakukulong dito sa bahay.She can go whenever she wants. Pwede niyang gawin ang gusto niya. So ano’ng problema?”
“Yeah, alam ko ‘yon. I mean sa ibang bagay like…dating,” sagot ni Katelyn, saka tiningnan ang magiging reaksyon ng mommy nila.
“Oh, that. Bakit, naisip mo na ba ngayong makipag-date?”
“Si Nikka Ang pinag-uusapan natin, hindi ako.Gusto niyang subukan na makilala ang male species so I guess hindi siguro masama kung pagbigyan mo siya.”
Mapakla ang naging tawa ng kanilang ina. “Ikaw, wala ka bang balak kilalanin ang ‘male section’?”
Katelyn rolled her eyes. “No, I don’t, never.”
“Gano’n naman pala. Nikka can’t date…ever,” nangingiting sagot ng mommy nila.
Sabay na nagbuntong-hininga hininga sina Katelyn at Anika.
“Okay,” biglang sabi ng kanilang ina at nabubuhayan pag-asang tiningnan nila ito. “Let’s make a deal.”
Napangiwi si Katelyn.Mukhang mapapasubo siya. “What now?” hindi pa man ay naiinis na niyang tanong.
“Nikka can go out on a date if you will.”
Napaungol si Katelyn. Ganoon din si Anika. Tumawa ang mommy nila, saka sumandal.
“Wala na. Wala nang pag-asa,” tanging nasabi ni Anika.
“Wow,” sabi Ni Katelyn na parang nasusuka. “Ang lakas ng trip mo, Mom. Hindi halatang walang paraan para pumayag ka sa gusto ni Nikka.”
“There is, my sweetheart child. Ikaw,” nakaangat ang mga kilay na sagot ng kanilang ina.
Katelyn groaned. “Iyon na nga ang punto, Mom. I. Don’t. Want. To. Date,” punong-puno ng diin niyang sabi.
“Kate, ayokong maging man-hater ka. Kung sinaktan ka man noon—”
Wala akong naririnig, Mom.”
“Stop it, Katelyn. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa pagtatago sa mundo. Pinabayaan kita nang ilang taon dahil alam kong bukod sa akin ay nasaktan ka rin sa nangyari. But everything is over. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ikinukulong ang sarili mo.” mahabang sabi ng kanilang ina na matiim ang tingin sa kanya.
Pinagmasdan ni Katelyn ang ina, pilit sinasalamin ang kahulugan ng bawat salita nito. Gusto niyang makita kung totoo nga ang mga sinabi nito. She wanted to prove to to herself that her mother had moved on. Na hindi ito nagpapanggap sa kanya para lang pagbigyan niya.
“I am making a new rule. Once you date, your sister can date whoever she wants.”
Kumunot ang noo ni Katelyn. “Walang makikipag-date sa’kin.”
Her mother laughed again.Lalong kumunot ang noo ni Katelyn.
“Maraming aplikante para sa posisyon. That I can bet.”
Napanganga na lamang si Katelyn sa sinabi ng kanyang ina at wala na ring maisagot hanggang sa tumayo ito. Tumatawa pa rin itong humalik sa kanila ni Anika upang magpaalam, saka iniwan silang galit ngunit tulala. Muli silang nagkatinginan na magkapatid.
π‘·π’‚π’•π’‚π’š 𝒏𝒂, sambit ng isip niya.
“PWEDE ba tayong mag-usap?”
Dinig na dinig ni Katelyn ang boses ni Anika habang nakahiga siya. Marahil sadyang inabangan nito ang pagdating niya. “Nikka, pagod ako. Bukas na lang tayong mag-away, pwede?” sagot niya na hindi tinitingnan ang kapatid.
Pagod na pagod siya. Ginabi siya ng uwi dahil galing pa siya ng Bulacan. Naroon kasi ang ginagawang resort ng kliyente niya. Nagpunta siya roon upang tingnan ang lugar at upang kausapin na rin ang engineer at architect ng proyekto.
“Kailangan mo akong tulungan,” sagot ng kanyang kapatid na hindi pinansin ang sinabi niya. Lumapit ito at naupo sa tabi niya sa kama.
Nagtatakang bumaling siya kay Anika. “Tulong? Anong tulong?”
Her sister sighed. Mukhang seryoso ito. “Kailangan mo nang makipag-date.”
“Ano? At bakit ako?”
“Ate narinig mo naman ang rule ni Mom,di ba”?kunot na kunot ang noong sabi niya.
“Eh,di tulongan mo na lang ako,Ate.”
“Sa ano?Hindi ka naman tinitipid ni Mommy sa allowance,diba?O baka naman may bagsak kang subject?Oh,no.I can’t help you with that.”
“Hindi,no. Ano ka ba? It’s not about that stupid stuff.
Seryoso to,Ate.”
“Seryoso naman ang sinabi ko. Hello?” sabi ni Katelyn, sabay bahagyang bangon mula sa kama.Itinukod niya ang mga siko upang matignan ang kapatid.
“It’s more serious than that.”
Tinignan niya si Anika.Nakita niya ang kakaibang emosyon sa mukha nito.Tuloyan na siyang bumangon sa kama at tinabihan ang kapatid.She sighed. Huwag naman sanang tama ang hinala niya.”Don’t tell me yoo’re pregnant,” kinakabahang sabi niya.
“Ate! Hindi.I’m not pregnant.”
Nakahinga siya nang maluwag.”Okay. Hindi ka buntis
Ano yo?”
Kung ayaw mo talagang maki pag date,convince mom na lang na payagan na akong maki pag-date.”
Kumunot ang noo ni Katelyn. Hindi pa rin matanggap ng kapatid niya ang patakaran ng mommy nila ang tungkol doon.” You still haven’t given up? Sinabi mo pang seryoso yan, ha?” tanong niyang hindi alam kung tatawa o maiinis.
Seryoso ako ate,.
“At ano sa tingin mo ang pwede kung gawin para pumayag siya,aber? And...


excuse me,dear sister. Im not interested in doing that.
“Kahit na para yon sa nag iisa mong kapatid?”maarteng tanong nito.
“Ano ba ang problema mo? Bakit ba ako ang ginugulo mo tungkol diyan? Kung ako nga,ayaw sa ideya na yan,pagkatapos ipapagawa mo sa kin? Desperado ka na ba?”
“Yes Im desperate,”mabilis nitong sagot.
Naumid si katelyn..Titig na titig si anika sa kanya at alam niyang seryoso ito sa sinasabi. Something must really going on kaya ganoon na lang ang determinasyon nito.
“Ate please tulongan mo ako.”
“But why? Ano ba’ng meron sa date issue na yan at nagkakaganyan ka?”
Anika heaved a deep sigh. At makailan muna nitong inulit ang ganoong paghinga,saka muling tumingin sa kanya. Well…”
“Well?”
“Ate gusto kung mabuhay.”
Hindi niya napigilang tumawa. “Ano? Humihinga ka pa.
So,I presume buhay ka.”
“No. Hindi gano’n ang gusto kung sabihin. i want to live
Enjoy life,feel free.”
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” naiinip na tanong ni katelyn. Umatras siya at sumandal sa headboard ng kama.
Mukhang hindi siya makakapagpahinga kaagad dahik sa pangungulit ng kapatid.
“Ikaw,Ate. Okay kana ba nang ganyan? That your life is so black in white?So boring!”
“And you? So typical. Typical flirt.”
“Oh, atleast i know the meaning of the word happy. Saang planeta kana nanggaling? Planet loser?”
“Oo malayung-malayu sa mga kagaya mo.”Mukhang mauuwinna naman sa pagtatalo ang pag-uusap nila
“Hindi kaya mapadali ang buhay mo sa ginagawa mo, Ate?”
“Talaga? Pwede ka nang lumabas,”pagtataboy ni katelyn.
“Ate naman, eh.”
“Ano ba?” Galit na muli siyang bumangon at hinarap ang kapatid. “Time out muna tayo nikka .. Pwede ba yon?”
“Fine im sorry,” malumanay na sagot nito.
Nagulat si katelyn. Nikka was not used to saying those words. At sa kanya pa. “Okay start talking.” Muli siyang sumandal sa headboard.
Muling nagbuntong hininga si anikka. “I met this guy,” panimula nito.
Napangiwi siya. Parang gusto na lang niyang matulog. Fast forward please,”patamad niyang sabi.
Alam ko dimo ako maiintindihan. You hate it pero hindi ako. Hindi naman labag sa batas ng buhay ang hinihiling ko. I just want to–”
“Date,” agad niyang sabi kasunod ang isang ungol.
“Ate i like him..I really, really like him..Hindi ba pwedeng i-enjoy ko ang pakiramdam na yon?” Im not going to kill my self or something.Naiintindihan mo ba ko?
“Ang swerte naman ng lalaking to.naikomento ni katelyn.
“Ate, i know you’ve been in love. At siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.Naiintindihan naman kita. In fact, I want to punch whoever that stupid guy was. Pero hindu naman ako ikaw eh.Hindi naman siguro mangyayari sa akin yon
Tinignan ni katelyn ang sensiredad sa mga salitang iyon at nakita niya iyon sa mga mata ng kapatid. Sandali siyang natahimik. Something must really be going on.” Hindi madaling masaktan,nikka.At ayaw ko sanang mangyari sayo yon. At saka seryoso kaba talaga sa gulong pinapasok mo?”
“Yes.Ginawa ko naman ang lahat para iwasan siya pero hindi ko maiwasan ang spark. I feel so pretty around him.It’s it ‘s …something that feels good, Ate.”
“Ano ba yon? kunot ang noon tanong niya.at lalong kumunot iyon nang umikot sa inis ang mga mata ni anika.
I know you hate cheesy stuff kaya hindi mo na kailangang maintindihan ang sinasabi ko. Isa lang naman ang hihingin ko sa,yo. Makakaasa ba ako?”
Tumaas ang kilay ni kateyn.Ano sa akala ni anika ang mangyayari?That she will get what she wants with her help for nothing? Dapat siguro ay nag isip muna ito sa paglapit sa kanya.” At ano naman ang mapapala ko sa pagtulong ko sa yo?naghahamon niyang tanong.
Tumawa si anika na parang inaasahan na ito na itatanong niya iyon.Maarte itong tumayo sa harap niya.Mula sa bulsa ng suot na preppy skirts ay may inilabas itong papel na tila tickets.”Alam ko naman na matalino kang unggoy kaya naghanda na ako ng ipapain sa yo,sabi ni anika habang iwinawasiwas ang ticket.
Kaagad umangat si katelyn mula sa pagkakasandal at hinablot ang hawak ni anika. “Sasayangin mo ang oras ko kaya dapat lang na may kapalit. Anong ticket ba ito?”Pagka kita niya roon ay gulat na muli siyang bumaling sa kapatid.
“Told yah,” mayabang at nakaangat pa ang mga kamay na wika ni anika.
” You witch. Paano ka nagkaroon nito?” Isa iyong ticket sa isang exclusive theater play kung saan bida ang kanyang idolo niyang theater actor galing sa Rusia. Alam niya ang tungkol doon ngunit nang subukan niyang bumili ng ticket ay sold out na raw. Labis niyang pinaghinayangan dahil matagal na niyang gustong mapanuod ang idolo. Gusto na nga niyang sumoko hanggang sa dumating ang alok ng kapatid niya.mukhang mapipilitan sa pagbigyan ang pakiusap nito.
“Matinding kagustuhan,Ate. So, ano? Deal?” buo ang kumpiyansang sabi ni anika.
Tinignan niya ang nakalahad nitong kamay.
“Sige na. Ang simple lang naman ng assignment mo.
Gamitin mo lang si mommy ng hokus–pokua mo.” Pagkasabi niyon ay binawi ni anika ang ticket. Nagulantang si katelyn.
“Makukuha mo ito kapag pumayag na si mommy.”Muli nitong ibinulsa ang painy “Do it before the premiere.Or else,you lose.
Sayang ang ticket.”
Naningkit ang mga mata ni katelyn dahil sa frustration.Mukhang iisahan siya ng kapatid.Alam na alam nito na ayaw na ayaw niyang pinapasunod siya kaya humanap ito ng paraan kung saan hindi siya makakatanggi. At kailangan may resulta na ang gagawin niya sa loob ng isang linggo dahil malapit na ang date ng play.
“Sino ba itong date mo? tanong na lang niya bilang pagpayag.
Tumawa muli si anika.Napalitan ng excitement ang ang expresyon ng mukha. “Someone from school. At maniniwala na hindi masama ang dating kapav nakilaka mo siya,” masayang paglalahad nito.
She snorted. Hindi siya interesado kung sino man ang tinutukoy ng kapatid niya.wala rin siyang pakialam kung anuman ang mangyari sa mga ito.Personal na buhay iyon ng kanyang kapatid. Alam naman niya na kahit ganon ang ugali ni anika ay hindi naman ito padalud-dalos sa mga desisyon.Pumayag lang siya sa kasunduan para makuha ang ticket. Iyon lang at wala ng iba.
Hindi na nasisiyahan si katelyn sa sinabi ni anika kaya nagpasya siyang mahiga.Narinig niya ang malakas na pag ungol ng kanyang kapatid.
“Bakit nga ba nagsadayang ako ng oras sa pakikipag usap sa yo?’ inis na sabi nito,saka lumapit ito sa pinto at iniwan siya.
Tinanaw lang niya ang paglabas ng kapatid at ipinikit na ang mga mata. Ilang sandalu lamang ang lumipas ay naglalakbay na ang kanyang diwa sa pagtulog habang nasa isip ang kanilang kasundoan..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top