Green Card to your Heart Book 2 ‘Chapter 14


Danica POV
Totoo ba ang narinig ko..
O baka naman dinadaya lamang ako ng aking pandinig.
Liligawan daw nya ako?
Bakit bigla bigla naman ata..
Anong nakain nito at naisapang ligawan ako.. eh kahapon lang naman kami nag kita?
Ano nanamang pakulo ito Clark?
Isa pa.. naguguluhan ako.. hindi ba may nobya na sya..
Si Claire..
Ano yun? Pag sasabayin nya kaming dalawa sa buhay nya?
Ano sya siniswerte?!
Nilingon nya ang binatang nasa tabi nya.
Abala itong nakikipagkwentuhan kay Marco.
At sa twing napapatingin ito sa kanya isang matamis na ngiti ang rumirehistro sa mukha nito.
Napapatalon tuloy ang puso nya kapag nagtatama ang paningin nila, kaya namanpara makaiwas sa mapanuksong tingin ng binata ay pilit na langnyang inabala ang sarili sa pagtetelepono.
Mahirap na baka mafall ako..dapat dito palang rendahan ko na ang sarili ko!
‘Hindi ka na kumain jan..’pansin ni Clark sa kanya
‘Ha.. um.. nabusog na kasi ako..’
‘Are you sure..i dont think so.. hindi ko nakitang ginalaw mo ang food mo eh..’
‘Pano na naman nya gagalawin ang pagkain nya panay ang dutdot ng phone.. ibaba mo nga yan at kumain ka.. sabi mo kanina ka pa gutom diba.. eh bat ngaun bigla nawalan ka ng gana.. hay naku Danica ha..kanina ka pa..’
‘Fria.. ‘ suway ni Marco sa asawa
‘Pinagsasabihan ko lang.. masyadong pasaway..para kasing bata.. feeling ko tuloy..dalawa ang inaalagaan kong bata dito..’
‘Fria.. calm down will you.. and lets eat okay..
Wala nang nagawa si Fria kung hindi manahimik na lang.
Napaikot ng mata si Danica sa pinakitang kamalditahan ng ate nya.
‘Ito na nga eh. Kakain na..’ ibinaba ni Danica ang hawak na phone at nagsimulang sumubo.
Si ate talaga oh..napaka bungangera.. kahit sa harapan ng ibang ang tao kung manermon wagas.. hindi na ako binigyan ng konting kahihiyan..
Kadalagang tao ko na kaya.. naisip ko tuloy sana hindi na lang ako sumama dito.. sana pala sa ibang bansa na lang ako nag punta.. atleast dun kahit papaano may kalayaan ako..hindi katulad nito mukhang daig ko pang laging may tali sa leeg..
Isang mahigpit na hawak sa kanyang kamay sa ilalim ng mesa ang gumulat kay Danica. Pasimpleng tinignan nya ng patagilid si Clark.
Abala ang binata sa pag subo ng salad mula sa kanyang plato habang gamit ang kaliwang kamay nito.
Muling pinisil ni Clark ang palad nya. ‘Eat your salad.. masarap sya..’ he whispered.
Inaamin nya.. bukod sa nagdulot ito ng isang libot isang daang kilig sa kanyang dibdib, it was so too comforting to the point that she almost wanted to cry.. marahil siguro feeling nya masyado syang naapi ng ate nya nung mga sandaling iyon.. at kinailangan nya ng kakampi – at si CLark yun..
Hangagng sa matapos ang dinner ay hindi kumalas sa pagkakahawak ng kamay si Clark sa dalaga.
Nang minsan bumitaw si Danica ay mabilis ding hinuli ito ni Clark at inilgay sa kanyang tabi.
‘Stay with me..’ he mouthed nang malingat ng tingin sj Fria sa kanilang dalawa.
‘Ano bang ginagawa mo..anjan si ate..’ pabulong na banta ni Danica kay Clark nang magkaroon sila ng pagkakataomg mapag isa sa mesa dahil muli nanamang nag pasama sa toilet si Marcky at lumabas naman si Marco para kausapin ang isang kliyente sa telepono..kuno.
‘Eh ano naman.. I have good intentions.. kung gusto mo magsasabi na ako sa kanya ngayon.. para may formality na.’
‘Ano! Nababaliw ka na ba? As in seryoso ka?’
‘Sobra.. Dani.. i -i’
‘Oh ano pang ginagawa nyung dalawa jan.. halika na Dani.. pakibitbit na lang muna si Marcky at pupunta lang ako sa counter para mag bayad..’
Biglang napatayo si Clark’
‘Um Fria.. wait .. let me pay for the bill.. treat ko na to.. ‘ha. Naku.. magagalit si Marco nyan.. bisita ka namin ano ka ba’
‘No its okay.. minsan lang. naman to cge na just wait for me outside..’ he looked at Danica and then he smiled.
‘O-okay..’ Sinundan ni Danica ng tingin ang papalayong binata and unfortunately hindi ito nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Fria.
Isang makahulugang tingin ang sumalubong kay Danica ng makaharap nya ang ate nya.
‘Mag uusap tayo sa bahay pagkatapos nito..’ seryosong sabi ni Fria sa kapatid at pagkatpos ay walang sabing kinuha si Marcky mula sa kanya.
Napanganga si Dani.. ano nanaman bang nagawa kong kasalanan sa babaeng to.. naglilihi ba ang ate ko.. sinasabi ko na nga ba .. kaslanan ng nighites nya un eh.. ayan tuloy..!Naku naman!!
‘Thanks Clark.. loko ka ikaw pala ang nagbayad ng bill.. i will never forgive you for that..’
‘Hahaah.. okay im sorry.. wag kang mag alala nakalista naman yan.. pay me later pag ako naman ang nagpalibre sayo..’
‘Definitely i will pay you little bastard..anyway thanks Clark..’
‘Your most welcome.’
‘Oh ano pasok ka muna sa bahay para makapgkape’
Napatitig muna si Clark kay Danica na nooy pababa na ng kotse.
‘Um okay cge’
‘Good lets get some coffee inside then.. or maybe some wine instead..’
‘Nope.. kape na lang.. i want to avoid alcohol for now.. mahirap na.. baka makagawa nanaman ako ng di maganda..’
‘Hahaha.. parang alam ko na yan.’
‘Huh? Ano daw sabi ni Clark Marco? Hindi ko yata nakuha yung ibig nyang sabihin ‘ nahihiwagaang tanong ni Fria sa magpinsan habang karga karga nito si Marcky papasok ng kanilng bahay.
Kulang nalang maibato ni Danica ang hawak nitong baby bag sa dalawang lalaki sa bwisit.
Abay lokong tong dalawang to...


ah.. eh kung pinauuntog ko ang mga ulo nito .. talaga bang pangalandakan pa sa harapan ni ate.. bwisit!
Tuloy tuloy na umakyat ng hagdan si Danica. At nagkulong ng kwarto.Hanggat maaari ay umiiwas sya na haraping muli si Clark.
Natatakot kasi sya na baka bigla nalang itong magsalita sa ate nya at totohanin ang balak nitong panliligaw.
Hindi nya alam ang ugali ng ate ko.
Sigurado abot abot na sermon lang mapapala ko pag nagkataon.
Ang laki panamn ng expectation nya sa kin.. kaya imposibleng payagan nya si Clark na ligawan ako..
At isa pa hello.. Clark may nobya ka.. shit ka naman eh.. mabuti sana kung wala kang sabit.. lakas din ng loob mo..dun palang isang malking ekis ka na sa ate ko!
‘Tok tok’
‘Dani pumarine ka nga sa labas muna..’
Inis na napabangon ng higa si Danica.
Ano nanaman bang gagawin ko.. ayoko nang lumabas utang na loob.!!!
‘Yes ate ano yun..’. Nakangiti pang bungad ni Dani sa ate nya.
‘Ikaw na nga munang magtimpla ng kape ng mga lalaki dun sa baba.. paliliguan ko lang si Marcky’
Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Danica.
‘Ano ba naman ate. Wala ba silang mga kamay . Hindi ba sila makahawak ng baso at kutsara kailangan talaga may taga timpla pa sila ng kape’
‘Huy.. mahiya ka naman sa bisita natin.. lalo na si Clark pa ang nanlibre ng dinner natin..cge na.. kung kaya mo bang magpaligo ng bata eh di ako na ang gagawa..’
‘Eh sino ba naman kasing may sabi sa kanyang ilebre tayo..pabida..’
‘Alam mo Dani naartehan na ako sayo.. if i know.. basta mag uusap tayo mamaya.. may itatanong ako.. at gusto ko ng malinaw na sagot!’
‘Ha.? A-ano namng tanong yan?’
‘Basta.. cge na gawin mo na ung pinagagawa ko’
Sa kusina, yamot na yamot na nagsalin ng coffee powder si danica sa coffee maker.
Ano naman kaya yung itatanong sakin ng magaling kong ate. Parang gusto kong kabahan ah.. tungkol kaya saan yun.
Naku lagot.. baka naman may nakakita kay Clark nung gabing yun na lumabas sya ng kwarto ko.. tas nagsumbong kay ate.. tsk! Sinasabi ko na nga ba..pero kung alam nya yun eh di sana matagal na nya akong kinommpronta.. Iihh… mababaliw ako sa kakaiisip nito maibigay na nga ang kape ng mga damuho at ng makapanhik na uli sa itaas.
‘Oh bakit nag iisa ka jan nasan si kuya Marco’ pansin agad ni Danica nang maaubutang nag iisang nakaupo si Clark sa living room.
‘Fria called him.. i think Marcky is little bit moody tonight..’
‘Ah okay.. muryutin kasi yun pag gantong oras.. um cge na ayan na yung kape mo.’
‘Thanks.. hm wait where are you going..’
‘Babalik na ako ng kwarto.. kailangan ko ng matulog’
‘7 oclock in the eve.. still early’ he sip some of the coffee from his mug
‘Inaantok na kasi ako eh.’
‘Oh its too sweet.. i dont drink sweet coffee’
‘Ganun ba.. akina gagawan kita uli ng bago..’ naiinis na dinampot ni Danica ang mug nito at tumalikod pabalik ng kusina.
‘ ang arte.. i dont drink sweet coffee.. anong gusto nya matabang na kape.. boring naman ng buhay nya..’
Nang walang anoy anoy Isang pares ng mga braso mula sa kanyang likuran ang biglang umikot sa baywang niya na halos ikatalon nya sa sobrang gulat.
‘Thats y i choose you to be my girl.. para hindi na maging boring ang buhay ko..’ clark whispered at the back of her ear.
‘Clark! A- anong ginagawa mo .. bakit ka sumunod dito sa kusina. Baka makita tayo ni ate!’
‘Dont worry.. nasa itaas sila.. nandun si Marco.. he will never let fria sees us..Dani .. i miss you.. i really miss you so much…let me hold you for a while .. please kahit sandali lang..’ he tighten his grip to her small waist at dahan dahang pinihit nya ang dalaga paharap sa kanya.Marahang hinaplos haplos ni Clark ang pisngi ni Danica at dinampian ng pinong halik ang mga ito.
‘I cant believe you are here with me now.. forgive my il mannered behavior but i just cant help it.. God knows how i tried to stop myself from touching you.. pero hindi ko talaga kaya.. Dani.. believe it or not.. when i saw you on that particular day of marcky’s party..you just brought back those feelings that i thought i already left behind..and i told myself.. never again i would let you slip away just like what i did before.. hinding hindi na kita pakakawalan.. yun ay kung hahayaan mo akong mahalin kitang muli..’
‘Clark..’
‘If you want me to start all over again.. gagawin ko.. kakayanin ko.. even asking your hand to your dear sister.. ill do it.. just to prove my pure intentions ..hayaan mo lang akong patunayan yun sayo..’
‘Hindi mo kasi kilala ang ate ko..’
‘I think i knew her now.. wag kang mag alala.. ill handle it..trust me..’Muli nyang niyakap ng mahigpit ang dalaga. He snuggled in between her head and shoulder until his lips touched her soft bare skin under it. ‘Oh God how i miss this kind of hug of yours.. ive been dreaming of this ever since i left the Philippines..’
‘Talaga ba.?’
‘Yes.. ‘
‘Hindi ako naniniwala..’
‘Bakit naman.?’
‘Eh bakit may Claire ka na?’
‘Ha?!’
‘Clark.. pababa na sya.. mamaya na lang kayo mag usap..’ bungad ni Marco sa kanila






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top