HINDI GUSTO NG BOYFRIEND KO ANG MGA KAIBIGAN KO


“Leah, birthday ni Hailey sa darating na linggo pumunta ka ah,” paalala nito sa ‘kin.
Tumango ako. “Sige, magpa-paalam lang ako sa boyfriend ko.”
“Kung gusto mo isama mo na rin boyfriend mo para naman mas makilala pa namin siya noh.”
Ngumiti ako dito at inumpisahan ng bitbitin ang mga libro ko. “Oo naman, naging busy kasi siya nitong nakaraan.”
Pagka-tapos ay sabay na kaming lumabas ng classroom papuntang cafeteria malapit dito sa school nag-aya din kasi ang mga kaibigan pa namin na mag-bonding lalo na at ngayon lang ulit kami nagkita-kita.
Pagkadating namin sa Cafeteria ay nakita naming andon na ang iba sa mga kaibigan namin at ang dalawa sa kanila ay kasama ang mga boyfriend nila.
“Oh! Andiyan na pala kayo, maupo kayo.” Itinuro niya ang bakanteng upuan at hinintay ang mga iba pa.

“Bakit ngayon ka lang?” Seryosong tanong nito ng dahan-dahan akong pumasok sa pintuan.
Muntik na ako matumba dahil sa gulat. “A-Ano kasi nagka-ya-yaan kaming magka-kaibigan sa isang Cafeteria tapos napadami ‘yong kwento kaya gabi na ako nakauwi.”
“Alam mo ba kung anong oras na?” Tumingin ako sa relo ko. “Alas-otso pasado?”
Kita kong nagsalubongan ang mga kilay nito at walang imik na pumasok sa kwarto.
Nung gabi na ‘yon ay nagtalo pa kami at huwag na daw ako sumama sa mga kaibigan ko kung aabotin lang din naman ako ng gabi.

“Mahal, bilisan mo na diyan!” Sigaw ko sa baba.
Kung hindi ko pa pipilitin ang Boyfriend ko na sumama sa birthday ni Hailey ay hindi pa ito papayag. Seryoso itong bumaba mula sa hagdan.
Pagkatapos ay walang imik kaming bumayahe.
“Leah! I’m glad na nakarating ka.” Ngumiti ako dito pagkatapos ay nagyakapan kami.
“Happy birthday, Hailey!” Bati ko dito.
“Oh, kasama mo pala ang Boyfriend mo,” saad niya ng mapansin si Marcus.
Kinurot ko ito sa daliri ng hindi man lang ito ngumiti at seryosong ekspresyon lang ang ipinakita niya.
“Happy Birthday.” Ngumiti na lang ang kaibigan ko at umalis na sa harap namin.
Nagdaan pa ang ilang oras ng pamamalagi namin doon at pagkatapos ay nagpaalam na kami na uuwi na.
“Marcus, bakit hindi ka man lang umiik sa tuwing tinatanong ka nila at ako pa ang sumasagot, nakakahiya sa kanila.”
“Ah, kaya pala naiiwan akong mag-isa sa upuan at ikaw kasama ng mga kaibigan mo nag-sasaya.”


/> “Niyaya ka namin pero ayaw mo!” Pagkatapos ay walang imik akong umakyat.
“Iwasan mo na ang mga kaibigan mo. Hindi sila magandang impluwensya sa’yo!”
Napahinto ako dahil sa sinabi niya at napamawang ako na tinignan ito.
“Naririnig mo ba ‘yong sarili mo?”
“Lea, at the end of the day iiwan ka din naman ng mga ‘yon e, samantalang ako andito lang palagi sa’yo.” Hinawakan nito ang magkabilaang braso ko.
Hindi ko alam pero bigla akong napaluha. Hindi dahil sa sinabi niya na iiwan ako ng mga kaibigan ko at the end of the day, napaluha ako dahil sa taong kaharap ko na para bang sarili lang ang iniisip paano naman din ako?
“Bago ka sila ang nauna, bago ka sila ang una kong nakilala, bago ka madami na kaming pinagsamahan ng mga ‘yan kung talagang mahal mo ako then dapat matuto ka ding gustohin ang mga kaibigan ko, kung paano mo ako tratohin, then ganun din gawin mo sa kanila.”
“Nang dahil sa kanila parang nawawalan ka na ng oras sa ‘kin e!”
“Hindi mo pa sila totoong kilala dahil ayaw mo din namin sila kilalanin, akala mo hindi sila magandang impluwensya sa ‘kin dahil akala mo ng dahil sa kanila kaya ako nawawalan ng oras sa’yo ganun ba? Nung ikaw nawalan ng oras sa ‘kin at sila ang nagpuwang nun, nag-reklamo ba ako, inisip mo din ba ako, inisip mo din ba ‘yong nararamdaman ko?”
“Mamili ka kaibigan mo o ako?” Mas lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya.
“Bakit kailangan pang mamili, kung puwede namang parehas ko kayong piliin kung talagang mahal mo ako lahat ng tao na nakapalibot sa ‘kin tatanggapin mo.”
“Mahirap mamili sa dalawang choices, Marcus lalo na kung parehas na importanteng tao sa ‘kin ang pinapapili mo. Kung mga bagay ang pinapapili mo masasagot ko pa pero ‘yong tanong mo mahirap sagotin, mahal kita pero mahal ko din mga kaibigan ko.”

Minsan sa isang relasyon hindi maiiwasan ‘yong ganito, ‘yong ayaw ng partner mo sa mga kaibigan mo at minsan naman ayaw ng mga kaibigan mo sa partner mo. Minsan hindi mo kailangan ipressure ang tao na mamili para piliin ka lalo na kung parehas na importante sa kaniya ang mga ‘yon.
-end-
Written by: Skylar Prosé
Open for criticism | Grammatical errors ahead.
Visit my timeline for more stories.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top