SELLina CHAPTER 7


SELLina🌺
🌺CHAPTER 7🌺
CONTENUATION OF FLASHBACK….
“Babe!!!”masayang bati ni Mira sa lalaking kakarating lang ng mansyon ng dalaga
Patakbo itong lumapit at niyakap ang walang emosyong lalaki..
“Mira!”iyon lamang ang salitang lumabas sa bibig nito habang nakayakap ito sa kanyang matipunong dibdib
“Ooh!i miss you so much babe!”habang patuloy itong nakayakap at napipikit pa upang damhin ang init ng katawan ng binata..pansin nito na hindi manlang gumanti ang lalaki sa pagkakayakap nito
“Babe?hindi mo ba ako namimiss?”bumitaw ito sa lalaki at tumitig sa mga mata ni demon.
“Bakit kapa bumalik?”halata sa boses nito ang lungkot
“Because i realize na mahal pala talaga kita!im so sorry kung iniwan kita babe!”
Muling yayakap sana ito ngunit dumistansya ang binata
“May iba kanaba?”may lungkot ang tuno ng boses ng babae
“Kung meron?anu ang gagawin mo?”seryuso nitong tanong
“Meron nga!iwanan mo sya,
at tayo nalang ulit!mahal na mahal kita,
handa na akong pakasalan ka babe,please bumalik kalang sakin!”
“Really?”may pang uuyam sa boses ng lalaki,
“Oo,pakakasal na ako sayo ..!”nabigla pa ang binata ng lumapit ito ng mas malapit,lumiyad at inambahan sya ng maalab na halik..noong una ,wala itong reaksyon..
Ngunit ng marahang kagatin ni Mira ang kanyang ibabang labi..
Nagliyab ang kaninang malamig na damdamin..
At unti unti itong nadala sa halik na iyon..
Maging ang mga kamay ng binata ay gumagapang narin patungo sa dibdib ng babae..
“Ugh!”mahinang ungol mula sa isat isa..
“Sorry po maam/sir!!!!.sorry po!”napatigil ang dalawa at napabitaw sa isat isa ng makita at marinig nila ang katulong na pumasok ng sala..
May dala itong juice na para sa binata sana..
“Ilapag molang dyan ,at bumalik kana ng kusina!”iretang sabi ng amo nitong si Mira,may galit ang mukha,dahil siguro wrong timing ang kasambahay at nabitin ito..
“Thank you!”ani Demon
“Opo maam!opo!”mabilis na tumalikod ang babae at lakad takbong umalis doon..
‘halika ka sa kwarto ko!”hinawakan ni Mira ang kamay nito at hinila paakyat sa silid daw nito….
“Manang?saan ka pupunta?”
“Sa grocery iha,kunti nalang kasi ang supply natin kaya kailangan konang mamalengke..”
“Pwede ba akong sumama?”
“Pasensya kana iha,pero hindi ka pinapayagang lumabas ni sir ,gustohin koman baka mapagalitan tayong pareho at masaktan ka nanaman ni sir!”
Nayuko si sellina,pagkakataon na sana nya iyon..
“Pero babalik ako agad!anung gusto mong kainin?bibili ako!”masayang turan ng matanda
“Kahit anu nalang manang..ingat po kayo!”
‘salamat..
Naglakad palabas ng sala ang matanda kaya naiwang nakaupo sa dinning table si Sellina..hinihintay lamang nyang makaalis ang babae at tsaka sya gagawa ng plano.alam naman kasi nyang hindi sya matutulungan ng matanda,baka isumbong panga sya kapag nalaman nito ang plano..
Narinig nyang tumunog ang kotse kaya tumayo ito at patakbong tumungo sa labas…
Ngunit
“Maam!bawal po kayong lumabas ng gate,!”
Kung maalala nya isa ang lalaking ito sa mga guard ng Demon-yo na iyon..matipono at may taglay itong kagwapuhan,ngunit mas gwapo ang amo nito.yun ngalang impakto ang ugali
“Dito lang naman ako sa garden,bawal parin ba?”ngumite sya
“Ah-eh!”namula at napakamot ng ulo ang lalaki
“Si-sige po,!”
“Salamat!anu nga pala ang pangalan mo?”
“Ako po si Drake maam!”nayuko nitong sagot.mukhang nahihiya sa kausap
“Ilan taon kana Drake?”nangite parin ang dalaga,kailangan nyang akitin ang binata baka sakaling payagan syang lumabas..
“23 na po ako maam Sellina!”
“Magka edad lang pala tayo,Sellina nalang di naman ako ang amo mo eh!”
“Ka-kasi po ‘yon ang bilin ni sir Demon..hindi po kami pwedeng sumuway dahil mapapagalitan kami maam!”
“Eh,wala naman sya dito,tsaka hindi naman ako ang amo nyo.!”
“Ha-ah -eh si-ge po ma- sSellina!”
“Ayan mas maganda diba?”sabay ngite ng nakakaakit kaya mas namula pang lalo ang kausap..
Ilang sandali pang nagtagal ang kanilang pag uusap.tungkol sa buhay ng lalaki at kung taga saan sya..sumasagot naman ito sa mga tanong ng dalaga..
May nubya pala ito ngunit nasa abroad..
Nalaman din ng dalaga na 5years na syang nagtatrabaho sa amo nitong si Demon..
‘”sige Drake papasok na ako ng bahay?”
“Si-ge po maam!”
Tumayo ito at akmang tatalikod ng may maalala..
Kaya tumigil ito at lumingon sa kausap..
Nagulat pa sya,nahuli nya kasi ang binata na titig na titig kanya..
Kaya ng makita ng lalaki na humarap ito ng bigla ,agad syang nayuko
“Drake?ilan kayo dito ngayon?”binaliwala lamang nito ang nakita,
“Hah-ah anu po..bale
Tatlo po ma-Sellina!”
“Nasaan pala ang iba?”
“Kasama po ni...


sir Demon..!”
“Ahh ganun ba!sige mauna na ako,!”muli itong tumalikod at naglakad papasok ng bahay..
Pagkapasok
Patakbo syang umakyat sa taas upang tunguhin ang kwarto..
2:30pm na ng hapon kailangang makaalis na sya bago pa dumating ang hayop nayon..baka kung anu nanaman ang maisipan nitong gawin ..
Pumasok sya sa kwarto at nilocked iyon
Hinila ang kumot,comforter at bedsheet maging ang mga kurtina
Pinagbuhol buhol nya ang lahat ng iyon may veranda sa kanyang silid at midyo mataas ..
Doon sya dadaan dahil nakita nya ang mga bantay na hindi naman nag iikot sa kabuuan ng compound nasa garden o nasa guard house lamang sila paikot ikot..
Nakita rin nya kanina na may daanan sa bandang likoran ng mansyon..
May maliit na gate doon patungo sa kung saan..
At ang swerte nya at bukas iyon..
Doon sya dadaan upang makatakas sa lugar na ito..
Isinilid nya ang mga gamit sa backpack na nakita nya sa cabinet
May nakita rin itong jeans doon at longsleeve na pambabae..
Kinuha nya iyon at agad na isinuot
Wala syang pake alam kung kanino iyon ..
Ng matapos sa pagbibihis,at maitali ang lahat..
Lumapit sya sa paa niyong kama at itinali ang dulong bahagi ng kurtina..
At ang isa pang dulo ay itinapon nya sa bintana..
Mahaba iyon kaya sumayad sa lupa..
Isinuot ang backpack at nagsimula na itong bumaba gamit ang mga itinaling kumot,comforter,kurtina at bedsheet.
Marahan
Maingat
At walang takot syang bumaba sa veranda ng kanyang kwarto..
Malapit na..
Malapit na malapit na syang makarating sa baba…
At…”thank you god!gabayan mo ako!”bulong nito ng makatapak ang dalawang paa sa lupa..
Patakbo syang lumisan sa lugar patungo sa gate na nasa likod ng mansyon..
Kinuha nya ang kadenang nakapulupot doon at ibinaba sa lupa binuksan ang gate at patakbong nilisan ang lugar..
Habang naglalakad di nya maiwasang matakot,dahil malapit naring dumilim at nasa kasukalan na sya ng lugar..
Hindi nya alam kong saan sya pupunta dahil hindi nya alam kung saan ito patungo..
Napapagod na sya,kaya naupo muna ito sa batong nasa tabi..kinuha ang tubig na nasa gilid ng kanyang backpack at tinungga iyon..
Hingal na hingal na sya dahil sa lakad takbong ginagawa..
Madilim narin ang langit,
At mukhang uulan pa
“Wag muna ngayon!!”bulong nito habang nakatingin sa langit
Kumidlat kaya nagulat ito..
At napatakip ng tenga..
Naiiyak na si Sellina dahil takot na takot ito sa kidlat..
Kahit matanda na sya,natatakot parin ito..
May naalala kasi sya tuwing kumikidlat at kumukulog..
“Mom!please help me!dad please guide me!”habang tumutulo ang mga luha..
Tumayo sya at muling naglakad,mabuti nalang may dala syang flashlight.nakita nya ito sa kusina kanina kaya dinampot nya..
Madilim na ang langit at buong paligid..
Isang kidlat pa
“Momy!!!!”hiyaw nito para syang bata na iniwan ng magulang..nakayuko at nakatakip ang magkabilang tenga..
Nagsimula ng umulan..
At wala syang makitang masisilungan!
Basang basa na sya dahil malakas ang lagaslas ng ulang iyon..
Takbo lamang sya ng takbo baka sakaling may makitang bahay o kubo manlamang..
Na masilungan..
“Aaaay!”hiyaw nito ng may masaging bagay dahilan upang madapa ito..
Bumangon ang dalaga at naupo..sa lupa..
Ngunit maya maya ay may naramdaman syang kaluskos..
Kaluskos Sa di kalayuan…
Nangingibabaw na ang takot at kaba sa kanyang pagkatao..
Ang kaninang patak patak na mga luha ay umaagos na..
Hindi rin nya alam kong sino ang tatawagin at sisigawan upang humingi ng tulong
Wala naman kasi syang night and shining armor.kung tawagin ng iba
Walang kawal o prinsipe na yayakap at magtatanggol sakanya.
Dahil ang totoo sya lang mag isa
Walang iba maliban sa kanyang sarili..
Lumalakas ang kaluskos..
Kaya napapaatras sya..
Atras lang ng atras…
Ng biglang …
“Aaaaaaahhhhhh!!!!!”hiyaw nito habang nakahawak sa ugat ng kung anung kahoy o halaman..
“Tuloooooong!”muling sigaw ng dalaga..
Naiyak itong muli,sino naman kasi ang tutulong sakanya sa lugar na ito.
sino ang hahawak sa kanyang kamay upang hilahin ang kanyang mga kamay paakyat ng bangin…
Napipikit na ito dahil sa mga naiisip..
Ng bigla nalang lumitaw sa kanyang emahinasyon ang isang lalaki…
Kaya naisigaw nito ang pangalan..ng taong iyon..
“Demoooooon tuloooooong!!!!!!”hindi na nya kaya pa..
Pagud na rin syang kumapit kaya akmang bibitaw na ito ng..
“SELLina!”mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay at buong pwersang hinila ito paakyat..
At ng ma-iangat sya nito agad nyang namukhaan iyon..
“Demon?”naiyak sya..dahil sa takot
At dahil din doon nayakap nya ito ng buong higpit❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top